Saturday, November 29, 2008

Ter-Mi-No-Lo-Gy

Tama na muna yang tungkol sa pelikula, napagkakamalang matanda na ko kasi puro daw lumang dialogue at eksena ang naiisip ko. Teka, may DVD copy ba kayo ng Panday 1? O kaya yung Dampot Pukol Salo? Hindi nyo alam yun ano?

SEGUE

Lahat naman tayo marunong umintindi o magsalita ng tagalog diba? Pero minsan ba may nasalubong ka ng salitang tagalong daw pero hindi mo naman naiintindihan? Pero ang siste, sa lugar naman nila eh parang ordinaryong salita lang iyun!

Tulad na lang nung unang napunta ako ng Lian sa Batangas. Tinanong kami ng ermat ng barkada ko, “nakain” daw ba kami ng pusit na malaki? Gusto ko sanang sagutin ng ‘Nay opo nakain kami ng pusit na malaki kaya lang po mabaho ang hininga ko kaya iniluwa din kami.’ Baka nga kung nagkataon nga lang eh katutuntong ko lang sa pamamahay nila eh palayasin na agad ako.

Yun pala, ang ibig lang sabihin eh kung kumakain kami ng pusit na malaki. Ang salitang ‘nakain” kung tutuusin eh madali namang intindihin kasi verb lang ito at pwedeng hugutin mula sa root word, which is “kain” ang ibig sabihin di ba? Iyun nga lang, bobo talaga ko.

Pero paano na lang kung walang root word? Ito yung masasabing authentic na kanila lang. Sa amin kasi merong ganun eh. Bigyan kita ng sampol.


KASKAS…ang ibig sabihin niyan sa amin eh posporo. Sa pangungusap maaari mong sabihing, ‘pwede ho bang manghiram ng kaskas, susunugin ko lang ho ang kaluluwa ko sa impyerno?” Pasok ba?

KUWITIB…yan ang tawag namin sa langgam na pula. Sa amin kasi ang langgam eh yung itim at kuwitib naman ang pula. Sa use in a sentence, pasok na pasok yung “tangina ako patu-tuyo lang, pero ang lintik na kuwitib na ito, pa itlog itlog pa!” sabay hugot ng kamay mula sa short.(Kambyo!)

TAGASAW…kamag anak yan ng kuwitib. Antik yata yan sa Maynila at sa iba pang lugar. Ewan ko lang kung ano mararamdaman kapag ang tagasaw na ang nag paitlog-itlog lang. Sa morbid na halimbawa, mas ok kung sasabihing, itali natin siya sa poste, hubuan natin tapos pagapangan natin ng sandamakmak na tagasaw!

Yahuuuuuw! Kati lang!


PAKI…tansan naman ang tawag niyan sa Maynila. Madidinig mo ang mga bata sa amin na naglalaro, “manguha tayo ng tansan tapos gawin nating pakalasing para makapang buraot tayo mamaya sa karoling.”

DALAHIRA…di ko lang sigurado kung yung dalahira eh sa amin lang sa Bulacan o kilala na rin sa ibang lugar. Madami daw kasi niyan kahit saan…kahit daw sa blog! Tsismosa ibig ibig sabihin niyan as in “Si blank ay dalahira, masarap siyang hiwain ng blade sa batok pagkatapos ay lagyan ng patis at kalamansi ang sugat habang dumudugo!”

Ikaw, meron ka bang salita na sa tingin mo eh native word niyo?

Pahabol pala, SUNATA alam mo? Tingnan mo na lang sa comments ang ibig sabihin…



®

12 comments:

Kosa said...

taena.. sunata? ilokano yun di ba? lols ang sunata sa amin... kantang iloko..ewan ko kung anu ang sunata sayo..lols

ahhh sa amin napakaraming mga words na iisa lang ang ibig sabihin... pero nakakatuwa pa rin..lols
nice nice mulong

eMPi said...

Ok ah... ito naman ang i-share ko sa inyo... Sa amin, ang:

LANGGAM (Bisaya) ay Ibon.

