Wednesday, November 5, 2008

Balik Tanaw...naaw....naaw...(Echo)

Bigla ko na lang naalala si Rose Ann Gonzales. Si Rose Ann yung pinakamagaling na child actress nun pero hindi siya pang komedi. Maamo kasi ang mukha niya kaya kadalasan pang iyakan ang mga role niya. Kung di ako nagkakamali minsan siyang gumanap bilang anak ni FPJ.

Pero ang pinaka-natatandaan kong pelikula niya eh yung “God Save Me” kung saan kasama niya si Christopher de Leon. Hindi ko na maalala (how ironic!) yung pinaka plot niya pero ang tanda ko, drama ito na may palabok ng himala ek ek.

Siguro mababaw pa lang ang pang-unawa ko noon sa mga kwento ng buhay pero alam kong serialized sa komiks ang God Save Me. Nakinood nga lang ako sa kapitbahay namin dahil wala pa kaming TV. Buti na lang Tagalog Movie Greats ang palabas.

Si Rose Ann, kahit magaling siya, hindi siya ganoon kalakas sa tao kasi nga hindi siya pa bibo. Para bang kahit musmos pa lang siya eh punong puno na siya ng suliranin sa buhay. Hindi rin tuloy siya nagkaroon ng sariling drama series kasi baka nga naman langawin sa ratings.

Sabagay, mahirap makipag-sapalaran lalo na kung ang tatapatan nila eh ang “Mga Batang Yagit.” Kung baga sa oras ngayon, nasa time slot ng drama-rama sa hapon ang oras ng Mga Batang Yagit. Nahuhuli nga ako sa iskwela dahil sa paghihintay ko kina Tom-Tom, Jocelyn at kay Elisa, na siya palang totoong anak ni Ernie Garcia sa kwento.

Wala na yatang lulungkot pa sa mga pinagdaanan ng mga batang yagit.


Nakakatak naman sa isip ko ang linyang “lumipad kang parang ibon, bumagsak kang parang dahon.” Yan ang pamatay, panalo ang rhyming! Mula yan sa pelikulang “Kamagong” na unang isinulat sa komiks bago isa-pelikula ni Direk Carlo J. Caparas.

Ang eksenang tanda ko nang marinig ko ang classic na dialogue na yan eh nagte-training ng arnis si JC Bonnin. Kasama niya sa bundok yung matandang malupet ang boses na kadalasan namang gumaganap na ermitanyo o kaya eh magsasaka mapapatay.

Habang nagmo-moment at nagmo-montage ng pagsasanay ni JC, pumasok yung voice over ng matanda na naginginig pa, sabay sa pagtalon ng bida at pagbibigay ng malupet na stunt, naka-slant ang katawan at ang binti habang hawak ang kaniyang arnis. Pamoster ang bagsak tangina!

Si JC, marami pang naging pelikula tulad ng Bagets kasi matinee idol siya. Pero sina Rose Ann, Jocelyn, Eliza at Tom Tom, nung nagdalaga at nagbinata na, nawala na sila sa sirkulasyon. Malamang, hindi pumasa sa panlasa ni Kuya Germs yung karisma ng apat kaya hindi sila nakasama sa That’s Entertainment.

Buruin mong sa dami ng mga dalaga at binatang nabigyan ng pagkakataon ni Kuya Germs na bumati at pumorma on national television eh na etsa pwera ang apat!? Pang drama lang talaga sila, hindi pang teen show.


Kung nagkataon naman kasi, ano ang magiging panama nila sa talent, halimbawa ni Caselyn Francisco? Si Caselyn kasi ang Madonna o kaya eh Cyndi Lauper ng That’s. Minsan nga malilito ka dahil parang kumbinasyon pa eh. Ibang level si Caselyn at di uubra ang lungkot mukha nina Rose Ann at Jocelyn, maging ng ganda ni Elisa.

Mas lalo naman sigurong walang panama si Tom-Tom sa mga That’s Boys kasi mataba at maitim si Tom-Tom. Matakaw pa nga ang character niya sa Yagit diba?


