Friday, May 1, 2009

Maka-Epal Lang!


Makasawsaw lang…

Dahil sigurado namang mula bukas at malamang eh hanggang sa lunes pa eh laman na ito ng mga kwentuhan mula radio hanggang sa baryo eh mag ambag na rin ako, total naman eh para sa bayan itong laban na ito.


Sige na nga, tutal din lang at wala daw nangyayaring krimen pag may laban si Pacman, napupuno ang mga sinehan dahil kay Pacman at marami ang tumitingala kay Pacman, oo na naniniwala na kong para ito sa bayan.

Sabi sa kanta lumang mo, “para sa iyo ang laban na ‘to!” at ngayon naman eh yung “Pilipino, Pilipino, Pilipino ang lahi ko.” Mas lalo na kong naniniwala na para sa bayan ito.

Ibang level na nga ang mga kanta mo, maihahambing, maililinya at maitatabi na sa mga kanta nina Heber Bartolome, Asin, Apo Hiking Society, Joey Ayala. Iba eh, alam mo yun!? Ang lalim ng dating.

“You know, it is for my people, that I will give everything in this fight especially for my countrymen and my I country. I hope I can give them entertainment in this fight. You know!”

Yes I knoooow! This is not for the money….para ito sa bayan!

Sana sa sununod, si Michael Phelps naman ang makalaban niya!

Teka, ano bang pinag-uusapan natin? Maka-epal lang kasi!

VIOLENT REACTIONS ARE WELCOME!

Naks®

14 comments:

RJ said...

Anong ibig niyong sabihin, si Pacman... magsu-swimming?!

PArang hindi niyo nabanggit kung kanino kayo pupusta. Kay Pacquiao o kay Hatton?

Kosa said...

pacman na naman?
goodluck sa kanya..
ewan ko kung manonood ako.

Gusto ko si Pacman bilang Boksingero pero hindi ko sya susuportahan kapag pumunta sya sa politika...r

gillboard said...

impernes kay pacman... mas maganda boses niya sa kanta niya ngayon...

siya nga ba kumanta nun?

jeszieBoy said...

mas naaaliw ako sa mga moves ni aling dionisia! bwahaha. :]]

The Pope said...

Anuman ang maging resulta ng laban nila Pacquiao versus Hatton, 3 lang may katiyakan na magaganap sa kanilang paghaharap :

1) titigil pansamantala ang daigdig ng halos lahat ng mga Pilipino sa ibat-ibang panig ng daigidig bilang panunuod sa nasabing laban.

2) makikita na naman sa telebisyon ang mga mukha ng makakapal na politikong may pera para sa ganitong luho na di malaman kung pera ng bayan ang ginamit na laging nakasubaybay kay Manny Paquiao na di ko maunawaan kung humihingi ng balato o gustong magsipsip kay Aling Ddionisia.

3) ang walang katalo-talo dito ay ang ay ang promoter ng nasabing laban dahil sa ticket sales at sa napakamahal na Pay-Per-View na nagkakahalaga ng 80 Riyals dito sa Doha.

p0kw4ng said...

ahahaha...tangna natawa ako mula sa post hanggang sa mga comment...kay roach pa din ako!

dotep said...

basta, unti-unti nang pumopogi si pacquiao... hehe

Dhianz said...

welcome bah ang violent reaction??? takte 'la nga akong reaction... ni nde nde nga akoh interesado sa usapang pacman eh... sabay ganon eh noh.... 'la lang... i watch boxing... pero not into Pacquiao really... pero yeah i'm proud of him kc nirerepresent nya ang mga pilipino... eniweiz... Godbless na lang sa kanyah sa laban nyah...

ingatz lagi kuya Mulong...

Godbless! -di

The Gasoline Dude said...

Sana matalo si Pacman. Oo, gusto ko siyang matalo. Para maiba naman.

poging (ilo)CANO said...

manalo o matalo si pacquaio, yayaman na naman....malilibre parin xa sa BIR...lolzz

Dylan Dimaubusan said...

Pacman...

Kahit saan nga nakikita ko sya, showbiz, commercial, TV Programs, politics.. He's everywhere!!!

Sana kung saan talaga ang field nya dun na lang sya.. At PLEASE lang!!! WAG na wag nyo syang isasabak at ipapain sa POLITIKA!!!

Dylan Dimaubusan said...

Sa replay na lang ako manonood, baka sakaling manalo yung matatalo.. Bwuahahaha!

kheed said...

panalo pa din si pacman dude, asar naman. madadagdagan na naman ang yaman ni aling este madam dionisia, diosko lord!

tutal panalo naman sya sa laban nila ni hatton, baka pwedeng wag na syang tumakbo sa eleksyon, you know?

manilenya said...

Hehehe! hindi ka rin fan ni Pakyaw?
welcome to the club lol!