Saturday, November 22, 2008

Nandiyan Na Mga Senyales

Hindi na talaga pwedeng deadmahin! Kahit medyo hindi mo pa gusto dahil wala ka pang budget eh wala ka ng magagawa…malapit na talaga ang Pasko.

Nito kasing nakaraang Sabado, habang nag-iinuman kami ng tropa ko (lagi na lang) napuntahan kami ng mga batang paslit na biglang kanta ng Pasko Na Naman. Sa limang kumakanta, tatlo yata dun ang inaanak ko. Striking yung pagkanta, kasi para silang nag-abiso na “Ninong malapit na!”

Bahagi naman talaga ng tradisyon nating Pinoy ang pagbibigay ng aguinaldo tuwing Pasko. Sabi nga eh isang beses lang naman sa isang taon. Kaso nga lang, sa tulad kong Ninong ng bayan, na kabata-bata ko pa(?) eh may mahigit 50 na kong inaanak, patay tayo dyan! Malaki-laking budget din ang kakailanganin ko.

Pero ok lang yan kasi lahat naman siguro tayo dumaan sa pamamasko at pangangaroling diba? Nuon nga kaniya kaniyang grupo pa yan kasi mas marami, mas maliit ang partihan. Tapos kaniya kaniya ring teritoryo pero ang sumatutal lang naman eh padamihan ng kapitbahay.

Eto ang malupet, tanda ko anim kami sa grupo, tapos inayaw ako kahit ako pa naman ang lider, yung parang coup‘d etat? Aba hindi ako pumayag. Kinaumagahan, kinausap ko yung dalawa sa lima ko pang kasama. Pinsan ko yung 2 eh. Kinagabihan, ayun tigatlo na kaming nag-aagawan sa sampung bahay na iniikutan namin hehehe.

Teka yan eh karoling mahirap ha, yung mga nagaganap lang sa mga looban. When it comes to villages and subdivisions, pardon me but I was not able experience such a “coñotic” activity. Wahehe

Sa inyo ba may mga parol na rin?

Narinig ko kasi yung pamangkin ko kausap yung mama niya. Pinagdadala raw sila ng titser nila ng parol sa eskwelahan. Tapos ako yung tinuro ng mama niya. Pagbaling sa akin ang sabi “Nong penge daw pambili ng parol. Sabi ng mam bawal daw yung tinda sa palengke na tig be-bente lang.”

Walastik din naman ano? Talagang may price range?

Ito sana ang pumasok sa isip kong litanya nung mga oras na ‘yun; “Sabihin mo dyan sa titser mo, the economic crisis in the United States has already affected the economy of other first world countries, and like a domino effect, it has influenced the economic movements of the third world like our beloved Philippines. Prices of oil products in the world market are going down, but the prices of basic commodities in our own market is still up while there were still no signs of the same to stabilize before Christmas. How dare you to ask for a lantern with an specific amount?”

Naisip ko lang na 8 years old lang pala yung kausap ko. Kaya ayun binigyan ko ng 30 tapos ang sabi ko humanap ka ng tig 25 pesos tapos sa iyo yung sukling 5. Akalain mong tuwang tuwa. Sumunod na nga naman siya sa gusto ng titser niya, may 5 pa siya.

Meron pa palang senyales ng Pasko na nandiyan na at hindi rin pwedeng deadmahin. Hindi ito nakikita tulad ng parol o naririnig tulad ng karoling. O teka teka, ayokong lumalim ang usapan, hindi iyan world peace and love for all mankind.

Ang simoy ng hanging amihan ang ibig kong sabihin. Ramdam na iyung ibang klaseng lamig. Diba pag pasok ng banyo at pagkaalis na alis ng LAHAT ng saplot sa buong katawan (para maligo ha) eh tatayo na yung balahibo mo at kikisig kisigin pa habang tumatalon talon sa unang dampi ng tubig sa balat. Whew tangina lamig!

Kaya nga ba tinatamad na kong maligo ngayon eh. Kaw ba?

19 comments:

antukin Sa palengke said...

tol pa comment ha :) kaka miss yan tagal ko ng di naranasan at nakadinig ng mga batang nangangaroling sa aming looban :( miss ko na ang bibingka at puto bungbung sa madaling araw ;)) miss ko na din ang peryahan sa harap ng simbahan =)) sarap balikan super pormahan pagdating na ng simbang gabi, dami mo palang inaanak sabagay mas okay yan kesa sa maraming anak =)) hanef din naman ang titser eh, dati kartolina lang ang hinihingi at paglilinisin ka lang oh pagtatanimin ngayun pala me presyo na at ayaw pa ng mumurahin nyahaha. nice one tol enjoy ako sa blog mo :)

abe mulong caracas said...

wow ang aga ni antukin...sa amin pare pagkatapos pa lang ng undas may karoling na.

dami mo palang namimiss..wala ka sa pinas?

