Iba talaga tama ang GSM Blue! May kung anong espiritu na nagbibigay ng tapang mga nakakainom nito na ilabas ang kanilang mabigat na dinadala. Oo peksman.
Yun’ bang tipong kahit ang pinaka tatago mong problema eh mailalabas mo sabay sa pagtagay ng kulay tubig na alak. At kapag nasimulan na nga ang mga makabagbag damdaming kwento, asahan mong masusundan pa ng konting iyakan blues kahit puro barako ang nag-iinuman.
Si Pareng Jo, nagulat na lang kami nung sinabing baka maghiwalay na daw sila ng misis niya. Walang third party pero kailangan daw. Langya parang mga artista.
Wala kasing trabaho ang mag-asawa. Nahihiya na daw si Pareng Jo kasi sa biyanan niya sila nakatira tapos nag-aaral na ang isa nilang anak. Nagpalitan kaming apat na kainuman niya sa pagpapayo na pag-usapan muna pero mahirap na raw talaga.
Dumadalas na raw kasi ang pagtatalo nila at minsan na ring niyang napagbuhatan ng kamay ang asawa. Pansamantala lang naman daw habang naghahanap ng trabaho kasi ayaw naman talaga niyang mahiwalay sa mag-ina niya.
Katahimikan.
Pagtingin ko sa kamay ko, nakita kong patay na pala ang yosi ko. Hindi ko alam kung napatakan ng chaser o natilamsikan ng laway dahil sa mga umaatikabong mga payo.
Dahil namatay ang yosi ng hindi naman naupos, hindi ko muna tinapon at iyun na lang sana ang sisindahan ko nang pigilan ako ni Attorney. Seryoso ang mukha niya sa pagpigil sa akin.
Huwag na huwag ko daw sisindihan ang yosing namatay na…
Nakaka-kanser daw kasi! +*#@$%!
Lintik, muntik ko nang matungga yung bote ng GSM blue.
naks®
23 comments:
welcome back... oo nakakakanser ang yosi kahit yung di namatay.. hehehe
Hehehe :D Basta Gin brod, asahan mong may dramahan jan...wag lang sana magyakapan lolzz
Pre, walang pinagkaiba ang sisindihan mong namatay na yosi sa ibang yosi..pare parehas nakakakanser yan :D
hay ang hirap nga naman nang buhay ngayon parekoy , kahit nga singleness eh hirap na eh, wat if may asawa pa, nakow pow ate ay kuya pala ,lols..anyways yoko na magsalita bout sa cancer kasi yoko eh hahaha, nakikita ko kasi yung mga pasyente kowng chnechemow kaya yoko magsalita lols, tigil mo na pagyoyosi pero mas prone yung mga nakakalanghap nang simoy nang yosi kesa nagyoyosi mismo kaya cge hithit ka nalang parekoy kesa makisingot ka hahaha, langya tlga akow,lols, ok lang maging langya kesa mabait lol, konek the dots nalang, cge inuman pa!!lapit na bday kow handa mo na ang gsm blue!ooh yeah!
May pamahiin din pala sa yosi hahaha.
Mahusay ka talagang gumawa ng panulat, simple pero rock.
Usapang tunggaan na naman pala! lolz!
Parang lasing na si Attorney ah at kung anu-anong sinasabi... tama nga naman si CM, pare-parehas lang nakaka-cancer yan.
Kumusta na si Pareng Jo? sana'y nahimasmasan na sya...
hehe! sino namang sunog-baga ang nagpauso nung kasabihang nakakakanser pag sinindihan ang namatay na yosi? baka naman sabi nya e "mas nakakakanser"? LOL
hinay hinay lang brod...
tagay ko na!
Ayos, pati sa yosi meron na ring mga pamahiin...jijijijiji... kakaiba talaga ang alak... kahit ano nagagawa mo... drama, comedy, samahan na rin ng action! jijijiji... libreng panonood basta kasali lang sa tunggaan... jijijijiji
isang pagtakas sa hirap ng buhay...baka barek lang si Jo kaya nya nasabi yun,hehehe
madami din akong nakikitang ganyan,yung papatayin muna ang yosi bago sumakay ng pampublikong sasakyan at sisindihan ulit pagbaba..para di sayang!
gusto ko ding gawin para makatipid pero di ko kaya...parang feeling ko iba na ang lasa pag sindi ulit,hehehe
di ko pa natitikman yan.
haha, masarap kaya?
katakot.
bka masabi ko ang deepest secret ko.lol. :]]
pinasuka ako kagabi niyan kaso hndi blue... yung bilog, gin bulag.
gawain ko pa naman yung isisindi ulit ang yosi pag namatay
Nakakamiss ang lasa ng GSM blue...tagal na kasi akong hindi nakakatikim nyan...
