Saturday, April 25, 2009

Headlines...

(may litrato sana ito ng mga headlines mismo pero hindi ko ma email yung mms kaya to follow na lang! basahin mo na lang muna)


Naisipan kong mag time-out muna sa pagbabasa ng mga broadsheet at sa halip eh mas pinili kong gawing parausan ng aking malalalim at nakakabuntong hiningang komentaryo ang mga nabasa ko sa mga tablod.


Sa totoo lang, minsan eh mas masarap basahin ang mga tabloid. Una, kadalasan hindi mo na kailangang basahin ang buong istorya dahil sa pamagat pa lang eh gets mo na ang balita. Pangalawa, hindi nakakapagod basahin dahil iilan lang ang pahina. At higit sa lahat…medyo bastos!


Well, unlike broadsheets, when sometimes I need to read twice a paragraph to grasp what it meant. Especially those articles in the business page discussing inflation rate and the stock market. Nuuuh, my nose bleeds! (nakantutsa nag ingles pa!)


At sa pagbabasa ko nga ng mga medyo bastos na dyaryo, eto ang ilan sa mga nakapukaw ang aking pansin:


RICHARD-LUCY, ARAW ARAW ANG HONEYMOON

Wala lang, nakakatuwa lang! Binasa kong buo sa pag-aakala kong nakadetalye ang mga ginagawa nila sa honeymoon eh hindi naman pala. Pero naisip ko lang, siguro kung may porn material na sila ang bida, malamang best selling!


Baka nga maitaob pa nito yung Harry Potter sa box office. Ang araw araw na honeymoon story kayang nilang dalawa eh kayang lagyan ng plot na ala Slumdog Millionaire o kaya Titanic?


32 SINGIT NA KONGRESMAN, SA CR NG BATASAN MAG-OOPIS

Aba eh ayos, ano sa palagay mo? Mas makabubuti nga sana kung hindi lang yung 32 kundi pati na yung mahigit 200 iba pa eh sa kubeta na lang mag-opisina. Tutal din lang lahat sila eh mahilig sa style na puno ng putot, bakit hindi na lang nila itae!?


At kung sakaling, kapusin ang mga kubeta sa Batasan, pihadong marami ang gustong mag-ampon ng kongresman na pag-oopisinahin sa kanilang mga banyo.


Pero kung si Madam Darlene Antonino-Custodio kaya? Ay wag, dun na lang siya sa kwarto ko, maluwag naman eh.


MARIEL, KINAPA KAPA ANG MANOY NI RAFAEL HABANG NAKAHIGA SA KAMA

Kailangan ba talagang idyaryo ang ganitong istorya? Nalito kasi ako. Ang naintindihan ko lang kasi eh yung habang nakahiga sa kama at yung kinapa-kapa. Kaya yun lang na na-imagine ko.


Bata pa kasi ako, kaya di ko masyadong nasakyan ang ibig sabihin. Ang sabi ni Mang Ambong sabungero, ang manoy pala eh pangalan ng “wallet” ni Rafael. Ayun naman pala, gusto palang magnakaw kaya kinakapa.


BUKOL NI HUNK ACTOR KINAPA NI MARIEL

Mariel na naman? Hindi na ko nagtanong kay Mang Ambong sabungero, hula ko kasi ang bukol naman ang gustong nakawin. Pero sumabat si Mang Ambo, manghihilot daw kasi si Mariel kaya kinapa ang bukol. Ayun naman pala.


Nagpaalam na ako kay Mang Ambo, nananakit kasi ang bukol ko, gusto ko sanang ipakapa at ipahilot kay Mariel eh.


naks ®


18 comments:

Lord CM said...

Hehehe :D Takte!!!ka mulong, mamaya ikaw ma-headline nyan eh lolzz

Word Verification : foogie , nyahaha lolzz

gillboard said...

Nakakaengganyo ngang basahin ang mga ganyang titulo sa mga tabloid... hahaha

A-Z-E-L said...