RJ said...

Pasko. Naku may trabaho kami sa mga panahong 'yon. Di bale, isi-celebrate ko nalang mag-isa rito sa farm kung sakaling ako ang naka-assign sa harvest-watch that night!

Tulad ng nakagawian, naglagay na rin ako ng palamuting pamasko dito sa aking tirahan. Au$10 lang ang halaga sa 'Cheap as Chips' shops pero maganda na, mai-post nga.

Kung sa Philippines malamig ang Pasko, dito sa bansang aking kinaroroonan mainit! Magpi-peak kasi ang summer sa Southern Hemisphere that time! Kaya sa isang araw mga tatlong beses na akong naliligo nyan. (,"o

abe mulong caracas said...

waaaah bakit malulungkot ang mga unang comments?

RJ ok lang yan isipin mo na lang for a change muna yung celebration mo.

siya nga pala may mga nakita na rin akong puto bumbong at bibingka...

p0kw4ng said...

ano yung pasko? ayaw kong isipin yan..baka maghalo ang sipon at muta ko!

=supergulaman= said...

ahehehe...namamasko po... syempre hindi ako tinatamad maligo...ahahaha...khit malamig ayuz lng...wala kaming heater kya magpapakulo ako ng tubig....weeee...

...global financial crisis, sa tantsa ko hindi pa yan mararamdaman this Christmas...pero bka by first quarter pa yan ng 2009...o baka mas lumalala pa nga...add mo pa yung effort ng gobyerno sa cha-cha at preparation kung sakaling may eleksyon sa 2010...

...sa ngayon hayaan muna natin yan...mangaroling na muna tayo...ingat bka makagat ng aso... :D

abe mulong caracas said...

POKWANG classic ka talaga hehehe

SUPERGULAMAN wag na nating palalimin pa sa isyu ng pulitika, ekonomiya at eleksyon hehehe. tama mangaroling na lang muna

eMPi said...

MERRY CHRISTMAS in advance... lolz

Amorgatory said...

wakka nagcoment ako tapos nawla,nyahaha, jingle bells jngle bells..di ko na memorze,wakkaka, lol,. nangangaroling pow ako kuya hahah, lol..penge pow kaht barya lang,lol..wakkaka..merry xmas na din nyahah

PaJAY said...

Mbbawasan na ang pang alak nyan dre...dagdag gastos mga inaanak..lol...

onatdonuts said...

kuya mulong, merry christmas. pamasko ko. hahaha joke :-)

Abou said...

tama ka. kapag ganitong malamig, tayong tayo rin ung akin. ung balahibo ko. kaya nga sa hapon na lang ako naliligo. o kung minsan every 2 days na lang. bahala na.

Anonymous said...

ang problema ko ngaun ay ang di paglitaw ng araw.
di tuloy ako magising ng maaga.
lagi ako leyt.
lagi ako may minus.
sana wala na lang pasok.
kasi ang pasok ay pinagulong PASKO.
:)

abe mulong caracas said...

MARCO merry xmas din

AMOR patatawarin hehehe

PAJAY nakuw di pwede mabawasan yun hehehe

JO 100% percent daw bonus ng TALENT...gudluck wahaha

ABOU mas ok pag every 3 days hehehe

KATCHUPOY haaaay sana nga wala na lang pasok

paperdoll said...

wow! aco walang mahagilap na ninong eh. . hindi ata aco nabinyagan nung bata acoe. . lol

hanep naman noh? kung aco pamangkin mo nilayasan kita nung naguuminggles ka. . lol

uu nga. . masarap parin maligo lalo na kung may kasabay. . hahaha

Anonymous said...

paskong pasko na dito. sarap! advance abe!

Anonymous said...

totoo!!! pasko na naman.... butas na naman ang bulsa ko.... mga kaibigan ko kasi alam na kuripot ako kaya di nila ako niyayang maging ninang ng mga anak nila...

mas kakaiba yung senyales ng pasko mo.. tinatamad kang maligo.. cheers

add kita sa blogroll ko ha

http://anakngpiso.wordpress.com/

abe mulong caracas said...

MANYIKA kawawa ka naman wala kang aguinaldo

DENCIOS merry xmas din

GLESY salamat pagdalaw add din kita

Anonymous said...

you're welcome... ahehe;p c

cheers;p