Thursday, April 30, 2009

Ang Babaeng Hinugot...

Don’t read between the lines! Wala itong malalim na kahulugan

Literal itong tungkol sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na mapapanood sa GMA 7.

Hindi ko alam kung tapos na ba o patapos na ang teleseryeng ito na pinagbibidahan nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Wag kang mag-alala dahil wala rin itong kinalaman sa takbo ng kwento o sa kanilang ginagawang pag-ganap sa kani-kanilang character. Wala akong balak gumawa ng review sa takbo ng buhay nila sa programang ito.

Tungkol ito sa pamagat ng palabas mismo! Oo sa pamagat lang.


May dalawang bata kasi, si Paolo na pamangkin ko at ang kalaro niyang si Atong ang nagtanong sa akin kung nanonood daw ba ako ng Babaeng Hinugot… Sabi ko hindi dahil papasok ako sa trabaho ng ganuong oras.

Sinundan ito ng kung nakita ko na raw ba si Marian at Dingdong sa personal na sinagot ko naman ng “Oo”

Eh mukang nagti-trip ang dalawang bata, sinundutan ako ng tanong na ano daw ba ang tadyang? Bakit daw Ang Babaeng Hinugot Sa Aking “Tadyang” ang pamagat?

Aba eh malay ko!

Pero ang tingin ko na kailangang sagutin eh kung ano ba ang tadyang na kaya sakyan ngmura nilang isip. Bakit ba naman kasi hindi na lang nilagyan ng simpleng pamagat ang palabas at nang hindi na nagtatanong ang mga bata eh.

Pwede namang “Ang Babaeng sa Simulay ay Pilay Pero sa Huli ay Nakapaglakad.” Wala na sigurong tanong kapag ganuon di ba?

Makulit talaga, ano daw ang tadyang, saan daw hinugot si Marian? Gusto ko sanang sabihing sa puwet pero baka mabastusan naman sila kahit na nakakatawa. Biruin mo, “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Puwet.”

Dahil wala akong maisip, nasabi ko na lang na “bulsa,” na nauwi sa tawanan naming tatlo. Bakit daw hindi naman niya nakitang hinugot sa bulsa at paano daw magkakasya sa bulsa si Marian?

Ayoko na. Masarap sanang makipagkulitan sa kanila pero matutulog na ko. Sinabihan ko na lang sila na maligo sa baha na pangkaraniwan na sa amin ngayong panahon ng high tide

Ngayon, tayo naman ang magkulitan at mag-trip. Ano pa ba ang magandang idugtong?

Ang Babaeng Hinugot Sa Aking….

(pwede mo tanggalin ang “Aking” kung gusto mo)


naks®

31 comments:

dencios said...

ang babaeng hinugot sa aking aparador -sabi ng roomate ko haha. siya na nagisip para sa akin haha :) ikaw mulong wag mo niloloko mga bata ha baka maniwala haha.

dencios said...

waaaa... una pala ako. sarap ng una hehe yun lang :)

darkhorse said...

...sa aking puso...tc lol ayus yun boxer shorts!... ty

p0kw4ng said...

Ang babaeng hinugot sa bombilya!

wala lang...yun ang unang pumasok sa isip ko hindi na pinag isipan,hihihi

abe mulong caracas said...

DENCIOS...ang sakit noon kasi hinugot sa aparador eh. meaning inilabas ito nang hindi bunuksan ang aparador hahaha

DARKHORSE...wow lalim sa puso talaga. buti hindi sa puson.

POKWANG...wala akong masabi, hinugot sa bombilya...lols!

gillboard said...

ang babaeng hinugot sa aking singit...

Lord CM said...

Ang babaeng....? ahhh...ang babaeng...putek!!!, ano ba?!!!Game!!!Ang babaeng...ahh alam ko na!!!

"Ang babaeng naghuhugot", pwede na yan!!!

I am Bong said...

ang babaeng hinugot sa hukay? aw... parang horror...

ang babaeng hinugot sa aking ilong... parang kulangot daw ang drama. yun nalang para maiba naman...

abe mulong caracas said...

GILLBOARD...ang bantot nyahaha!

LORDCM...amg bastos hehehe!

BONG...ayan ang classic nagmukhang horror na...sa hukay!

pero yung sa ilong...ang alat!

MarcoPaolo said...

natawa ako parekoy sa ANG BABAENG HINUGOT SA AKING PUWET... Ang sagwa!

Ang Babaeng Hinugot sa Kumunoy... hahaha! tama ba?

Dylan Dimaubusan said...