Tama ka maraming nagsasabi sa akin na masamang magyosi lalo na yung gamit na..ang alam ko lang yung yosing itinabi mo lang dahil hindi mo naubos kagabi,....pag tinirta o inubos mo sya kinabukasan yun ang nakaka cancer..
isa pang pamahiin ko at totoo naman para sa akin ay ang sindi ng yosi..pag daw matulis at mahaba ang baga ng yosi..magkakapera ka the next day! ewan ko lang kung totoo pero sa akin madalas nagkakatotoo..kadalasan bago mag a-kinse o katapusan..hahah!
Yes, masarap talaga 'yang GSM Blue! U
Totoo ba 'yong paniwalang 'yong tungkol sa sigarilyo?! Huh!
haaaa?
totoo ba yun parekoy?
sana naman hindi. hindi dahil naninigarilyo ako ng upos pero dahil kawawa naman yung mga hindi nakakaalam.
pero sa tingin ko, mas-tama si Gillboard..hehe
GILLBOARD and LORD...yun nga dahilan parekoy kung kaya muntik ko nang matungga yung gin hehehe
AMOR...konek da dots, konek da dots, konek da dots! ayaw eh. mukang may amats pa eh
THE POPE...isang maraming salamat po!
AZEL...lasing nga at ginugudtaym lang pala kami kasi kinabukasan tatawa tawa at sakay na sakay daw kami!
AN INDICENT MIND...di ko rin malamang kung sinong gago ang nagpauso ng ganuong pamahiin. baka si attorney? mabatukan nga!
XPROSAIC...sinabi mo. lahat ng klaseng emosyon pag may alak nyahaha!
POKWANG...di lang barek. barek na barek. nakow wag mung gagawin yun kasi magkaka-kanser ka daw nyahaha. bumili ka na lang ng bago dos lang.
JESZIEBOY...hmmm deepest talaga ha! haluan mo ng pineapple juice para di masyado matapang.
HARI NG SABLAY...yun ang mas nakakapagpa-emote. gin bulag tapos sabayan mo ng sipol!
MOKONG...aba si engineer mas marami palang pamahiin tungkol sa yosi. tara na, tagayan na!
RJ...ewan ko ba dun doc. buti nga di sinabing wag iinom ng natirang alak kasi nakakalasing eh. hehehe
KOSA...haha talagang sineryoso. oo tama nakakanser ang sigarilyo kahit bago man o luma!
noon madalas iyon ang iniinom namin..ok iyan na inumin..nakakalasing talaga..
kapag may mahal ka na ay huwag ka ng magmamahal sa iba ha kasi masasaktan ka lang..kung bakit ay alamin mo sa new post ko..
Wow makikigulo din ako sa usapan..jijijiji nainggit ako sa gsm blue..wala na kac ako mga kainuman dito jijijji nagsiliparan na ang iba me kanya kanya ng buhay jijijiji iung natira alang pambili layk meh jijijiji
XP (aka Bab), mahilig ka sa libre e ang dami mo pambile!! lol wahahaha
Natatawa talaga ako sa iyo. I want to see you someday as a big witty writer!
ayos...
may ganyan din akong barkada, sabi nya "badburn" daw. at pag sinindihan mo ulet eh malamang na mag ka kanser ka...
pak! hehe, ayon binatukan ko nang bote ng mucho ang gago...
buhay pa naman.
wahahaha...
ARVIN...nakakalasing ba talaga? makasagot lang hehehe
DONSTER...yun lang ang mahirap pag wala nang makainuman. Dyahe naman yata kung iinom ka mag isa baka akala nila napakalalim ng problema mo hehehe
ESPAN...salamat po. ako rin po yun sana ang gusto ko at sana eh magkatotoo
BATANG MAILAP...hahaha pero sila yung mga masarap kainuman, yung tipong di mo alam kung saan hinuhugot ang mga banat lols!
ayon sa aking pag kaka alam nakaka cancer talaga ang yosi lalo na ung upos. . (ano ba itong sinasabi ko)
yung sa GSM blue naman. di ko pa na try malasing diyan, ma try nga rin at mailabas ang sama ng loob.
mabuti at may ganyang bagay sa mundo para makapag palabas tayo (ng sama ng loob)
di ako naninigarilyo kaya di ko din gusto malaman hehe. nataw naman ako sa sinabi mong parang showbiz haha. at least ok naman ata sila at iyun naman ang importante
bad burn.
Post a Comment