Kahit ako, ang idol ko noon eh sina Manolet Ripol at si Bryle Mondejar na nagkasama pa kamo sa iisang pelikula. Isipin mo na lang na magsama-sama sa Tuesday group sina Tom-Tom, Bryle at Manolet tapos merong silang production number pag Sabado, edi nagmukha namang kawawa yung isa di ba?

Tama lang sigurong di napunta sa That’s yung apat!

NAKS®

Teka kilala mo ba o naalala mo ba yung mga binabanggit ko? Kung oo, huhuhu kawawa ka naman, magka-edad pala tayo!

12 comments:

eMPi said...

sino yon?

hehehe

onatdonuts said...

wahaha panalo ka kuya mulong...wala akong kilala diyan. Si FPJ lang. haha pero naalala ko minsan nabanggit mo na sa akin si Caselyn Francisco haha buti naman nagpost ka ng pic niya. Yun alam ko na ang hitsura niya. haha

Anonymous said...

balik tanaw..naw..naw..now...
lolz.. sinu yun? ann gonsales? panahon pa ni kopongkopong yun.. tanung ko nga kay burato kung kilala nya.. hehehe peace out

Anonymous said...

sino si ann gonzales? hehe. di ko yata siya naabutan. ang naabutan kong child star si patricia ann roque. hehe. napadaan po mula sa blog ni marco. :)

Anonymous said...

Dude ni isa,Wala akong maalala sa mga sinasabi mo.

Yang member nang thats,Wala at hindi ko kilala si Rose ANN.

i added u up to my links though

RJ said...

Kamagong movie, kasama ko nanood ang Tatay ko! Naalala ko tuloy ang aking ama...

Anonymous said...

lol! naalala ko si manolet ripol at si Bryle Mondehar..hinahabol habol namin sa broadway dati...first year high school yata ako nun tapos karay karay ko yung pitong taong gulang kong kapatid lol! those were the days...

yung apat na yagit naman kasi e talagang mga mukhang yagit lol!
though si Jocelyn e anak mismo ng producer ng palabas na yan :)

Mulong :) sabi ko kung nasa PUP ka noong 1995 baka di natin namamalayan e nagkakabangaan pala tayo ng balikat nun :)

Anonymous said...

Oh..naalala ko lumipat na pala ng campus ang Journalism...dati kasi nasa 6th floor kayo e. Noong mga huling taon ko sa PUP e clinical psychology ang course ko lol!

before that e Journalism...Broadcasting at Sociology hehehe muntik ko ng libutin ang lahat ng kurso lol! ganun ako katatag ...sandigan at di magigiba hehehehe!

dati rin akong tibak..former member ng DK...artista ng bayan ang tawag nila sa amin...tapos lipat ako ng CAE (Center for Alternative Education) doon sa Unyon ng Mag-aaral...nalungkot ako nung hulinng bisita ko sa PUP nung 2006 wala na ang sigla ng Unyon :( pakalat kalat na lang ang mga aktibista..

Ang tanong ko ngayon..ano ka RJ o RA lol!

Mulong..sagot ko yan sa comment mo sa blog ko :)

Anonymous said...

"Send in the Clowns" (TVJ w/ Rose Ann Gonzales)
"Family Tree" (Nida Blanca, Luis Gonzales, Chichay, FrancisM, Manilyn Reynes, Rose Ann Gonzales, etc..)

Anonymous said...

tae.. Kilala q lhat un hahaha. *hagalpak sa tawa* feb. 1980 aq pnanganak. Mlamang nga magkaedad tau haha. Aliw.

Unknown said...

tnxs for your post :)

Anonymous said...

si rose ann gonzales ay isang sikat na child actress noong 80s. madalas siya sa mga tear-jerking movies gaya ng "god save me" where she played as the daughter of christopher de leon and cherrie gil. balita ko, naging tibo like aiza seguerra itong si rose ann at nagtatrabaho yata bilang staff ng isang congressman sa senado.