Tuesday, December 16, 2008

Reposting Parausan


Sakit ng ulo ko. Di ako makapag isip. Ulitin ko na lang muna itong isa sa mga unang inilathala ko dito sa blog. Hindi ko nga inasahan na magkakatotoo pala yang isinulat ko. Pagdating ko kasi ng trabaho, sisimple lang ako tapos yung blog agad ang inaatupag ko.

Katulad ngayon, masakit na ulo, pero namamasyal pa rin ako hehehe

eto na ang aking PARAUSAN...

nang minsan kitang matikman
hindi ko inasahan kitay babalikan
may kakaiba ka kasing sarap na ipinatikim
hindi ko malaman kung saan hinugot
hindi sinasadya pero parang napulot
ang tikim nais ulit-ulitin

ibang klase kang bumuhay ng dugo
minsay makatindig balahibo
akala koy kiliti lang sa kuko at paa
iyun pala’y mabibigyang buhay,
magpapadaloy ng dugo
at kayang magpangilo ng bungo
mas masarap ka sa ginisang gulay


ikaw ang nagpalabas
nang nararamdamang minsa’y ikinatatamlay
pagkat wala akong parausan
na maaari sanang mapagbuhusan

naramdaman mo rin bang sobra sobra?
buo-buo ba o sago sago pa?
ipagpaumanhin mo kaibigan
sa paglipas ng araw siguro’y mababawasan

siguro ngay dapat aminin
na sa iyong putaheng ipinatikim
nakatulong ka sa muling pagpapatayo…
sa nanlalambot na paninindigan
at nakakalibog na panitikan

sige pa…malapit…lalabas na
salsalin mo pa!
tingnan natin kung papasa
sa mapanuring panlasa
ang mabulaklak kong salita
magustuhan kaya bilang isang tula?

Inaalay ko ito sa iyo blogspot. Salamat sa pagbibigay ng pagkakataon…ikaw ang aking naging PARAUSAN para muling makapagsulat ng walang kakwenta-kwentang tula!

Para kang banyo sa nagmamarekulyo kong tiyan!


NAKS®

13 comments:

p0kw4ng said...

hahaha ayos ah...pero parang gustong kong matakam sa picture..yummy!

zeb said...

PARAUSAN is the name.nyahahahaha.
grabe nabighani ako sa picture, sana ganito lahat ng mga toilet nakakainspired kasi magparaos pagganito ang mga toilet( shhhhit damn!kadiri) hihiiihihii.

nice nice pareng mulong.

abe mulong caracas said...

POKWANG...pag titikman kailangan gamit ang daliri ha

ZEB...ganyan yung mga cr sa bus station, public school, lumang sinehan at iba pa hehehe

MarcoPaolo said...

yuckk... ano ba yan nasa picture mo... kadiri dre!!! hehehehe

kosa said...

hahaha.. taena.. bawal ba itong basahin ng katulad kong bata pa?

hahaha.. talagang my s****lin pa ah..lols

sabagay sa isip lang nman nakatago ang karumihan ng imahinasyon.. pasensya na madumi kase akong mg-isip

Amorgatory said...

waaaaaaaaa mulong suka ba yan?hahahha nag granda ma ka no at may kasamang tsokolate?hakhkahka..tagay1!!

PaJAY said...

changna!..lolz...yan din ang parati kong nkikita pag kumawala sa tiyan ko ang pulutan at alak..lolz...kadiri!..hahaha

abe mulong caracas said...

MARCO...tsokolate lang yun pare

KOSA...salita lang ang sinalsal pare para humaba

AMOR...tama tsokolate ang pulutan pero emperaning hindi grandma hehehe

PAJAY...wag mamulutan ng lupa wahehehe

manilenya said...

aw!

katchupoy said...

waah. ang gara nun oh?
kasuka
:grin:

darkhorse said...

ganda ng mga photo very expressive! lol

abe mulong caracas said...

MANILENYA...aw ba o whew!?

KATCHUPOY...suka ko nga yun hehehe

DARKHORSE...expressive ba? parausan eh hehehe

manilenya said...

hehehe sige whew! may kasama pang kilig lol!