Tuesday, December 2, 2008

Puro Malay Mo!


Kung merong kang kakaibang talento, ang Talentadong Pinoy daw ang dapat na puntahan mo. Palabas yan sa TV5 tuwing Sabado. Nakakatuwa! Merong tatoong nagpapakita ng natatanging galing at meron din namang mga nagmumukhang tanga.

Pero kahit ganun, makikita mo yung magandang intensyon ng palabas, yun bang mabigyan ng pagkakataon ang mga kababayan nating ipakita…at pagkakitaan yung mga ginagawa nila. Malay mo nga naman, yun ang maging pinto sa mas malaking pagkakataon para sa kanila di ba?

Naalala ko tuloy nung minsan napasok ako sa isang kulasese sa may Pasay. Matapos ang mga nakabuyang na kuwan habang sumasayaw sa saliw ng mga makabagbag damdaming awitin kabilang ang Its All Coming Back To Me, meron palang intermission number!? At hindi basta intermission number, acrobatic show!

Akalain mo yun? Matapos ang mga bundok ibok ibok eh may mga magtatalunan na para ka namang nanunuod ng children show! Walang duda na sa perya sila nagsimula at parang promotion na yung mapunta naman sila sa beerhouse. Nasan na kaya sila ngayon? Malay mo nasa Hong Kong Disneyland na pala sila.

Yun kasi ang isa sa natutunan ko noon sa Values Education, kung ano daw ang talento mo, pagyamanin mo. Ang kasunod niyan, walang kamatayang puro malay mo…puro malay mo.


Tulad na lang ni Celino Cruz, ahead lang ako sa kaniya ng isang taon nung high school, noon pa lang magaling na yan sa volleyball. Tingnan mo ngayon nasa PBA na. Nabago man ang sports niya, mayaman naman.

Ganun din si Chris Baluyot na kababaryo ko rin. Dahil matangkad pinagbuti niya ang paglalaro ng basketball. Nagbunga, ngayon nasa Air 21 siya, reserve nga lang!

Halos lahat naman ng magaling sa maliit nagsimula eh. Kahit yung mga singer, dancer, gitarista, piyanista, kahit masahista. Hasa lang talaga ang kailangan.

Pero paano kaya sa tulad ko na ang talent eh makipag-inuman?

Bakit naman kasi nung nagbuhos ng talent ang siyang Lumikha eh nakapayong ang ermat ko. Baka daw kasi mahamugan ako kaya kahit ambon tuloy, di ako nabiyayaan ng talent.

At dahil pagpapayabong ng talento nga ang prinsipyo isinasabuhay ko, ayun at ginawaga kong libangan ang inuman session. Tuwing Sabado at Linggo nasa inuman ako. Ang sabi ko nga eh baka dun kami yumaman at magbukas ito ng pinto na kung saan man patungo.

Eto na…

Malay mo, magpa-promo ng Red Horse o Colt 45 ng “Pera s Tansan.”
Malay mo padamihan ng makukulekta o kaya eh babakbakin lang yung kulay gray na nasa loob nito at naduon pala ang karampatang premyo.

Malay mo ako makakuha ng winning tansan na may tumataginting na premyong isang milyong piso?

Malay mo maging milyonaryo ako dahil sa pagiging manginginom ko!

Malay mo…malay mo…puro malay mo! Kawawang beer, walang kamalay malay!

®

14 comments:

kosa said...

hindi kapuso..
hindi kapamilya...
ahhhh.. taga TV5?

ang talent, saan mu man ilapag.. kung talent talaga.. lilitaw at lilitaw yan.. lulutang sa lahat... at mangingibabaw sa karamihan..

depende nalang kung ang talent mo eh pangkama lang di nman nman pwedeng ibuyangyang yan..lols

eh paanu nman yung pinanganak talaga na coke.. Zero? eh di walang wala? saan kaya nakatago ung mga talent nila (tulad ko)..

MarcoPaolo said...

talent mo ang uminom... ahmmm hahamunin kita... uminom ka ng 5 case na beer sa loob ng 30 mins. kaya??? pag nagawa mo na yan.... pasok ka na sa guiness book of record... hahahaha

deal or no deal? hahaha pEACE!!!!