HEADLINE:

34-26-32 KINAPA-KAPA NI MULONG...
.
.
.
.
.
.
.
.
bote ng alak yan... nakita mo! eh di ba ok na headline???

lolz!

tonio said...

bro sama ko kapag nagpahilot ka ha...

nyahahaha... happy blogging bro!

Marlon said...

hahaha nakaka-intriga naman kung sino yang mariel na yan. tska sang-ayon ako. cute si custodio at para doon naman sa mga bagong reps sa kongreso, pakiramdam ko bagay sila doon sa banyo

poging (ilo)CANO said...

takte!...sa Darlene antonio-custodio kanina pa nasa kwarto ko...huli ka na bro!...

=supergulaman= said...

anung tabloid yan....pabili naman.. ahahaha... :D

Amorgatory said...

hahah leche na mariel lol kung anow anu ksi ung kinakapa eh!amfness lol

HARI NG SABLAY said...

haha hilig mngapa ni mariel...

ang tabloid nga nman, bow!

isladenebz said...

Every Sunday, binabasa ko ung Sunday Rushes ng Philippine Daily Inquirer. Tuwang-tuwa ako sa mga term na laplapan, kinabog, tinuhog, etc.

Hmmm...Katatapos lang ng Mahal na Araw!!

The Pope said...

Kaya gustong gusto kong subaybayan ang mga artikulo mo Ka Mulong dahil sa orihinal mong estilo sa sining ng pagsusulat ng iba't ibang kategorya mula sa maikling kwento, anekdota na seryoso o komedya - may kakaibang obra ang iyong likha.

Pero sa tutuo lang mahabang taon na rin akong hindi nakakapagbasa ng tabloid, minsan hinahanap hanap ko rin. hahahahaha.

bomzz said...

hahahahha ang lufit mo talaga Ka mulong...dats (entirment) wat im toking abawt...lol's ....

Dylan Dimaubusan said...

Nung minsan nakakita ako ng kakalat kalat na tabloid na pinag balutan ng tinapa, latest pa.. Di ko natagalan.. wahahaha!

Anu bang pakialam ko kung kinalikot nya ang anu nya sa harap ng anu???

Wahaha! lolz

musta ka na?

abe mulong caracas said...

UNA SA LAHAT, PASENSYA NA PO KUNG DI MAKA-IKOT, MAY HINAHABOL LANG NA DEADLINE!

LORDCM...wag naman ako lalo na kung krimen, pero kung pang artista at yung kakapain din ni mariel, pag iisipan ko muna hehehe

GILLBOARD...oo nga lalo na yung may kapangalang artista o pulitiko na nandukot, lakas maka fake ng pamagat! EX...Maricel Soriano, nang snatch sa LRT!

AZEL...ayos ha, sanay kang gumawa ng mga misleading na headline ha!

TONIO...sige ba hehehe pero mauna ko ha!

abe mulong caracas said...

MARLON...mariel rodriguez yan!

POGING ILOCANO...sabi ko na nga ba hindi ka mauunahan eh! laging ikaw ang una ha!

SUPERGULAMAN...mas masarap basahin ang mga nasa REMATE parekoy...pati drawing sa cartoons section, mae-engganyo ka!

AMOR...manghihilot ka kaya kung anu-ano ang kinakapa!

abe mulong caracas said...

HARI ng SABLAY...kapa kapa takla ang mangyayari kay mariel kapag di siya nagbukas ng ilaw hehehe

ISLADENEBz...ang hinahanap ko lagi naman yung salitang "donselya" napaka tabloid ng dating hano1?

THE POPE...maraming salamat bro!

BOMZZ..sa iyo din parekoy!

Kosa said...

kakaiba nga!
lols

sabi ko nga parekoy, sa isip lang madalas nagkakaroon ng malisya..lols

astig na post!
nakakatuwa...lols

Amorgatory said...

hahaha hilutin kta parekoy lol