LIBOG ay nalilito.
(kwento lang din ito ng pinsan ko, may kaklase daw siya dati (bisaya din) e first time mag-aral dito at mejo bulol pa magsalita ng tagalog. Noong, tinanong daw siya (kaklase) ng teacher at mejo nalilito siya. Sabi daw, "libog ako Ma'am." Kaya ayon, napatawag sa principal. hehehe.. Ibig niyang sabihin kasi ay "nalilito ako Ma'am.)

Ito pa:

sa tagalog, ang maglibang ay parang aliwin ang sarili di ba? sa Bisaya, ang maglibang ay mag-deposit sa CR... alam mo na yon.. heheh

Anonymous said...

kaya nga sinasabi ng ilan na tama lang na wikang Filipino ang maging Pambansang wika ng mga Pinoy--

dahil ang bokabularyo natin ngayon, samu't sari o halo-halo mula sa iba't ibang diyalekto gaya ng Tagalog at Bisaya... at maging ilang wikang banyaga.

'Dalahira' pala ay ginagamit na rin ng mga taga-Maynila na pareho ang kahulugan.

Anonymous said...

edi pag sinabi kong
"Pakikaskas nga ang likod ko"
di susunugin ako kapag ganun.
nice terminology.
:lol:

paperdoll said...

haha. . sinunog mo naman kaluluwa mo sa impyerno no? grabe! ang galing noh? ung nakain lang alam co dun eh. . nag iisip tuloy aco ng salitang gaya ng mga yan kaso wla napasok sa isip co . . hehe

PaJAY said...

Taenang "NAKAIN" talaga yan!!!KLASIK pero nakktawa pa rin.....sa amin rin(chavacano) ang raming ganito kaso di ko na sasabihin at lalo lang gumulo...hehehehe

Vhonne said...

nung isang araw.. may nakausap ako... tuwang-tuwa siya sa mga sinasabi ko... mahahalata daw talaga kung taga batangas ka... dahil may punto at ung mga salitang ginagamit...

tulad nung nabanggit niong "nakain"... minsan.. nagtatanong ko kung san sila "napasok" na ang ibig ay pumapasok... madami pang iba...

ay sige na... eh yayao muna ako... ay saan ka ga nga pala napasok? nakain ka ga ng pagkaing batangas? gata eh... gata eh... gata eh... lol

cyndirellaz said...

hahah! nakakatawa 'to ah! parang nakana! walastik! nice one! ginagamit ko 'to dati nung bata ako eh, kala ko kasi cooollll!! wahaha! pero ayoko na siyang gamitin ngayun.. its just sooo baduy!!

abe mulong caracas said...

AKO PO AY NAGBABALIK MULA SA DALAWANG ARAW NA PAHINGA...

KOSA...ang sunata nga pala eh SUNOG NA TAE wahehe as in san ka galing? amoy sunata ka ah!

MARCO...sa akin isa lang ang ibig sabihin ng libog lols! yung maglibang narinig ko na nga yun hehe

TOPLATSI...ka lalim naman hehe

PEPE ganun na nga!

abe mulong caracas said...

PAPERDOLL...natumbok mo, napasok sa ulo mo!

PAJAY...yan bago yan, yung taena, kasi pag inulit taenang tae! hahaha

VHONNE...parang yung batanguenio na sumali sa battle of the band, kinanta yung TAG ULAN, ang sabi " ay siya! kapag umuulan bumubuhos ang langit sa mga bata"

CYNDIRELLAZ...ok pa rin naman yung walastic ah?

JayAshKal said...

Ka Mulong, ano naman ang ibig sabihin ng "Amba" as in "Amba Dencio" mula sa wasak na nobela ni Norman W na Gerilya?

Marami na akong napagtanungan at alang makasagot.

Mattapos ko ang basahin lahat ang iyong mga kuwento... hayop!

JayAshKal said...

Ala pang sagot? Lasing na naman siguro...