Friday, November 7, 2008

Balik Tanaw...Naaaw...Naaw (Echo) Part 2

Hindi natapos kina Rose Ann Gonzales, sa Mga Batang Yagit at sa mga taga That’s Entertainment ang kabaduyan ng makaluma kong mundo ng telebisyon. Siyempre nandyan din ang radyo!


Ayoko sanang aminin pero may transistor kami sa bahay dati. Dahil wala nga kaming TV, radyo ang libangan kapag patay ang TV ng ilang kapitbahay naming meron nito. Status symbol kasi ang TV, pag meron ka niyan, lalo na yung parang may pinto, mayaman ka.

At ang mahirap, tiis-tiis lang sa radyo.

Oras ng tanghalian ang tanda kong pakikinig ng radyo dati. Sa halip na sapilitan akong patulugin ng Inang ko, drama sa radio ang ginagawa niyang pampatulog sa akin. Habang napipikit ako, ini-imagine ko naman ang nangyayari sa “Simataaar!”

Pagdating ng gabi, radyo pa rin ang lullaby ko. Para ngang baliw ang mga tao sa amin kasi makikinig sila ng “Gabi ng Lagim,” katatakutan yun tapos tatakutin kami kapag hindi kami natulog agad…haaays!

Nagkaroon din naman kami ng cassette. Hindi naman kami nanatiling mahirap na mahirap, nabawasan din naman ng konting hirap ang mahirap na mahirap namin. Siyempre habang lumalaki ako nalaman ko na pwede palang i-develop ang transistor.


Nauso ang party…oo pare tepar nung araw. Ang dalas ko sa ganyan. Pero hindi yung ala disco ha. Party na ginagawang fund raising daw pero raket pala ng mga youth organizations para meron silang pang swimming.

Aarkila lang sila ng mobile, konting mirror ball, haharangan ang basketball court ng buho at didisenyuhan ang gilid ng dahon ng niyog na ginawang hugis puso, basta walang makakalusot, katalo na!

Teka nakalimutan ko pala yung crepe paper na ginupit-gupit tsaka pinalupot ng konti tapos isasabit naman.

Kahit wala akong kaporma porma, kahit naka lumang khaki slacks, polo shirt maluwag at rubber shoes na malaki sa akin, sige go lang. Malay ko ba sa salitang baduy. Basta uso ang sayawan eh.

Pinakasikat yatang kanta noon yung dirty rap. Famous lines nun ‘yung “one on one were having some fun on the bed room all day and all of the night…” tuloy-tuloy yun tapos pagdating sa “four on four, we fucked on the floor on the bed room all day and all of the might.”

Tangina ang sarap sumayaw, habang tumagaktak ang pawis habang wala akong kamuwang muwang na puro kalibugan pala ang ibig sabihin nun!

Sikat din ang “Sally Bad Girl” at ang sayaw na “strats.” Bakit kaya ang strats hindi na ulit nauso?

Sayaw bulate ang pwedeng description ng strats. Idiretso mo lang yung magkabila mong braso horizontally. Tapos igalaw mo yung dulo ng kanang kamay pakurba papuntang siko hanggang makarating sa balikat. Itawid sa katawan hanggang makarating sa kaliwang kamay. Ulit ulitin at lagyan ng konting galaw ang katawan para wag masyadong magmukhang tanga.

Sayaw na yan! Alin ang natutunan mo…yung dirty rap o yung strats?

Kadiri pareho ano?

NAKS®

Teka linawin ko lang, bata pa ko nung maranasan ko yung mga iyan ha, kaya kahit papaano eh bata pa rin ako…c”,)

10 comments:

bagito said...

una ba ako? hahaha i think so...

baliktanaw..naw..naw... hahaha talagang may part two pa.

Anonymous said...

hahaha.. lumang radyo na nadala sa sayawan... panahon pa ba ni kopongkopong yan? diko na inabutan eh.. totoy pa ko nung uso yun.. di pa pwedeng sumali sa pasayaw kase menor de edad.. tingin ko nasa 40s kan... hahah joke.. sige na nga may tawad... late 3os nalang.. hahaha peace out:]

abe mulong caracas said...

ooooops bad joke kosa hehehe

Unknown said...

hahahahah
takte sabi ko na nga ba e.. magiging defensive ka din bandang huli...

hahahahaha.. habang binabasa ko to iniisip ko kung gaano kana katanda...

tapos ayun, may defense sentence nga sa huli! hahahahahahahahahaha

*****

ayos sa blog parekoy;
link din kita


***

perst time ko d2.. real name mo ba yung abe mulong?

abe mulong caracas said...

salamat sa pagdalaw idol ron...idol na kita hehehe

oo totoong pangalan...kabantot ano?

Unknown said...

mabantot ba? hindi naman.. makaluma lang:P hehehe

ako nga Ronaldo Alberto e.. hahaha.. yung apelyido ko, pangalan din.. hahaha...

o sha, takte, als-6 na.. matutulog na ko! hahahah.. langya para kong bampira nitong mga nakaraang araw! hahaha

abe mulong caracas said...

idol ron...kaw redundant pala pangalan mo...apelido mo pangalan pa ulet wahehehe

Anonymous said...

cool ang post na to. nuong bata pa ko nakakinig na ko isang beses ng gabi ng lagim..hehe. saka ang galing nung makalumang equioment. hindi pa ako nakakita nyan sa tanang ng aking buhay! =)

onatdonuts said...

oo batang bata pa yan si kuya mulong. haha tumutubo pa nga lang buhok niyan haha laglagan na to. haha kuya bigla kong naalala yung asaran natin nila cecille haha ingats ka diyan.

abe mulong caracas said...

jo hindi na tumutubo kaya pina tattoo ko na hahaha...kaya lang yung tattoo palang buhok flat akala ko aangat para di halata.

salamat dencios...