Ang babaeng hinugot sa aking kuyukot...

lolz

eh ni hindi ko nga alam kung anu yung kuyukot..parte daw 'to ng katawan..

Kosa said...

hahaha
kahit kelan talaga masayang makipag-kulitan sa mga bata...
nakakalimutan mo ang problema mo kahit papaano..

ANG BABAENG HINUGOT SA ILONG...HEHE

lahat kase sila nagsabi kung saan hinugot ang babae eh kaya kailangan meron akong ambag..lol

JoShMaRie said...

pwede ring sa aking balakang. o kaya tutyang. hehe

A-Z-E-L said...

"ANG BABAENG HINUGOT AT PINASOK...AT PINASOK AT HINUGOT... AT HINUGOT AT PINASOK" lolz!

tama na siguro yan Kuya Abe.. pwede mo ng i-explain to the max!

bomzz said...

Be real!.... wala bang mangahas na sabihin yun? Pu**! asterisk pa... wala talaga hehehehe












So..........


yun.....luma na ano! eh! Prek! kaya? eh 2x na lang hahahahahah

HARI NG SABLAY said...

haha ang kulit ng mga bata...

ang babaeng hinugot sa bunganga, pwd dn un dba...lols

Kosa said...

taena... natawa ako kay AZel...lols

♥ K.i.i.k.a.Y ♥ said...

ok makijoined na naman ako ha..lol

ang kulets talaga ng mga chikiting..sarap makipaharutan ay masyadOng bad...hahaha..

hmmm pinapanood ko to adik na adik ako...at d pa sya tapos patapos pa lang....:]]...pero oo minsan tinanOng kko rin sa mga ka berks ko kung bakita yan pa ang pamagat..lol

hmm e2 naman sa akin hehe

''ang babaeng hinugot sa aking tainga'' eh wala me ibang maisip eh

Bart Tolina said...

pls visit my blog
barttolina.blogspot.com
tnx!

Simisteryoso said...

Ang babaeng hinugot sa aking ewan.

Amorgatory said...

sumakets ang ulow kow sa kakaicp nang magandang pamagat pero ayus na cguro tow "ang babaeng hinugot sa inodoro" bow..lol

RJ said...

Ayos ang trip na ito, ah. Hahaha!

Kagagaling ko lang sa Pilipinas pero hindi talaga ako nakapanood ng show na ito, masyado kasing abala. Ang Zorro nasilip ko pa ng isang episode.

Bakit kasi hindi sikat ang Pinoy TV rito sa South Australia?

Led said...

ang babaeng hinugot sa aking balunbalunan xD

poging (ilo)CANO said...

ang babaeng hinugot sa aking pagkalalaki....lolz..

mulong said...

MARCO...imagine mo pag kumunoy, kailangan sa gubat ang setting tapos may mga uod na gagapang sa kaniya...horror din ito hehe

DYLAN...hahaha, magtanong sa sino mang kakilala mo kung ano ang kuyukot lols

KOSA...kulangot din yan

JOSHMARIE...sa tutyang ahhhm kapatid ng kulangot yan!

mulong said...

BOMZZ...pu*** ano daw yun?

HARI NG SABLAY...pwede hehehe, pangit yata babae inilabas sa bunganga may laway laway pa!

KIIKAY...hinugot sa tutuli, tunaw o tuyo? kadiri hehehe!

SIMISTERYOSO...makapag comment lang hehehe

mulong said...

AMOR...yan ang panalo hinugot sa inidoro tapos bubugahan ka ng kung ano man ang nasa bibig ng babaeng hinugot. malamang sinipsip siya ng malabanan

RJ...alam ko na, kapamilya ka ano? sige para mapanood mmo, punta ka na lang sa www.pinoychannel.tv baka meron dun

LED...diba ang balun balunan eh lalagyan ng jebs?

POGING ILOCANO...wala akong maisagot, body sharing ba? hehehe

mulong said...

A Z E L...hinuli talaga kita eh, ang babaeng hinugot at pinasok at hinugot at pinasok...paulit ulit.

teka dalawa lang ba sila? kung gayun sex yan!

pero kung marami...ahh rape na yan!

RoMe said...

drawer? pwede diba..


Ang babaeng hinugot sa aking drawer...

dotep said...

Ang babaeng hinugot sa aking nipple..

toplatsi said...

in serious note-- dapat sinagot mo pa rin ang mga bata kung ano ang tadyang... saka ka mag-disclaimer na 'malalim kasi ang kahulugan nun, sabi ng writer'

anyway for the sake naman sa iyong challenge...

ahmmm... ang babaeng hinugot sa kangkungan

naku, baka gamitin yan ng SEIKO FILMS hahaha