JoShMaRie said...

huwaw. talent mo ang tomoma. hmmm... tara. laban tayo. haha.

RJ said...

Kaya blog ka lang nang mag-blog Abe Mulong Caracas! Malay mo...

Malay mo ma-discover ka ng mga publishers at gawing isang libro itong Naks Naman.

Malay mo...

PaJAY said...

Taenang yan!!!!hahahahahaha..

Honga nman dre,baka manalo ka dhil sa pag inum mo..ginawa pang dahilan ang swerte sa pagiinum eno?...lolz..ang lufeet mo dre...natawa ako sa pinagsasabi mo...lolz.

talent yang pag iinom mo dre...hinde lahat kaya yang ginagawa mo....lolz...tagayan mo na nga ako!!!!!!wahahahaha...

abe mulong caracas said...

KOSA... dapat tala pumayag na lang ako sa offer na porn movie...kaso uminom daw ako ng ecstacy para mas wild eh...say no drugs ako kaya etsa pwera na lang hehehe

MARCO...may monetary consideration ba ang guiness? pag meron pwedeng subukan yung hamon mo! lols.

RJ...kaw ang may pinakamagandang bola na nagbigay sa akin. Publisher ka dyan hahaha

PERO MALAY NGA NATIN! (gusto pala hehehe)

PAJAY hik hik lasing pa ko pare....waaaak (nagsuka!)

JOSHMARIE sa christmas party daw sabi ni marcopaolo

Mike Avenue said...

Ang artist putulin mo man ang kamay, makakapagdrawing pa rin kahit bibig ang gamit. Nasa dugo iyan!
Ang alcoholic putulin mo man ng kamay, tatagay pa rin!
Kailangan maputol na ang kamay ko. Hahahaha.
Biro lang.
Ingat. Salamat sa pagdaan!
Say Goodbye TO Drugs!

paperdoll said...

agree. . aww! haha. . paano kaya makakatulong ang talent co sa pang araw araw ng buhay co? talent co kasi matulog eh. . kahit patulugin mo aco ng tatlong araw straight. . . walang gisingan. hehe

usapang talent at malay ito. .

teka. . malay mo may makainuman kang mayaman tapos namatay pinamanhan ka ng factory ng beer? ito ang posible. . malay mo makuha kang model sa commercial ng kabayo? hindi naman masamang umasa. . asa ka na lang. . lol

abe mulong caracas said...

MIKE...wag naman kamay hahaha! hmmm kaliwa lang pwede ba? lols

korek...say no to drugs!

PAPERDOLL...puro na lang malay mo...pero tama baka may makainumang mayaman hahaha tapos pag lasing na, papatirin ko tapos mababagok ang ulo magkaka-amnesia mapagkakamalan niya akong anak niya bwahaha

yung sa talent sa pagtulog...malay mo, managinip kang nakapulot ka ng isang attache na dollars tapos pag gising mo katabi mo na pala...malay lang naman eh hehehe

onatdonuts said...

sir mulong, napanuod ko na ang the CURE...tulo rin uhog ko, ang ganda. salamat sa recommendation. haha

bomzz said...

hahahaa galing mo Mulong malay mo nga nman noh

di madali ang talent sa inuman maraming ka titimbangin, timbangin mong makauwi ka ng maayus timbangin mo kong ang panget sa paningin mo timbangin mo ito pano pagandahin timbangin mo pra di ka masuka timbangin mo na di ka mapansin ng mga kainuman mo ang pag ka KUng-Fo mulotan matindi heheheh waaaaa ewan ko basta malay mo na lang manalo ka heheh

abe mulong caracas said...

sabi ko sa iyo JO eh...kaya lang yung isang bida pala dun namatay because of drugs overdosed, ironic nyahaha

BOMZZ oo nga ano? wala kasi akong panimbang kaya minsan nakakatulog kung saan saan hehehe

basta malay mo pa rin ako hehehe

hisnameisdencios said...

ang saya tomohan na lang kaso after 2bottles tulog nako hahaha

nice post here!

abe mulong caracas said...

naku itataob pala kita pareng DENCIOS