Thursday, November 13, 2008

Unang Tagay: Nakatulog KNBS Edsa?

Tagay muna!

Tuwing bago mag Pasko nag iinuman kami ng mga barkada ko nung college. Sabi nga nila, at least (sabay dugtong pa ng “kahit papaano’) eh nagkikita daw kami kahit isang beses lang sa isang taon.

Sa isang banda eh tama nga naman. Kahit mga propesyunal na (although ang ilan ay nanatiling taghirap katulad ko) eh may oras pa rin ang HUBAD na magsama-sama para sa mga malayang talastasan…na pwede ring tawaging payabangan, angasan, pataasan ng ihi at minsa’y makinig sa payo ni Pareng Ryan.

Pero sa mga paghaharap namin, ang hindi ko makakalimutan eh noong 2005. Nakatulog kasi ako noon sa isang bahagi ng Edsa. Oo sa Edsa, specifically sa may SM North, dun sa pinaka-kantong tinutumbok ng mga bus na galing Cubao na lumiko mula sa dulo ng MRT. Dun sa pagbaba ng overpass tapos lakad ka ng konti, Nakuha mo na ba kung saan?

Ang malupet pa, madaling araw yun ha, mga mag-aalas tres yun!


Hindi pa ginagawa ang SM City noon kaya sa kantong iyun pa ang dating hintayan ng mga pasahero. Merong mga papuntang Malinta-Monumento, Novalichez, Bulacan, Pampanga at kung saan saan pa. Buhay na buhay ang lugar na iyun kahit ganuong oras.


Sa Newsdesk Café kami uminon noon sa may Scout Madrinan sa Quezon City. Tulad ng mga dating inuman, sa umpisa malinaw pa ang kumustahan at kwentuhan. Pero nang tumagal na, parang nagsisigawan na. Kaniya kaniyang banat habang nawawalan naman ng direksyon ang mga kwento.

Dahil sa Bulacan ako umuuwi, sa umpisa, tinatantya ko yung sarili ko. Pero mahirap iwasan kapag nandiyan nasayaran na ng espirito ang lalamunan. Edi ayun pagkatapos ng tatlong bote, ang kasunod nun eh dire-diretso na. Wala nang pataan!

Natapos siguro kami pasado ala una, maaga pa nga kung tutuusin eh. Hinatid ako Cedie sa sakayan at dun na nga ako naghintay. Sa dami ng rumaragasang bus paliko sa kantong iyun, talagang tinutukuran ko na lang ng tingting ang mata ko kahit alam kong hanggang dulo na ng buhok ko yung tama ng espirito ng beer.

Eto na kamo, mag aalas dos na, hindi pa ko nasasakay at alam ko naman na malamang eh wala na talaga akong masasakyan. Tangina kasi, adik sa inom ayan hehehe.

Ilang sandali pa…wala na surrender na ko.

Lumapit ako sa nagtitinda ng balot at yosi sa mismong kanto na biabanggit ko. Umupo ako sa gutter ng kalsada at nagpa-alam ako sa nagtitinda na iidlip lang saglit. Pagtama ng ulo ko sa tuhod ko, tuluyan nang umikot ang paningin ko hanggang kung saan saan na ko nakarating.

Ramdam ko ang lamig nang hanging dumadampi sa aking balat. Pilit kong hinihila ang kumot nang biglang…isang malaks na busina ang nagpadilat ng mata ko. Pagtingin ko sa relo ko, tangina pasado alas kwatro na. Wala na rin yung magbabalot na pinagpaalaman ko. Di man lang ako ginising?

Di ko alam kung matutuwa ako na nakatulog ako o ano dahil paano na lang kung may nag trip sa akin? Iyun na nga lang, lumipas ang oras ng parang nakapag pahinga ako.

Kasunod na nuon eh yung bus na sinakyan ko pauwi sa amin. Naisip ko lang, hindi naman ako taong kalsada, hindi rin naman ako taong grasa, pero nakatulog na ko sa Edsa. Karangalan yun diba?

