Thursday, November 27, 2008

Pamatay Na Dialogue Naman

Yaman din lamang…oooops nakamputcha naman, yaman din lamang daw oh! Sige revise and erase.

Dahil napag usapan na rin lang ang tungkol sa mga walang kamatayang eksenang namatay na, pagtuunan na rin natin ng napaka importanteng atensyon ang tungkol naman sa mga classic na dialogue.

Yun bang mga litanya sa pelikula na sa di mo maintindihang dahilan eh tumatak sa isip mo na para bang kinurot ka ng nanay mong mahaba ang kuko. Kasakit lang! Yung may dating ba!?

Etcha pwera na muna natin yung mga nasa history at ilang beses ba nating napanood sa Tagalog Movie Greats tulad na lang nung you’re nothing but a second rate ek ek ni Cherry Gil. Ka level din niyan yung “Walang Himala!” ni Ate Guy at siyempre ang “kapag puno na ang salop, dapat nang kalusin” ni Da King.

Sa medyo bago, isa na siguro diyan ‘yung “walang personalan, trabaho lang,” na sinabi ni Daboy. Kahit sa usapang kanto o sa sugalan maririnig pa rin yan.

Mag referee ka lang o kaya makiepal sa naglalaro ng teks masisigawan ka ng mga naglalaro at mauuwi pa yan sa bantang “hintayin mo kami, bubugbugin ka namin.” Babanatan mo naman siyempre ng walang personalan trabaho lang. Pasok di ba?

Sa pelikula namang Gwapings yata yun, may eksena dun si Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez na para bang suko na sila, pakiramdam nila eh aping api na sila bilang mga kabataan, nag dialogue ang anak ni Daboy ng “hanggang kailan tayong ganito?’ Ang sagot naman ni Jom…kung kayang sagarin, sagarin!

Yan ang isa sa di ko malimutang linya pero wala lang. Parang ang drama kasi ng dating yun nga lang, ang hirap hanapan ng eksena sa totoong buhay. Corny!

Isipin mo na lang kasi kunyari umiebak ka sa banyo tapos jebs na jebs na rin ang kasama mo sa bahay, sisigawan ka… “ang tagal mo naman, hanggang kelan ka ba dyan?” Di yata bagay yung sasagot ka in mellow dramatic tone habang nakaupo sa toilet bowl ng “kung kayang sagarin, sagarin! Ang panget!


Si Priscilla Almeda na unang nakilala bilang Abbi Biduya, kahit puro bold ang pelikula nun, may unforgettable dialogue din. Para naman daw masabing hindi lang siya nagbuyangyang hehe.

Sa commercial/teaser pa lang ito ha, nakakulong si Gary Estrada habang nasa labas naman si Abbi, magkahawak ang kamay nila sa rehas, sabi niya “wag mo nang abutin ang di mo kaya…” sabay pasok ng kantang…”I wont forget the way your kissing…SUTLA…sa direksyon ni Romy V. Suzara.

Yun lang, classic ano!? ST kasi eh! (tanong mo na lang kung di mo alam ang ST)
Sabi ko nga yung ibang mga linya, kahit napulot lang sa pelikula, minsan eh nagagamit sa totoong buhay. Basta magamit lang kahit walang kwenta.


Nasubukan mo na ba yun? Ako nasubukan kona. Ang dialogue kong sinabi? Sabi ko…Hoy Inday kainin mong itlog ko!

Linya yan ni Aiza Seguerra sa pelikulang Super Inday and the Golden Bibe. Patok yan ibahin mo na lang ang pangalan ng pagsasabihan mo hehehe! Sige subukan


®

14 comments:

Kosa said...

nax nman...wala akong masabi... lols isa ka bang panatiko sa pinilakang tabing nuong nakaraang panahon?

zebzeb said...

classic movies is still the best. agree?

abe mulong caracas said...

KOSA....wag naman sa nakaraang panahon hehehe

ZEB....hmmmm, not all hehehe

sly said...

mga litanyang di makakalimutan? pakisali na rin sa listahan ang tambalang FPJ at Sharon sa pelikulang "Kahit Konting Pagtingin".

FPJ: "Ang problema sa'yo, maaga kang ipinanganak.."
Sharon: "Ang problena naman sa'yo, huli kang ipinanganak!"

TOINK! Sabay gulong (ako) sa kakatawa.. Akalain mo naging problema pa kung kailan ka ipinanganak. :)FUNIBOI

eMPi said...

kabisado mo ang mga linya ah... ilang taon ka na ba SIr?

PEACE!!! lolz

RJ said...

Hahaha! Ganda ng post na ito.

Naalala ko nga yang Super Inday and the Golden Bibe na 'yan. Matapos sabihang, "kainin mo ang itlog ko, Inday" ginawa naman ito ni Inday para magkaroon ng kapangyarihan!

Habang papatapos na ang pelikula, naihalo ang powerful na itlog ng Golden Bibe sa ibang mga karaniwang itlog na pininturahan pa ng mga pamangkin ni Inday ng iba't-ibang kulay. Kaya nung kailangan nya ng powers para labanan ang mga masasamang characters doon sa kwento, binitbit nya ang buong basket ng itlog, at dahil hindi nya alam kung nasaan ang powerfull na itlog, isa-isa nyang nilunok ang mga itlog! Nakita siya ng kalaban niya, ang sabi, "Hahahahaha! De pa itlog, itlog pa, hahahahaha!"

Kahit panoorin ulit natin ang pelikula, may dialogue talagang ganun dun.

Bata pa ako nung napanood ko ang pelikulang 'yon. Nung naging 18 na ako, aba yung Sutla pinanood ko rin! Ayaw ko nang magbanggit ng dialogue sa sutla, baka kung ano pang isipin ng iba...

Anonymous said...

nahahalata kong isa kang panatiko ng pinilakang tabing?
pero aus ah.
informative.
:lol:

abe mulong caracas said...

SILVER...buti hindi sinabing, ang hirap sa iyo ipinanganak kang tiyanak...hahaha

MARCO...meron nga akong nakalimutan eh

RJ lupet mo dre, di lang yung dialogue ang kabisa mo kundi yung nangyari hahaha

dun sa sutla meron akong eksena na di makalimutan...yung sa ibabaw ng kotse ahihi

PEPE...noon yun ngayon wala nang oras mag sine haaaay

Anonymous said...

parekoy grabe!naalala mo p si pricila alomeda!!haha!ang galing! natawa aq sa dialogue n “wag mo nang abutin ang di mo kaya…” paki explain kung anung pinag uusapan nila..kc nagiging green aq!LOL!!!^_^

yan h...dumaan n q!hehe

abe mulong caracas said...

EMAR mukang berde nga pero ang mas tanda ko yung pasok ng kanta ng michael learns to rock na hindi natutong tumugtok ng rock wahehe

Anonymous said...

ikaw ay isang movie buff! :)

PaJAY said...

priscilla almeda yan a!!ampucha!!Delishoes!!!!siyeett!!!!lolz

ayos tlaga ga review rito...balik sa nakaraan...astig!!!!!

abe mulong caracas said...

JOSHMARIE noon yun hehehe ngayon wala na, ganggang pirated DVd na lang hehehe

PAJAY bakit delicious? anong naalala mo ha? hehehe

Anonymous said...

nakakatuwa ano? filipino stayl iyan! :-)