Malabon Police Station naman ang pinagparausan ko ng kalasingan ng mga oras na yun. Magdadalawang taon na pala, akalain mo? Tulad ng pangyayari nung nakatulog ako sa Edsa, inabot na naman ako ng madaling araw sa inuman.
Hindi naman ako dapat aabutin ng alanganing oras nun eh. Matino kasi ang usapan namin ni Pareng Mico. Uminom daw kami sa bahay nila sa Malabon nga tapos dun na lang daw ako matulog sa kanila.
Ok naman ang simula. Nandun kami sa harap ng bahay nila tapos dumating pa yung tatlo niyang barkada at pinagpiyestahan muna namin ang isang kahong Redhorse. May nagpatak at bumili ng sugo at may bumili naman ng yosi. Kahit isa lang ang kakilala ko, maayos naman nila kong hinarap.
Nung malapit nang maubos ang isang kahon, nakikiramdam na ko kasi parang todo pati na yung pinambili ng mani at sigarilyo. Huling tagay sa akin daw kasi bisita ako na para bang may ibig sabihin.
Dahil sayang naman yung natirang yelo, nagpabili pa ko ng kalahating case pero sa tantya ko eh konting sundot na lang at tamang tahimik na ko. Pagbalik ng bumili, may sabit pang isa daw nilang kumpare.
Sa loob-loob ko eh ayos lang dahil naging lima kami at least mas mabibilis tirahin yung anim na bote. Pagharap ng bagong dating, langya at nagpapahinog na lang pala dahil nakainom na. Pero sige lang sabi ko, maaga pa at pasasaan ba makakasama na sa inuman yung ilalim ng mesa.
Habang umiikot yung baso hindi namin namalayan na nakatakas na pala yung isa. Nagpaalam ng iihi lang, uuwihi na pala.
Ilang tagay pa at eto na, dyadyararan…hindi nako masyadong umeepal sa kwentuhan kahit nagpapalakasan na sila ng bunganga. Isa lang ang ibig sabhihin nun…lasing nako.
Pagbukas ni Pareng Mico ng ika-apat na bote, isang babae ang umeksena…“Hoy Mico alas dose na, wala ka pa bang balak umuwi?” banat ng misis niya. Biglang tayo si Pareng Mico na para bang walang bisita. Ang masama pa, hindi na pala sila dun nakatira sa bahay nila at umuupa na ng apartment.
Nalintikan na, iniwan na ko sa mga taong di ko kakilala.
Kahit mga ngongo na kaming tatlong natira, sige lang hanggang hindi lumalabas ng kusa sa mga bibig yung beer at maning tinira namin. Hindi lang lumabas yung salita sa bibig ko pero gusto kong itanong kung mga adik ba sila?
Hindi nga ako nagkamali.
Kaya pala pumasok sa isip ko iyun eh dahil drugs na ang pinag-uusapan. Mga gusto palang tumira ng otab. Pwera angas pero nung huminto akong mag-drugs eh sinabi ko sa sarili na hindi nako babalik sa bisyong yun (Oo nag drugs ako dati). At napanindigan ko naman.
Kahit anong yaya nila at kahit anong pigil nila sa akin eh sumibat ako kahit halos lumabas na sa ilong ko yung beer.
No choice na naman ako, ayoko namang bumiyahe nang hindi ko alam kung saan ako makakarating. Pagbaba ko ng jeep diretso ako ng istasyon ng pulis, naglabas ng id at nagpakilala na para bang napakatino ko.
“Pasensya na po kayo, taga Bulacan ho kasi ako eh napasobra po ang inom ko, yun naman pong kasama ko eh nagyayayang mag drugs, hindi ko trip yung ganung bisyo eh, pwede ho ba kong mag stay dito hanggang alas singko lang po ng madaling araw?” tangina akala mo kung sino akong mabait na di ko alam kung inuto ako ng mga parak, sige daw, wala daw problema.
Ayun, ang hindi na naman matatawarang karanasan ng kalasingan. Habang natutulog nga ako, naalimpungatan pa nga ako, pagdilat ng mata merong isang nakaposas, duguan ang damit habang kausap ng sarhento de mesa, wala akong pakialam. Sige tulog lang!
®
Saturday, November 15, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
so far di ko pa naranasan.... hehehe
Tgay pa!!ate alak pa!!hahah, hindi ko naranasan yan parekoy, hanggang ilalim lang nang sofa yung napagtripan kow,wahahhha..katkot nman yan karanasan mow.waakak. ATE! bbae nga!lol
hihihi tsang gala ka at nagsumbong ka pa sa pulis!
haha parang kelan lang ng kinuwento mo sa amin yan. haha nalimutan mong ikwento na kaya ka pinaunalakan ng mga pulis na matulog sa kanilang istasyon ay dahil astig kang taga- BLEEP! haha
Hahaha! Nagulat ako dun sa biglang dumating na Misis ni Pareng Mico mo.
Bilib ako sa mga ginawa mo, sa EDSA, then sa Police Station. o",)
Saan po ba kayo sa Bulacan? Bago ako napunta rito sa bansang kinaroroonan ko ay tumira ako sa Sta. Maria at Angat. Kinu-considr ko actually na 2nd homeprovince ko ang Bulacan
haaaayst lasing talaga kasi tagau yung nasa title at hindi tagay nyahaha
actually marami pang mas malupet dyan...some other time para di sawa
jo...tinanggal ko talaga yung part na un hahaha
RJ taga Hagonoy ako
taena! matulog na aco sa tabi ng canal pero hindi aco pupunta ng presinto para makitulog! wahaha! astig! tara na magdrugs! pag nagdrugs ka, gaganda buhay mo! dadami friends mo! tara na! hahahaha. . damonyo!
PAPER DOLL== totoo dumami friends...kaya lang puro buraot at puro sila mahihirap kaya tinabla ko na lang sila hehehe!
wala ka nga sa sarili mo.. nakitulog ka pa sa presinto!!! yun ang kahuli-hulihang lugar sa mundo na hindi ko lalapitan. pag may katabi na 'kong pulis natataranta na ako eh, bka mamukhaan,lolz
last time akong uminom, redhorse, 3 years ago. at iba ang tama, ang daling mag-English!! naging slang ang dila ko. pero di na naulit, yun ang first and last encounter ko with RH. ngayon redwine at kape na lang.hhehe
ah, kaw pala si abe mulong ah, naks naman! nasa link na kita eh..
tagay na lang tyo ng kape, pampagising para di ka nkikitulog kung saan saan!!!
hahaha...ninenerbyos ako sa kape dylan
tagay na lang tayo kape sa iyo RH sa akin hehehe
ehehehe...may experience din akong ganyan... ako namn sumusuka sa gitna ng edsa...buti na lang hindi ako nasagasaan..ehehehehe...tas kahit may nag aadik sa harap ko hindi talaga ako titira kahit sang puff lang...mabait namn sila ksi motto nila na walang pilitan sa ayaw...
waa pasaway!
mahusay rin huh! totoo talaga? nagpaalam kang matulog sa presinto? hehehe..aliw!
ehem bat me tawas jan. wahahaha! nasubukan mo na bang mag albatross? nyahahaha! o kaya katol.
Post a Comment