Parang binuhusan ng malamig na tubig sa Mang Ador sa pangyayari. Isang araw ng kamalasan ba naman ang nangyari sa kaniya eh. Maya-maya pa…
“Pareng Ador, ano naman ang naisipan mo at pinutol mo yung puno ng ipil ipil sa pagitna ng bahay natin?” humahangos na tanong ni Mang Canor sa noo’y nanlulumong si Mang Ador.
Mistulang nabunutan ng kutsilyong isinaksak sa likod si Mang Ador. Puno ng ipil-ipil ang pinutol niya at hindi ang puno ng narra sa harapan ng kaniyang bahay!? Sa halip na salita, isang ngiting aso ang naisagot niya kay Mang Canor.
‘Para ka namang nang iinis Pare, nakuha mo pa akong ngitian. At ano naman yang dalawang bilog sa tabi mo? Ke taas ng araw tumitira ka ng gin? Baka mamaya eh mag-huramentado ka na at hindi lang puno ang tagain mo!”
Noon na napansin ni Mang Canor ang nabaling sagwan sa tabi ni Mang Ador. Inusisa niya ang kumpare kung ano ang plano hanggang sa dalawa na silang tumatagay.
“Tangina naman Pare, paano mo gagawing bangka ang puno ng ipil-ipil eh ang nipis nyan? Edi ngayon kahit sagwan eh hindi na natin papakinabangan dahil bali na,” bulalas ni Mang Canor nang marinig ang kwento ng kumpare.
Kahit daw bangkang pambata eh hindi naman magagawa ang puno ng ipil-ipil
Umikot ang baso at isa pang bilog ang nabuksan na dala naman ni Mang Canor. Matatag si Mang Ador, marahil ay dala ng pagkadismayang hindi naman pala dapat ika-dismaya.
Dala ng espirito ng alak, kaliwat kanang usapin na lumiko sa ibat ibang direksyon ang napag-usapan ng dalawa. Hindi nila napansin na salitan pala nilang nililiha ang naputol na sagwan hanggang sa mapakinis nila ito.
TEKA TEKA NAGPURO WENTO NA WALA NAMAN WENTA! NILOLOKO LANG TAYO KASI HINDI NAMAN PALA NARRA ANG PINUTOL EH. KALAUNAN MGA LASING NA YUNG UMEEKSENA. WALA TAYONG MAPUPULOT NA MAGANDANG ARAL KINA MANG ADOR AT MANG CANOR.
SA TOTOO LANG DI BA NAIINIS KA RIN? SINASALSAL NANG SINASALSAL ANG KWENTO PARA HUMABA, HINDI NAMAN MALAMAN KUNG ANO ANG KAHAHANTUNGAN.
PINANGHUHULA PA TAYO KUNG TOOTHPICK BA, PALITO NG POSPORO, CHOPSTICK O KUNG ANO PA ANG POSIBLENG IMBENSYON ANG KALALABASAN NG PROJECT NA HINDI NAMAN BIBIGYAN NG GRADE!
GIN BULAG PA ANG INIINOM? LINTEK WALANG PULUTAN WALANG CHASER? ANG LAKAS KAYANG MAKAPAG-PAPANGIT NUON!
BAKA KUNG NAISIPAN AKONG TAGAYAN NG DALAWANG MATANDANG IYAN EH BAKA NAIPALO KO PA SA KANILA YUNG KINALABASAN NG PUNO NG NARRA NA NAGING PUNO NG IPIL IPIL!
AYUN, ALAMAT PALA ITO NG PALU-PALO!
®
Friday, February 13, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
tsk tsk tsk nagagawa nga naman ng alak hahaha
hindi kaya ang naging produkto nung proyekto ni amng ador eh ung ginamit kong pantukod sa mata kong pilit na sumasara? ahihihihih
adik ka mulong..adik! parang ako lang,hihihi
YANAH...dahil ikaw ay laging gising sa oras na dapat kang natutulog dyan sa kinalalagyan mo, malamang napakinabangan na nga ng mata mo yung imbensyon nina Mang ador at mang canor!
POKWANG...sabi ko na nga ba eh...meron ba tayo dyan? lols!
peace!
ahhh.. ang layo ng hula ko... lolz
langya!!!isigaw mo na lang yan pre...paluin kita eh!!! lolzz
siguro lasing ka rin noong sinulat mo to? tsk tsk tsk.... sabi nga ni CM: " PALUIN KITA E...!!!" LOLZ
GILLBOARD...kasi naman, ang lahpit lang naman diba, alamat ng bangka na nauwi sa palu-palo?
LORD...mamaya sisigaw na talaga ako hehe
MARCO...hik...hik...hik...hindi ako lasing nagsisinok lang, bakit ako nagsisinok? nakainom lang. Pero di ako lasing!
ahehehe..palo-palo pala ha? ahahaha...
ang kulit..ahehehe..nakainom nga ito... :D
laceng ka nnman pare no???hahahah di obvious lolness sisihin ba nman s mang ador at canor ahahah
hahaha! hanep mulong! pwede ka na gumawang libro pang bata. . lol. .akala co pa naman tutpik na. . lol. . palopalo pala. .
palu-palo pala! nyahahahaha! isang araw mapapalo kita! seryoso ako ehhhhhhh!!!!
Okay. Tsk, tsk, tsk! Whew! ={
kahit tirador pangit gamitin ang ipil-ipil... bangka pa... hehe
lahat ng nalulunod sa alak magaling bumangka!
hahaha. kala ko kung ano na. lolz.
Uy, talentado ka pala!
Post a Comment