Thursday, June 18, 2009

Ride On

Hindi ko alam kung sino ang pasimuno ng makesong pitak sa mundo nating ito. Iyun bang kung tawagin ng iba, lalo na nung mga bata-bata pa eh cheesy daw! Literal talaga eh, cheesy – makeso.

Malamang sa malamang, impluwensya iyan ng commercial ni John Lloyd Cruz at Bea Alonzo tungkol sa pizza na punong puno daw ng keso, siling paraka at sausage.


Ang eksena, namamangka sila tapos bumanat si John Lloyd ng “I’m ending our friendship.” Nagulat naman si Bea sa sinabi ng ka partner sabay hirit ulit si lalake ng “Coz I wanna start loving you as my girl.”

Dyan-dya-ra-ran! Dun na pumasok ang mga tsu-wa-ri-wa-ri-yap sabay sigaw ng “sobrang cheeeesy!” Panalo diba?

Dito naman sa komunidad natin, ito yung mga mababasa mong makalaglag…wag na nga lang. Pwede rin itong tawaging mga “KAKA.” Kakainggit, kakakilig, kakainlab, kakatigas at kung anu-ano pang kaka.

Kung baga sa mga telenovela o kaya eh sa mga romance pocketbooks, ito yung mga may temang moving on, letting go, finding love at kung anu ano pang kabaliwan ba o kabaduyan ng pag-ibig?

Pero ano man daw ang sundot ng temang pag-ibig, gusto ng lahat kasi nga naman eh love makes the world go round daw! Minsan pwede ring makes the world 69 o kaya eh helicopter.

At dahil uso nga eh makiki-ride on lang ako.

Pero di ako gagawa ng kilometric post tungkol dito. Hindi kasi sweetic na tao. Wala yata sa bokanularyo ko ang salitang “sweet.” Peksman!

Di ko nga alam kung paano ito gagawan ng timplada eh o kaya paano buuin yung mga litanyang makakapagpangiti ng palihim o kaya eh halos maihi habang nagbabasa.

Pero sige banatan na lang natin isang quote, phrase, talata ng tula, o kung ano pa man ang tawag dito…dyan-dya-ra-ran! (ulet)

May mga bagay sa mundo
na tanging puso ang may kayang magpaliwanag
.
Kaliwa’t kanan ang mga tanong
pero pag-ibig ang nagbubulong.





Sila nga pala ang naging inspirasyon ko dito.

naks®

Tuesday, June 16, 2009

Combo Meal



ang Apo may kantang kumot at unan
evony and ivory ay sa piano naman
magpapalamang ba tayo sa kanila?

di natin alam bakit tayo naging combo
ang mahalaga, sa mundong mga ulo’y kumukulo
sa pagpapakalma, tayong dalawa’y magkasundo.


-naks®

Wednesday, June 10, 2009

Luneta Adventure

Sa tinagal tagal na panahon na laging NLEX at Edsa lang ang nakikita kong kalsada, nakita ko na lang ang sarili ko sa Luneta. Baka kako dahil sawa nako sa usok ng Edsa, usok naman ng Roxas Boulevard ang gusto kong malanghap.


Malapit sa kinatatayuan ng kalabaw, duon ko napansin ang dalawang lalaking may edad na tila nagdedebate. Di naman sila yung pangkaraniwang debatista (?) ng Luneta. Mas madalang ang kumpas ng kanilang mga kamay at hindi pinaglalakasan ang mga boses.

Pilit kong inuulanigan kung tungkol saan ang kanilang pagtatalo pero tila ako yung matanda na hindi sila maintindihan. Sa loob loob ko, wag naman sanang Hayden Kho at Katrina Halili ang pinag uusapan nila dahil baka mag-ihit ako sa tawa kung sakaling maririnig ko.

Siguro’y napansin ng isa kanila na pasimple akong tumitingin kaya nang magpaalam ang isa, sinigawan ako nito ng “hoy Ato, ikaw nga ang umakay sa Lolo at mahina na ang tuhod ng matandang iyan.”

Para akong nabudol-budol! Peksman!

Maraming tanong si Lolo, pangalan, edad, taga saan, trabaho, pinagtapusan at iba pa! At madami din akong sagot.

Squid balls at palamig lang ang naialok ko sa matanda dahil iyun lang ang nakita ko sa lugar. At isa pa, kababayad ko lang ng kuryente kaya iyun lang talaga ang kaya ko.

Habang hindi niya makagat-kagat ang mainit na itlog ng pusit, nagtanong ito - kumusta na daw ba ang Pilipinas?

Nakupo nalintikan na! Tama nga ako, miyembro siya ng Luneta Debating Society. Ang mahirap pa sa tulad nila, habang nagkakalaman ang sikmura, lalong tumatalas ang mga punto de bista.

Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang marinig na sagot sa tanong niya. Gusto ko sanang sabihing “Lolo hindi po ako lalaban…suko na po ako.”

