Thursday, May 28, 2009

Bakasyon Grande Tayo!

PASAKALAYE MUNA BAGO MAGING GASGAS!

Tanong: Ano daw ang paboritong shampoo ni Katrina Halili?
Sagot: Ano pa? Edi Hayden-Shoulder! Nyahaha!

Eto totoo na!

Hindi naman maikakaila na talagang magaganda ang mga beach dito sa Pinas. Siguro dahil geographical location natin kung kaya siguro kahit gaano man ka-dugyot ang ilang bahagi ng ating kapaligiran eh nananatiling magaganda ang ating mga karagatan.

Yan siguro ang dahilan kung bakit may mga beach na gusto nating balik-balikan. Yun bang tipong katu-tungtong mo pa lang eh sasabihin mo agad na “babalik ako dito.” Ang iba nga, para daw makasiguro na matutupad ang kagustuhan nilang makabalik, titikman ang buhangin kahit alam naman nilang magaspang ang lasa at hindi naman iyun lasang pulburon!

Wala lang, trip lang, gusto lang nilang maging ogag!


Unahin na natin siyempre ang Boracay! Sino nga ba ang hindi nalilibugan este naaaliw sa puting buhangin sa Bora? Mala-paraiso sabi nga!

Maraming beses na ngang napabalita na ilang Hollywood celebrities ang nagpunta at nabighani sa alindog…oo sa alindog ng Boracay!

At dahil nga sa maalindog ang Bora, hindi malayo na may sex video na gawa sa isa sa mga hotel rooms duon. ←pwede mo itong huwag isama, gusto ko lang maisingit para ride pa rin.


Kung hindi swak sa budget ang Bora, nandyan din ang Puerto Galera. Isa nga daw ito sa pinakamatao pag dating ng mahal na araw eh. Sa dami ng tao, pag nasa dagat ka, hihingi ka ng pasintabi kung gusto mong lumangoy!

OA na yata, paano naman yun? Excuse lang po lalangoy lang po ako!

Basta wag ka munang sumakay sa mga M/B Commando ha! Kalulubog lang kasi ng isa nilang bangka. Baka pag nagkataon ako pa ang hantingin ng Coast Guard dahil ako ang nanghikayat na pumunta ng Galera.


Kung trip mo naman sa bandang norte, nandyan ang Hundred Islands na kapag high tide eh 99 lang daw. Isipin mo yung eksenang nasa bangka tapos may mga hawak na beer in can (wag itatapon sa dagat kapag ubos na!) habang tumatawid from one island to another!

Samahan mo pa ng eksenang pagtungtong sa isang isla, picture taking agad, tapos labas ng gitara, ihaw ng pusit na malalaki tapos tuloy ang inuman!

Lupet nun!

Teka napansin nyo na hindi ako kasama sa mga litrato ng mga beach na binabanggit ko? Ninakaw ko lang kasi ang mga ‘yan sa internet!

Hindi pa kasi ako napupunta sa mga iyan!
Hanggang pangarap lang ako na marating ang mga beach na 'yan! Haaaay!

Tangina, sawang-sawa na kong magbuklat ng mga brochures na nag-aalok ng vacation package!

grrrrr®

19 comments:

dencios said...

maganda talaga sa bora. kaso yung ibang parte ng lugar e masyado na ata napapabayaan dahil last time na pumunta kame dun e puro basura ang ibang lugar. sa puerto di pa ako nakarating. sabe crowded naman daw. sa hundred island napaka ganda dun.mas maganda pa sa bora.

post ka ng pic mo sa beach! pakita mo abs mo!

poging (ilo)CANO said...

natawa ako sa shampoo ni katrina halili..hayden shoulder..hehehe.

eh ano naman ang shampoo ni hayden?..

e di aybelory (ivory)lolz..

sa mga nabanggit mo na bech ala pa ako mapuntuhan kaht na isa....hangang kodak na lang cgro ako..lolz..

RJ said...

Parang nakapagbakasyon na rin ako, Kuya Abe dahil sa post niyong ito. Salamat! U

Sayang talaga dahil noong April pupunta sana kami sa Boracay, nahuli kami sa pagkuha ng ticket at hotel reservation, next time nalang.

Sa Puerto Galera naman, hindi natuloy dahil natagalan ako sa Davao sa kahihintay ng aking passport (nag-renew kasi ako), kaya kahit may hotel reservation na, wala pa rin. Whew!

Sa Hundred Islands nakarating na ako, maganda nga! U

Tuklasin ang Pilipinas, at ang sarili'y tuklasin! o",)

gillboard said...

puros lumot daw ang ang bora... ayaw ko dun... papakabitter lang.. hehehe

abe mulong caracas said...

