Wednesday, December 31, 2008

Tara, Paputok Tayo!



Babala, mabaho ang amoy ng usok na iniiwan ng mga paputok, nagiging sanhi ito ng pag atake ng asthma. Kung mahina-hina ang baga mo, bago mag ahtinggabi, hingal kabayo ka na!

Mas matinding babala, mas mabaho ang putok…na galing sa kili-kili! Kaya ugaliing mag deodorant araw-araw!

Lalo na sa oras ng putukan para salubungin ang Bagong Taon. Medyo nakakahiya naman yatang kasabay ng pagbaho ng paligid eh umaalingasaw ka rin na tila amoy sibuyas na nabubulok.

Pero gaano man kabaho at kasakit sa dibdib ang iniiwang amoy ng pulbura ng mga paputok, luces, fountain, trompillo, watusi at iba pang mga pailaw, hindi talaga sila mawawala sa tradisyon nating mga Pinoy sa tuwing naghihiwalay ang taon.

Paniwala kasi natin, pampaalis ng malas o di kaya naman eh pang welcome daw sa magandang hinaharap ang mga naglalakasang paputok at magagandang pailaw.

Dahil hindi na naman ako makaka-celebrate sa bahay ng pagsalubong ng Bagong Taon, nauna na akong nagpaputok kanina. Ang dami ngang mga bagay at mabilis na pangyayari ang tumakbo sa isip ko bago pumutok. Hanggang sa parang nagulantang na lang ako.

Nakakagulat naman talaga yung putok na wala sa oras eh!

Magkano na nga ba nagastos mo sa pagbili ng mga paputok at pailaw?

Dati kasi simple lang ang mga paluces pero ngayon pabonggahan talaga at hindi yung basta mga puti lang ang ilaw. Halos makabingi naman ang mga nauusong paputok.

Pero ang pinaka gusto kong paputok eh yung kwitis. Una, sa itaas kasi ito pumuputok kaya tingin ko eh medyo mas ligtas maliban na lang dun sa mga kalpot at hindi umaangat.

Sa bawat kwitis kasing sinisindihan ko, may mga bagay na isinasama ko sa paglipad nito. Pwedeng sama ng loob, galit, masamang karanasan at kung anu ano pang kasentihan sa buhay. Mahirap daw kasing kimkimin yun lalo na’t papasok ang Bagong Taon!

Pinalilipad ko ang mga yun para mawala, subukan mo, ok sa pakiramdam.

Yun nga lang, ang gusto kong magkaroon eh yung kwitis na nauutusan kung saan pupunta o kung saan babagsak at dun siya puputok. Pag nagkataon kasi, magagantihan mo kung kanino ka may sama ng loob, kanino ka galit at kung kanino ka nagkaroon ng masamang karanasan.

Edi quits-quits lang diba. Ayos nga eh, kwitis na nagbibigay ng quits!

Ang pla-pla naman na isa rin sa ipinagbabawal ibenta dahil nga sa sobrang lakas nito, sana yung mga hindi pumutok, pwede ring ipirito o kaya eh i-sarsyado, basta wag lang inihaw! Sayang naman kasi diba?


O yung bawang na hindi pumutok, ano gagawin mo? Siyempre sana pwedeng ipanggisa o di kaya naman eh pitpitin at isama sa suka, asin at sili para sawsawan ng chicharong bulaklak.

Siyempre, kailangan may kasamang isang malamig na San Miguel Beer!

Ano pang hinihintay mo? Paputok ka na! Happy New Year!


®

17 comments:

kosa said...

happy new year Mulong!!!
lols.. kitakits parin sa bagong taon!!

abe mulong caracas said...

KOSA...manigong bagong taon!

manilenya said...

hayy miss ko na paputok... apat na taon na kong di nakaka eksperyens nyan :( ..di masaya ang bagong taon dito saka sa pinanggalingan ko..

yung deodorant naman hindi ko nakasanayang gumamit..

okey na ko sa amoy ng kili kili ko lol! hinahanap hanap ko nga e,

bagay tong post mo sa post ko. para mo kong sinampal lol!

Happy New Year!

abe mulong caracas said...

MANILENYA...tagal nang di nakakaranas ng paputok? haaay! wawa naman hehehe

pero ano naman ang meron sa kili kili mo na hinahanap mo?

RJ said...

Tulad ni Ate Manilenya, magdadalawang taon na rin akong di makakarinig ng putukan sa pagsalubong sa bagong taon. Napakatahimik noon sa maliit na bayan sa Queensland kung saan ako naroon. Makikinig ako mamayang gabi kung may puputok dito sa Port Wakefield.

Sana naman walang kwitis na mahuhulog dito sa tapat ko o dito sa aking caravan. Plapla nalang kasi mahal ang isda rito! o",)

Manigong Bagong Taon, ABE MULONG CARACAS!

abe mulong caracas said...

RJ...parekoy siguro nga iba iba ang tradisyon sa bawat okasyon ng bawat lugar. Pero sana mamaya may fireworks display at putukan dyan!

yung plapla na babagsak dyan...hmmm, parang malabo kasi di yun lumilipad hehehe

jeszieBoy said...

'api new yr tsong!
nako la pa kami paputok!
bibili pa ako mmya!
haha! ingaat sa paputok tsong! :]]

Polahola said...

Mr. Mulong, nakakagutom yung chicharong bulaklak sa picture. hehe. Sa paputok naman baka mag-istay nalang ako sa bahay dahil hikain ako. hehe. :)

JoShMaRie said...

kuya mulong happy new year! hahantingin kita sa gma pgbalik ko jan. hehehe. :)

lucas said...

happy new year mulong! ahehehe! masaya ang bagong taon dahil sa mga putukan..ahehehe! pero sana konti lang maputukan ngayon taon...hehe..busy na naman ang ER nito...tsk tsk :)

The Gasoline Dude said...

Dito sa Singapore eh bawal ata magpaputok basta-basta. Selected areas lang. Pero marami ditong may putok. *LOLz*

Hapinuyir Mulong! = D

abe mulong caracas said...

JESZIEBOY...naputulan ba dahil sa paputok? hehe happy new year

POLAHOLA...tayo nang mamulutan ng chicharong bulaklak!

JOSHMARIE...kapuso, yan eh kung magkikita tayo hehe

LUCAS...mukang konti nga lang ang naputukan

THE GASOLINE DUDE...wow nasa singapore ka pala...may barkada ko dyan...la lang....happy new year

~yAnaH~ said...

hapi nyu yir po!

dito kahit hindi nyu yir... laging may mga mababahong putok all around you... all year round yan... kungbaga yan ang bonus mo sa pagsakay sa bus... bonus sa pamimili sa grocery...bonus sa pagsakay sa lift... at kung ano-ano pang bonus hehehe

abe mulong caracas said...

YANAH...wow ako'y wow ako'y napapa wow naman sa bonus nyo. hehehe

<*period*> said...

KUYA, hindi namin naenjoy ang paputok ngayon.umuulan samen sa batangas kaya ang kiwtis, puro supot ang tunog, parang baby rocket.hahahaha

katchupoy said...

mangong bagong taon mulong.
maulan din.
:)

Lionheart : Richard the Adventurer said...

Nakapagpaputok na ako ng GOODBYE PHILIPPINES!

Hehe :) SYempre, kakaenjoy magpaputok!