Pero inulit ang tanong at mas matalas na…“Iho ano ba ang lagay ng bayang Pilipinas?”

Edi patulan. “Eto po, patuloy ang paglubog. Pinamumunuan pa rin tayo ng mga lider na pawang mga makabayan pero mga magnanakaw naman. Lahat sila gumugugol ng bilyun-bilyong piso para sa mamamayan pero hindi naman makita ang resulta. Makabayan po kung tawagin sila.” Tama na ‘yun, ayoko ko nang humaba.

Umiling lang ang matanda. Ramdam ko yung sinseridad ng pag iling niya.

Bumuntong hininga siya habang nakatingin sa kalsada tapos ay uminom ng gulaman. “Bakit ba Ato ang daming jeep na bumabiyahe na puno ng mga bandilang pula at kung anu-ano ang nakasulat?”

“Ah kasi po may kilos protesta sa Makati laban sa Cha-Cha. Hindi iyun yung Cha-Cha na sinasayaw nung panahon nyo ha. Charter Change po. Balak kasi nilang baguhin ang Konstitusyon,” mabilis kong tugon.


“Nilalabanan po iyan ng marami kasi ang gusto lang naman daw ng mga pulitiko eh term extension o para manatili sa pwesto ang mga nakaupo. Naku Lolo, napakaraming beses po ang rally sa ngayon,” dagdag ko pa.

Maya-maya pa, itinaboy nako ng matanda, umuwi na daw ako. Kakamot-kamot naman akong napatitig sa kaniya.

Malungkot ang kaniyang tinig pero narinig ko pa ng sinabi niyang “Tama si Ka Andres, mas mabuti pang manatili na lang kaming bato, mga patay na monumento, wala na ang aming ipinaglaban.”

“May saysay pa ba ang Araw ng Kalayaan?” pahabol niyang tanong sabay lakad patungo sa rebulto ni Dr. Jose Rizal.


naks®

Tuesday, June 9, 2009

Laki Ng Problema Mo!

Patuloy pa rin ang pabugso-bugsong pag-ulan. Wala daw bagyo sabi ng Pagasa pero sapat na ito para magkansela ng klase nitong nakaraang linggo. At kung hindi magbabago ang lagay ng panahong ngayon, posibleng maulit pa ang pagkansela ng pasok sa darating na mga araw.

Natuwa ang mga bata kasi nga naman eh hindi pa pumapasok sa sistema nila na pasukan na. Nasa bakasyon mode pa rin ang karamihan. Sabayan pa ng paligo sa ulan…panalo!

Pero marami rin ang napeperwisyo. Kung wala ka rin lang kasi sa bahay, hassle talaga ang ulan. Ang pinaka masarap na ambag na lang siguro ng ulan eh yung masarap matulog. At dahil panggabi ako, hindi ko rin mapakinabangan ang sarap na iyun!

Tapos sinabayan pa ng halos araw araw na high tide, mas lalo nang nalintikan! Little Malabon pa namang maituturing ang bayan namin sa Bulacan. Ano pa ba ang magagawa? Edi daanin na lang sa reklamo.

Para sa kaalaman ng lahat, napapalibutan ng tubig ang aming bayan. At dahil nagawan na ng paraan ang baha sa Malabon, sa amin ang bagsak ng mga tubig dahil diretso sa amin ang tubig na galing sa Manila Bay.

Gusto mo ng pruweba?


Medyo mababaw pa nga iyan ng konti. Kung sakaling pauwi ako pag inabutan ng high tide, nasa tricycle pa lang ako, nag-aalis nako ng sapatos at naglililis ng pantaloon. Sige reklamo lang ulit ng reklamo hanggang walang bayad! Basta wag mabasa ang lonta at sapatos.


Iyan ang daan papunta sa looban namin. Halos araw-araw ngayong mga panahong ito, ganyan ang eksena dyan (naiiba lang ng oras). Pero ok lang, sanayan lang yan. Pasasaan ba at muubos din ang high tide!


Sino pa nga ba ang mag-eenjoy sa tubig baha? Silang mga bata!

Ooooops teka lang, yan nga pala eh high tide lang ha, paano pa kaya kung sasabayan ng malakas na buhos ng ulan? (Knock on wood, hide tide na naman kasi itong linggong ito eh)

Kaya isipin mo na lang, paano ko nga ba maisusuot ang bagong sapatos? Haay!

Anak ng putik, yun pa rin ang problema mo?


naks®

Saturday, June 6, 2009

Time Out Muna!

Nung ma-tag(a) ako tungkol sa paggawa ng kwento tungkol mga nag-iiwan ng tsinelas, nabanggit ko na ayaw ko ng tsinelas dahil marami ako nuon. May "mumors" na pwede na kapag tatambay lang at meron din namang pang porma.

Pero mas gusto ko ang kwento ng sapatos dahil iyun ang halos hindi ako nagkaroon nuong medyo uhugin pa ako at nung mga panahong hindi ko pa naiisip na nakakahiya palang hindi mag brief kapag grade 3 na.