Ikaw? Nakatulog ka na ba sa Edsa?


®
marami akong kwentong lasing…merong sa presinto at kung saan saan pa.

11 comments:

p0kw4ng said...

hahaha ayos yan..di mo mababayaran ang mga ganyang experience...basta ba hindi araw araw eh nakakatulog ka sa daan sa kalasingan!

ako din ang daming ganyang karanasan..nong time na nandyan pa ako..pero ngayon..im proud kasi sober na ako ng 1 year and 2 months,hihihi

Anonymous said...

hahaha. nakatulog ka talaga dun? :)

PaJAY said...

langya naman tong post na to!! naglaway ako sa Sanmig light...isang taon kalahati ko na di natitikman yan.wew!!!...lol.

lufeet ng exp. mo parekoy....naalala ko 2loy ng anjan pa ako.nagkipag-inuman ako sa mga stude ko sa may padis tagaytay (at sinabi ko pa ang loc.wahahah)...kung npunta ka na don,isa lng kasi restroom don.ang nangyari,sa sobrang kalasingan (nag tagay trip.lahat ng alak sa menu tinikman namin.lol),maraming tagay na kaya umikot tiyan ko,tumayo ako at naghanap ng cr na pakriskros na ang lakad sobrang lasing ko na tlaga pre.at dhil iisa lng andun,pinasok ko na agad kaso may babae pala sa loob.sinapak ako pre at tinulak sa may water closet na may mga Jerbaks ung bunganga ng bowl...ayun,sa awa ng dyos,halos isang oras akong nagkulong sa cr..."LASING NA NAGLALABA NG PANTALON SA CR NG PADIS"..wahahaha.

..at ang haba na ng comment ko...pang entry na...lol...

nice post dood..

abe mulong caracas said...

POKWANG tama ka pero ang dami kong di mababayarang expirience pagdating sa kalasingan hehehe

JOSHMARIE yap awa ng Diyos eh nilipat na yung sakayan baka daw ulitin ko eh

PAJAY pwede pang ulitin yung expirience mo pagbalik mo hahaha

Vhonne said...

awa ng Diyos... hindi pa niya ako binibigyan ng pagkakataon ng ganyan... ayaw ko talaga... ahaha.. kuntento na akong maiwang lasing sa bahay ng kakilala ko.. kesa sa lugar na posibleng walang makakilala sakin... ahaha.. madali kc ako maligaw...

abe mulong caracas said...

nice expirience naman vhonne hindi nga lang pwede irekomenda hehehe

RJ said...

Hindi pa ako nakatulog sa EDSA. Hindi pa ako nakakuha ng ganung karangalan! o",)

[Bagong photo ba itong gusaling kasalukuyang ginagawa? Nawawala na ako sa North EDSA ah.

Di ko na rin nabutan ang Trinoma.]

eMPi said...

ako, HINDI! pero inabutan ng umaga sa EDSA... sa may EDSA Central... hahaha

Anonymous said...

Alam mo siguro na ang Newsdesk ay pag aari ng isa ring dating PUPian :) Artistic Director namin sya noon sa Dulaang Katig, one of the founding member, I'm sure alam mo ang DK :)

anong sarap buhay ka dyan? lol hirap nga buhay e :)

abe mulong caracas said...

RJ - yap yan yung ginagawang bahagi ng SM North. Nakita mo ba yung overpass? Pagbaba lakad ng konti...dun ako nakatulog.

MARCO - baka naman sa may MRT station ka natulog hehehe

MANILENYA - Si John lang ang kilala ko sa may ari ng Newsdesk...siya ba yung PUPian?

onatdonuts said...

siempre naikwento mo na sa amin yan nila cecille hehe malupit din yung sa police station haha sige babasahin kona yun ata next post mo. :-)