Saturday, December 27, 2008
Anak Ng Kapong Baka
Year of the Ox pala ang taong 2009. Sabi ng mga kaibigan at mga kaututang dila kong mayayaman dyan sa Binondo, may mga ibig sabihin daw ang mga hayop na sumisimbolo sa bawat taon. May dala-dalang swerte, meron din naman daw mga bantang dala.
Kakabit niyan yung mga hulang general naman kung tutuusin. Dadaanin sa background music at malumanay na magsasalita pero ang hula eh mukang nabasa lang sa horoscope na komiks.
Magkakaroon daw ng natural disaster na hahagupit sa bansa natin. Nakamputcha naman eh isang taon iyan, 365 days at sa salita pa lang “natural disaster,” natural nga eh, paanong naikabit iyan sa Year of the Ox? Kahit sino pwedeng hulaan iyan.
Hula hula takla lang yan eh!
Pero ang isa pang tanong…ano nga ba ang ox?
Oh ayan, ang mga Pinoy kasi mahilig sumakay sa mga year of the ano, year of the kuwan kahit minsan hindi naman naiintindihan.
Hindi ko alam kung saan nanggaling pero ayon kay Pareng Wiki, ang tagalog daw ng ox ay “kapong baka.” Paano naman kaya kung ang baka ay hindi kinapon, hindi na siya ox?
Kung bakit naman kasi nakikisawsaw tayo sa year of the ox na iyan eh wala namang mahahagilap na ox dito sa Pilipinas.
Sa litrato, mukang kapatid naman talaga ang baka ng kapong baka. May sungay nga lang ang ox na parang kasinghugis ng sa toro. Hindi ba dapat eh tungkol sa kanila ang mga prediksyon at hindi sa mga kaguluhan na posible daw mangyari sa atin?
Pwede namang sabihin na sa susunod na taon eh bababa ang halaga ng baka, sabihin na nating sa 80 pesos na lang ang kada kilo. Di ba mas maganda yun at siguradong marami ang matutuwa?
At dahil dyan, mas marami ang magluluto ng kare-kare. Magiging mabili ang buntot, maskara, tuwalya, libro at iba pang bahagi ng baka. Madadalas sa inyong hapag ang kare-kare, makikila ng mga foreigner na bisita nyo sa bahay at ipagmamalaki naman nya ito sa kaniyang mga kababayan.
At dahil dyan mapapabilang ang kare-kare bilang isa sa pinakamasarap na pagkain sa buong mundo. Akalain mo yun?
At iyan ay utang natin dahil sa year of the ox.
Mawawala na rin daw ang barbeque na baboy, kasi nga mura na ang baka.
Malulugi na ang mga gotohan, kasi nga mura na rin ang bituka, mata at titi ng baka na nilalagay sa goto. Pipiliin ng iba na magluto na lang kesa bumili.
Malalaos na ang lechong baboy at lechong manok…magiging in ang lechong baka.
Madadalas nyong iuulam ang bistek, lengua, bulalo, kaldereta, papaitan, corned beef…dahil iyan sa mura ang baka.
Hanggang sa nauumay at nagkakandasuka ka na sa kakakain ng baka. Anak ng baka naman oo! Yung kapong baka ha.
®
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
At akoy nasa pinas na!!! Woo Hoo!!!
Tama ka, OX ang tawag sa kinapong baka, samantalang BULL naman ang may mga itlog pa. COW ang tawag sa babae at HEIFER ang tawag sa dalagitang baka.
Anak ng BAKA!!! puro na lang ba dapat baka?! Sana nga may swerteng dala ang mga baka..
Malay mo.. "baka" nga may swerte!
hahaha. i was totally entertained by this post parekoy. keep it up!
wow...lols anak ka ng kapong baka!!!
andami mong hula para sa 2009 ahhh
nga pala too much beef(redmeat) eh hndi maganda sa kalusugan... ahahahaha madami kase itong sebo.. babara yun sa ugat mo at maaring ikamatay o di kaya ikabaldado...lols
pero sa totoo lang, masarap nman ang beef.
pero kung kalussugan konsyus ka, once or twice sa isang linggo eh oks na!
mabuhay ang mga kapong baka
e di puro baka na ang display sa palengke ganon??? paano yong iba na hindi kumakain ng baka? kawawa naman... hehehehe
Teka lang nagkadalawa pala yung post ng anak ng kapong baka...anak ng baka talaga oo...
dinelete ko yung walang picture, nandun yung comment nina GASOLINE DUDE and RJ, pasensya na at nakasama silang nabura...
tungkol sa tanong ninyo kung swerte ang taong papasok, pasensya na po at iyan ay tinatanong ko pa rin, hindi ko pa makita sa bolang kristal lols
SLY...bro nasa pinas ka nasan na iyong fresh from singapore na pasalubong ko? hehehe
BONG...salamat po c",)
KOSA...tama ka masebo nga ang baka kaya ang taong kakain ng maraming baka sa year of the ox, kapag pinawisan tapos ay lumagay sa aircon, magiging sebo nyahaha!
MARCO...parekoy pag umutot ang tao amoy baka din
Sangayon ako sa mga punto mo dre...sana nga bumaba ang presyo ng baka at pag uwi koy Baka ang pulutan natin kung sakaling magkita......lolz...
Happy new year dre...
gawin mo namang bargaho kesa etits ng baka lol! sabi ng matatanda masyado daw yang daliri mo lol!
e bakit gising ka pa ka mulong? adik ka ba? lol
Merry Christmas and Happy New Year!
PAJAY...prof pag nagkataon gagawa tayo ng papaitan pagbalik mo at pupulutanin natin hahaha...inuman na!
MANILENYA...ang gabi ay umaga sa aking mundo nyahaha para masabayan ko ang mga nasa ibang bansa tulad mo!
salamat, kapong baka pala and ox he!he!he!
sana maganda parin ang pasok ng taon satin lahat---we have to be ready for the year ahead....
ang sarap pag bangag lakas ng imahinasyon!
ENCHIE...oo kapong baka...kapag hindi kinapon hindi na siya ox hehe
PUSANG GALA...yung sana mo, isang malaking tanong pa yan!
ANONYMOUS...sinabi mo pa!
Post a Comment