DENCIOS...sige mang inggit kayo!

anong pic ang mailalagay ko na nasa beach ako eh pangarap lang nga itong post na ito?

st tsaka wala din akong abs..ebs lang hehehe!

DOC RJ...ang masasabi ko lang eh...sayaaaang! nyahaha

POGING ILOCANO...pareho tayo! manood na lang travel time!

GILLBOARD...isa pang pareho tayo. st tsaka hindi naman talaga tottoong magaganda yung mga lugar na yun eh...bitter talaga hehehe

Rhodey said...

maganda sa bora, malumot nga lang hehehe ... yun palang ang napuntahan ko sa mga binangit mo e...

wala na rin kasing time masyado para makapagliwaliw.. haaaayyy..

kailangan ko nang bakasyon... saka kape.. aheheheks...

The Gasoline Dude™ said...

Sa mga 'yan, Puerto Galera lang ang napuntahan ko. Hindi pa ako nakarating ng Boracay.

Saka na ako pupunta. Papaganda muna ako ng katawan. *LOLz*

Rome said...

pare pag tama ko sa lotto pupunta ako dyan hehehe..

di pa din ako nakakapunta dyan sa mga nabanggit mo eh, sabi nga ng ilang foreigner eh bago ka pumunta sa ibang bansa upang magbaksyon pinas muna ang ikutin mo dahil madami ditong magagandang lugar...

dencios said...

binasa ko yan. nyahaha. kung may pic ka lang ilagay mo hehe.

dito sa dubai gusto mo mag beach? ganda ng beach dito pero 101% na peke ang sand. imported nila sa ibang beach kasi puro buhangin ang meron dito at desyerto nyahaha


ps: anu ba naman tong word verification dito, POOKI daw haha

Zweihander said...

Buti nga ikaw may mga brochure, ako mga kwento lang ng mga kaibigan ko ang pinakikinggan ko.

Goodbay luho ng walang pasok, hello sayo mga umagang kailangang gumising ng maaga

Yodi Insigne said...

favorite place ko yan.. mga beach,
lalo na pag maraming sexing bitch..
he he.
good day

Hermogenes said...

pareho tayo wala pa akong narating sa mga nabanggit mong beach na yan, ilog marami na...

e anong isasagot mo kapag binati ka ng "hi"?
e di "hayden"...

Anonymous said...

hayden-shoulders! sheet! haha!

pusangkalye said...

kasi--lipad kana kasi pabalik dito habang summer pa---- Miss ko tuloy bigla Bora at Hundred Islands---pero ang Puerto Galera---parang napakailap sakin----di matuloy toluy-----

EngrMoks said...

wala kong pera para puntahan lahat ng yan o kahit isa man lng dyan...tipid tipid muna...
kakatawa yung pasakalye mo tol...

The Pope said...

Abah may patalastas ka pang shampoo hehehehe. Pag ganitong tag-init at may financial cirisi, magkasya na lang tayo sa patingin-tingin sa mga litrato hahahaha.

mulong said...

RHODEY...pareho tayo dre, kailangan ng bakasyon!

GASOLINE DUDE...kailangan ba talaga sa package yung pag pumunta doon kailangan talaga maganda ang katawan? hehehe patay lalo na kong di makakapunta

DENCIOS...kung malapit lang ang dubai, pupunta ko dyan sa llinggo, pero wag na nga lang fake pala ang buhangin hehe

ZWEIHANDER...wow pare lamang pa pala ako sa iyo kasi may mga nababasa ako lols!

mulong said...

PROF YADS...edi kahit pala hindi beach prof pwedeng maging paborito mo hehehe! basta may sexing bitch!

TONIO...hahahaha dagdag sa hayden-katrina joke yan ha!

PUSANGGALA...miss mo edi ibig sabihin napuntahan mo na lahat ng yun, haaay!

MOKONG...mukang may pinaghahandaan ka na pareng mokong hehehe! nagtitipid nyahaha, baka nag iipon!

THE POPE...yun lang, paglawayan na lang ang litrato!

Anonymous said...

haha! ako rin wala pang napupuntahan sa mga yan. gusto ko makapunta sa hundred islands at sa pagudpod. mabuti pa nga ang camera ko nakapunta na eh. :( buti pa ang camera iniinvite ang may-ari hindi. wahhhhhhhh!!! pero ok lang hindi naman ako mahilig talaga sa beach kasi ndi naman ako marunong maglangoy. but i love the sceneries tsaka ung amoy ng dagat. :)