Isang araw noong 1995, kasama ko ang mga barkada (HUBAD) sa kolehiyo nang manood kami ng sine sa SM. Centerpoint. Kami yung parang mga critic sa klase,. Kapag sinabi naming pangit ang pelikula, pangit talaga at kapag sinabi naman naming maganda, pinapanood din ng mga kaklase namin.
Mga kupal kaming tropa. Isipin mo na lang, kami yung mga maiingay na matatalino (naks kapal) pero hindi umaasa sa libro. Hindi kami lumalaban sa mga quiz bee, pero kami yung nananalo sa debate o kaya journalism contest.
The Cure ang pamagat ng pelikulang pinanood namin kung saan bida si Brad Renfro at Joseph Mazzello. Wala naman kaming idea sa pelikula, siguro nagadanhan lang kami sa poster o kaya wala lang kaming mapili.
Pagpasok pa lang, ang ingay na namin. Iniisip siguro ng konting tao sa loob na baka naligaw lang kami, na baka perya ang dapat na punta namin pero napasok kami ng sinehan.
Sa simula, habang nanonood tuloy ang ingay na para bang inarkila namin ang sinehan. Nasa isang hilera lang kami at konti lang naman din ang tao kaya siguro deadma lang sila sa gulo namin.
Habang tumatagal, unti unti na rin kaming natahimik, Naagaw na siguro ng pelikula yung kaniya kaniya naming atensyon. Paminsan minsan may umeepal pero sandaling agaw atensyon lang.
Ang di ko inasahan, dumating yung puntong wala talagang umiimik. Nasa dulo ako ng linya sa kanang bahagi. Wala naman akong katabi sa right side ko kaya nakahilig ang ulo ko. Pero ang trick nun sinisimplehan kong punasan yung luha ko.
Eh merong isang di nakatiis, (si Don Angelo yata) at nagsalita na. Sabi niya, “huuu naiiyak na talaga ko.” Nabasag ang katahimikan ng bawat isa at nun palang kami nakahinga ng maluwag dahil lahat pala kami eh pinipigilan yung mga luha. Ang bigat sa dibdib nun!
Ang pelikulang The Cure ay tungkol sa dalawang bata na magkaiba pero naging magkaibigan. Si Erik yung parang bosing o siga na medyo di pala kaibigan sa ibang bata. Si Dexter yung parang mahina na nakulong ng karamdaman yung pagiging bata.
May aids si Dexter na nakuha niya sa blood transfusion.
Magkaibang pagkatao pero nagkapalagayan ng loob hanggang nabuo ang malalim na pagkakaibigan. Sa kanilang kainosentehan, at sa pagpupursigi ni Dexter, pinilit nilang hanapan ng lunas yung sakit ni Erik.
Para bang ubo lang na sinubukan nila kahit yung pinakuluang mga dahun-dahon.
Minsang nakasama kay Dexter yung pinainom ni Erik. Pero di sila sumuko at naglakbay patungo sanang New Orleans para hanapin ang doktor na sinasabing naka diskubre ng isang gamut laban sa aids.
Kahit di pa nila nakikita ang doktor, nagdesisyun si Erik na ibalik si Dexter sa Mama niya dahil tila nanghihina na ito.
Maging sa ospital pinilit nilang maging masaya at naglalaro kahit alam nilang malapit na ang wakas.
At ang kwento ng mahiwagang sapatos...
After 13 years, napanood ko ulit yung pelikula. Kung sino man si thoj77 na nag-post ng buong pelikula sa youtube salamat na lang iyo (WALA NA KASI MABILI NITO AT WALA RIN MA DOWNLOAD). Matapos ang maraming taon, hindi ko inakala na maiiyak ulit ako hehehe. Mabigat pa rin sa dibdib whew!
Boring ang pagkakasulat ko nito pero panuorin mo. It makes a lot of sense peksman!
®
Saturday, November 1, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
Hindi naman boring ang pagkasulat kasi inaabangan ko ang mga susunod na pangyayari sa iyong kwento.
Pero hindi ko napanood ang The Cure, based sa pagkasalaysay mo, parang maganda nga. Saan kaya ako makakakuha ng copy nito? Aabangan ko nalang sa local TV, baka sakaling maipalabas.
Bagong dalaw po...
Para ngang maganda ung pelikula.
Naalala ko tuloy ung Dead Poets Society. Pag tayo pa lang ni Ethan Hawke sa lamesa at mag-recite ng O, Captain, my Captain!, napaiyak na ako.
I hope to watch The Cure one of these days. Salamat po sa tip.
wow!! alam mo ba ka Abe hehehe pangalan ng titser ko sa philosophy yan si Ka Ave Jacob ng PUP lol!
teka alam mo ba na pinanood ko rin sa centerpoint yan nung time na yan...iyakan kami as in pero paglabas namin ng sinehan, pasok naman kami sa French Kiss ni Meg Ryan at Kevin Cline lol!
RJ search mo na lang sa youtube...the cure movie
salamat sa pagdalaw nebs
manilenya, isa sa pinakamagaling magsulat na nakilala ko abe perez jacob. at pupian din ako pero di ko siya naging prof sayang. kung napanood mo rin baka magka batch tayo nyahaha
hindi boring ang pagkakasulat mo.. amf... dapat kinuwento mo n lng ng buo... baka mahirapan ako maghanap nyan... whew...
vhonne mas ok kung may video kesa kwento lang peksman
ayus a
papanoodin ko yan
=)
(lagay kita sa Blogroll ko ha tnx)
Post a Comment