Saturday, June 27, 2009

May Toyo Ka Ba?


Magluluto sana ako ng pansit gisado. Pampaalis 'yun ng sama ng loob. Iba kasi ang pakiramdam ko kapag nagluluto ako. Kahit papaano gumagaan kung anu man dinadala ko kahit hindi naman dapat problemahin.

Kumpleto na sana sa rekados. Maliban sa mga karaniwang panggisa, may bihon na, hipon, gulay, kalamansi at iba pa. Kung baga isang kumpas na lang at sisimulan na ang eksperimento na ang kahulugan eh pagluluto.

Hanggang sa napansin ko na may isang kulang pala. Kahit nahiwa na ang mga rekado, pansamantala itong naantala dahil biglang nagulo ang isip ko.

Nagtatalo kasi sa kukote ko at nagsasalawahan ako kung ano ba ang gagamitin kong brand ng...toyo!

Alin nga ba
ang mas makakapagpalinamnam ng pansit?



Marca Piña?


O Silver Swan?

Dahil bago pa lang sa merkado,
hindi ko isasama pagpipilian ang Datu Puti!

31 comments:

Trainer Y said...

marca piña...
hehehhe
ewan ko..
pero akse ako marca piña ang binibili ko para sa bahay..

EngrMoks said...

Tol, ikaw ang may toyo! hahaha! ayus tong post na ito ha! about toyo! nagutom tuloy ako sa pancit na yan!
Pare kahit anung toyo... basta nasa pagluluto lang namn yan...

Anonymous said...

Marca Pinya ang binibili ni Mama noon pa. Mas masarap at mas malinamnam daw kasi, mother's knows best sabi nga. Pero para sa akin pare-pareho lang ang toyo.

Iba ang toyo sa ulo. Di pwedeng pang-pansit yun. Penge naman. Mukhang msarap ka ring magluto. ^_^

Amorgatory said...

di ko lam pipiliin dyan tinotoyow akow pre eh ..wakkaness

The Pope said...

Isa ka talagang tunay na blogista, ultimo pagluluto at kakulangan sa rekado nabibigyan mong buhay sa isang panulat... dahil blogista rin ako at marunong magluto ng pansit hindi ko puedeng palampasin ito hahahaha.

Pipiliin ko ay Marca Pinya, may kakaibang lasa kesa sa tatak bibe (Silver Swan).

Huwag mong sabihin bukas kulang ka naman ng patis hahahaha.

gillboard said...

worchestershire sauce!!!

saul krisna said...

hahaha marca piña... mas masarap yun.... promise....takte nagugutom na ako ah.....

2ngaw said...

Madali lang yan pre, isipin mo nang isipin kung ano bibilhin mo hanggang mapiga na yang jutakz mo kakapili, pag napiga na yan sigurado may lalabas nang toyo lolzz

mulong said...

YANAH...narca piña, pinipili ng mas mapiling ina, hindi ba yanah? ayos rhyme pala kaya mo pinili eh hehehe

MOKONG...hahaha ako ba bigla may toyo? sabi ko na nga ba dapat ibang toyo ang nilagay ko eh at wala sa dalawa!

DYLAN...nakow nakontra! di pala pang toyo ang dapat na ilalagay ko. lols

AMOR...sa iyo pala ako dapat nanghingi ng pampalasa sa pansit!

abe mulong caracas said...

THE POPE...iyun yun eh, hindi dapat palagpasin at mukang inilalampaso ang silver swan kaya kailangan mong itaguyod!

GILBOARD...according to my reliable source, ang internet, ang worchestershire sauce ay piquant sauce of soy, vinegar, and spices. sosyal sasamain ang tiyan ko diyan.

SAUL KRISNA...nakantucha may promise pa, mukang ipupusta mo sweldo mo ha? hehehe

LORDCM...dapat talaga hindi ako sumuko sa pag-iisip ano?

A-Z-3-L said...

kuya... kung gusto mo sumarap ang pansit lagyan mo ng magic sarap!!!

ung toyo, di ako expert jan... pero baka nga tama sila.. marca piña.

lagyan mo na rin ng kikiam, squid ball, shrimp, pork... ayan.. mas masarap na....lolz!

atto aryo said...

loyalist ako ng silver swan. kahit dito sa tokyo, dumadayo pa talaga ako ng pinoy store para bumili nun.

Joel said...

marca pinya pare,

kasi sabi nila.. ito daw ang pinyaka masarap..

HOMER said...

Marca Piña, subok na ng panahon haha!!!

Dhianz said...

ayos sa post ah... naks..u cook? aliw naman... nagtatanong ka bah tlgah? or trip moh lang i-commercial ang toyo... ahehe.. sana hinawakan moh... kasama kah sa picture... para nabayaran pa ang talent fee moh.. lolz..ingatz lagi kuya Mulong... Godbless! -di

Bomzz said...

galing!!iba ka talaga ka mulong! lalo na pag may TOYO! hehehe

Bomzz said...

teka teka...Masarap ba talaga ang Marca Pinya?

sa bisayas at mindanao sikat ang silver swan eh..... ma text nga si Misis.. lipat nasa marca pinya hehehehe...

RJ said...

Silver Swan para sa akin. Kahit dito sa Australia, 'yan ang gamit ko. Dinadayo ko pa yan sa city (45 min - 1hr drive), sa Asian Store.

Hari ng sablay said...

marca swan para walang away.

okaya...

silver pinya,lols

ang corny.

PABLONG PABLING said...

tinanong ko kay mommy,

marca pina daw...

sana naman naluto na yan sa mga panahong ito...

--kasama na si dingdong

Rhodey said...

hanep sa talent fee ito aheheheks..

pero datu puti ang lagi kong nakikita sa kusina gamit sa bahay kasama yung patis, at suka...

ahehehe...

SEAQUEST said...

Ni marca piña ni datu puti ang silver swan na gagamiting toyo para sa pansit ni abe mulong caracas...o yan sobrang sarap na po pansit mo n'yan, talo-talo na lapang kung lapang basta kumpleto's rekados...(lols)

Klet Makulet said...

nasa nagluluto yan. mapapasarap kahit anong sangkap!

poging (ilo)CANO said...

pwdeng wg nang lagyan ng toyo? tubig saka food coloring na lang ng itim...hehehe

Anonymous said...

Magandang Gabi..
Nagmamatyag Lng
pOh akO : )

whatchamakulitz said...

Uhm ako din piliian ko Marca pinya kasi yun ang matagal na gamit nanay ko kaya subok na...

Anyway basta wala ka "toyo" habang nagluluto eh masarap pa rin ka2labasan nyan...

Kamiss ang pansit hawa kailangan luto din kami nyan...weehhhhhh

Somnolent Dyarista said...

haixt kuya!


kahit anong toyo basta lalasa ang pansit okey lang sa aki...

tanong ko lang ang marka pinya ba toyong gawa sa pinya???

Amorgatory said...

honga sana sakin na free pa free pa, dami kowng reserba parekoy sabhn mow lang kelan ka ccuk ulets pancit oohh yeah!!

dencios said...

pati ba naman brand pero sa tingin ko mas masarap ang DPuti. :)

LORAINE said...

marca pina pang pansit :D

Unknown said...

pancit canton na lang... may kasama ng toyo...