Hanggang dumating ang kolehiyo, pahirapan pa rin sa salung paa. Kaya nga nuong nagkatrabaho ako, sapatos ang parang hingahan ko. Sabihin na nilang maselan pero di ako basta basta nagpapahiram ng sapatos ngayon.

At sa gitna ng di ko mabilang na angst at angal sa buhay nitong mga nakakalipas na araw, bumili ako ng sapatos. Pampalubag loob ba!?

Kahit papaano naman eh may epekto rin, napapangiti ako pagnakikita kong nakasapak sa paa ko. Lalo na 'pag may nakikita akong tumitingin sa sapatos, tumatalon ang puso ko pag ganun. Pakiramdam ko kasi "uuuy may dating." Peksman!

Mahigit isang linggo pa lang iyan sa akin.


Pero dalawang beses ko pa lang naisusuot.


At dahil maulan nitong mga nakaraang araw…


…kailangan muna ulit nating itago sa kahon!


Ayos ba? Hindi pwedeng maputikan at lalong hindi pwedeng matapakan. Umiiwas lang sa away kaya itatago ko muna ulit!

Mauubos din naman ang ulan eh!


naks®

Thursday, June 4, 2009

Linlangan Na 'To!

Alam nyo ba ‘yung Nobel Peace Prize?

Isa daw ito sa pinaka prestihiyosong karangalan na maaaring matanggap ng isang tao sa buong mundo. Kung sandamakmak man daw ang kwarta ko sa aming aparador, hindi ko pa rin ito mabibili.

Ganyan katindi ang award na ‘yan. Walang panama dyan ang Oscar’s kahit manalo ka pa ng Vocalist of the Year o kaya eh Grammy’s kahit masungkit mo pa ‘yung Director of the Year.

Kailangan daw, may mabuti kang maidudulot o maibababahagi sa mundo mong ginagalawan.

Siyempre iyan naman eh nasa ibat ibang kategorya. Hindi naman pagsasabung-sabungin na lang ang mga taong sa ibat-ibang larangan. Kung baga, ang kalapati eh hindi mo pwedeng ilaban sa isda.

Iyun nga lang, hanggang sa ngayon pala eh wala pang Pinoy nakakatanggap ng naturang karangalan simula nang magbigay nito mahigit isandaang taon na ang nakakalipas. Mailap!

At mukhang ngayon pa lang tayo makakasungkit. Kasalukuyan na nga raw pinag-aaralan ng pamunuan ng Nobel Peace Prize ang mga katangian ng MGA Pinoy na kandidato. Opo, hindi lang iisa.

Alam nyo ba kung anong kategorya? Public Service!

Naks naman lupet!

Ang mga video sa ibaba ay ilan lang sa kanila, at mukang madami pa ang madadagdag sa listahan sa mga susunod na buwan.

Sige pag-aralan mo kung sino kaya sa kanila ang karapat dapat at kagalang galang na deserving manalo ng Nobel Peace Prize for Public Service!?

Ooooops patayin mo muna ang music sa gilid.





Tuesday, June 2, 2009

For A Change

I’ve been staring at my computer’s monitor for a quite awhile now, but still couldn’t figure out the line of thoughts I wanted to write. It seems something, and yet nothing is bothering me.

Conflicting feelings yes, but that is how I can explain the sentiment that I can’t explain. So many times I told myself to gather my thoughts. Nonetheless, no matter how I tried, it still leads to this…undirected writings.

Primarily, I now affirm that I am unsatisfied and discontented with where I am right now. Maybe its just it!

I just feel that at my age, there are so many things that I need to cope up with. A few years ago, I have so many goals wherein I gave myself a timeline to achieve the same. Years had passed and yet, but only a little percentage of which landed on my hands.

I am not giving up though, that I would be able to have those goals. But it has to be now and not in the years to come. It appears that it will be too late if it would take some more years before it came to reality. And worse, if I would just let myself to go by the flow of the current situation, I may not be surprised if all the things that I planned would not happen at all.

I should not let it happen.

This is not to say that I need to go back square one and restart my self dictated program. Maybe, I just need to re-organize my priorities.

First on my list…my career path. I have to change and redirect it. Some have commented that I am lucky enough to land into the company where I am employed right now.

Certainly, with the thousands of communication arts graduates, I would like to believe that I am fortunate enough to work in one of the broadcast giants of the country. However, there is big difference between “having been employed” and “earning enough.”

Don’t get me wrong but I am not rushing things. It’s just that I am battling with my own time. As I have said, this is just to re-align my priorities. There maybe better opportunities outside if I will challenge myself to do things which I haven’t tried before.

I believe it has to be that way.

To become successful while staying in our beloved country is something next to impossible. I believe so.

Haaay making sense is indeed one of the hardest things to do. I hope I made one…


naks®