Thursday, July 30, 2009

Sige Pumorma Ka!

Hindi ako fashionistang tao. Pero alam ko naman yung mga nauuso at paminsan minsan eh nakikisabay din naman ako.

Sa mga nagiging “in,” kung sa isang suutan eh alam ko nang parang hindi bagay, aba eh hindi nako nagbabaka-sakali na sa susunod na pagkakataon eh babagay na sa akin.

Hindi pala nadadaan sa dalawang paligo eh.

Masaya na ko sa simpleng t-shirt, maong at sneakers. Sabihin na nating safe na safe pero di bale nang safe kesa pumorma ng kulang sa hulog.

Sa isang banda, hanga din naman ako dun sa magagaling magdala. Yun bang kahit ano ang mauso o kahit anong porma eh bagay. Saan ba naman ako hahanap ng ganuong katangian eh kulang na nga ako sa height, kulang sa itsura, kulang pa sa bukol. (muscle ba!?)

Pero meron pa bang mas dapat hangaan kesa dun sa mga taong may sapat na lakas ng loob na pumorma…no matter what!?

May nasalubong kasi ako na talaga namang hindi ko alam kung mapapailing ako o matatawa. Hindi ako nainggit pero aaminin kong bumilib ako sa guts nya!

I-drawing mo sa utak mo ha.

Nasa kaayusan naman ang height, yung tamang tama lang. Naka skinny jeans tapos naka flip-flops.

Ok na sana kasi ang tsinelas naman eh ka pang porma na ang level ngayon kahit pa “havanas” ang tatak. Hindi tulad dati na ang pormang naka tsinelas eh nagiging sentro ng deskriminasyon.

Pero nagka problema bigla!

Alam mo ba yung mga baseball jersey? Yung malalaki at oversized na isinusuot ng mga hip-hop rapper.

Para mas madali…yung mga damit na tila may tatak Andrew E o kaya eh yung sinusuot ng mga miyembro ng Salbakuta.


Na imagine mo ba? Skinny jeans…flip flops…at oversized baseball jersey?

Hindi ba mukang siyang naglalakad na ice drop? Bakit di mo hahangaan ang tapang na meron siya di ba?


naks®


25 comments:

Jepoy said...

Pareng Mulong ikaw ba ang model modelan sa entry na to?! Nakanaman!!! Ang pogi!

Ako hindi ko carry ang skinny jeans period :-D

gillboard said...

naimagine ko... hindi ako natigil kakatawa... lolz

donster said...

Ako din ok na sakin ang shirt, jeans and rubber shoes....

Idamay mo na ang ayos sa buhok jejeje parang anime plus guts... wahahaha paminsan minsan itry mo din baka sakaling bagay sau di mo lang naappreciate. after all, beauty is in the eye of th beholder jijijijiji

mulong said...

JEPOY...modeol modelan ba? hehehe! at least ikaw talagang hindi carry ang skinny jeans at may period pa! lols

GILLBOARD...malamang kung masalubong mo mapapailing ka din. pero nakakabilib di ba?

DONSTER...merong mga kayang i-try pero itong nasalubong ko, parang di bale na lang hehehe

MarcoPaolo said...

yon ang USO ngayon parekoy... hahahaha! ayos ang pormang yon ah.... dapat pinicturan mo! lolz

darkhorse said...

hehehe kakatawa naman mga porma....dito nga yun lawlaw na pants nalalaglag na hehehe taz hirap maglakad...lol nice one tc!

I am Xprosaic said...

Nyahahahhahaha... kakaiba talaga! jijijijiji... kung may borloloy pa siya eh di nagmukha pa siyang xmas tree... suoting niya pag december ulit baka sakaling mauso siya... jijijijijijiji

Kosa said...

kanya kanyang tapang at lakas ng loob lang yan! pero agree ako sa punto mo parekoy... kahit mauso pa sa sanlibutan kung hindi naman bagay sayo eh, wag na lang..lols

o baka naman maganda sa paningin nya ang pormang yun? o di kaya may costume party na dadaluhan at icedrop ang theme..lols

Lord CM said...

Hehehe :D Buti na lang parehas tayo ng trip, shirt, jeans at tretorn lang lolzz

tsariba said...

emo na rapper? lolz

HARI NG SABLAY said...

anong tawag sa get-up na yun?hahaha para din siyang si spongebob,haha

kawawa naman ang gf nun kung sakaling may kasama,lols

A-Z-E-L said...

observant talaga! akalain mo nakita mo pa sya at nagawan ng blog... hehehehe...

kahit naman siguro kung ako ang titingin, aani ng pintas saken un... pero sabi nga nila, "trip trip lang... walang pakealamanan!" hahahahaha!

ps:
dadala din ba ang ngipin nya gaya ng nasa pix? lolz!

p0kw4ng said...

hanggang ngayon nasa utak ko pa ang itsura..ahahaha..naalala ko tuloy yung nakita ko sa Milan dati....

naka skinny na bagsak sa may pwet...naka polo shirt na nakataas ang kwelyo...okay sana no...kaso lang ang edad nya eh nasa 50+ na tapos mababa sya tapos may isa pang kaso...itinerno nya sa steeltoe boots na caterpillar...

oist wala pa ako sa pinas..inokray ka lang non...how i wish nandyan na ako...

Summer said...

Naks nga nman oo! wuehehehe..Ashtig! Malakas nga ang loob ng loko..At ang cute nman ng photo na ginamit moh..Ganyan ka kalalabasan nun hehehe. =D

Summer
A Writers Den
The Brown Mestizo

Mokong™ said...

hahaha...ang dami nyan dito...
makwento lang, ngayon uso ang akomismo dog tag..meron ako nun pero sa ngayon hindi ko na nasusuot bakit? maraming tambay dito at lasing sa kanto, may ganyan...hindi ba nila alam na ang akomismo dogtag ay para sa pagbabago ng pinas hindi pamorma lang?

poging (ilo)CANO said...

ayus ang porma niya. dapat pointed shoe na lang sinuot niya para mas badoy..lolz

princejuno said...

masasabi ko lang....

hahahahahaha

hahhahahahahaha

hahahahha...

kakatawa kc ung icedrop na japorms...hehe

matry nga minsan...
hehehe

m u l o n g said...

MARCO...parekoy kung ganuon ang uso di bale nang wala ako sa uso nyahaha, hirap sikmurain eh

DARKHORSE...yun ang mga tinatawag na makaporma lang kahit hirap na hirap lols.

XPROSAIC...oo nga yung parang sinasabit sa bulsa sa likod at bulsa sa harap ano? sana nilagyan din ng tussle

KOSA...yun pala ang di ko naisip. magandang eksena din ha...kunyari nasalubong ko, lilingunin ko paglagpas niya sabay sutsot at tanong..."pare may costume party kayo?"

abe mulong caracas said...

LORD...wow tretorn...meron pa ba nun parekoy? nagkakahalataan ng edad kasi ang mga bata di alam yang tatak na yan eh...

ooops di ko pala alam ang tretorn!

TSARIBA...hahaha pwede! ang baho!

HARI NG SABLAY oo nga ano spongebob get up pala yun!? sino tuloy ang kawawa, si squidword? lols

AZEL...sige tsong panindigan mo go go go sabi nga nila (di ko lang maalala kung sino mismo nagsabi) walang basagan ng trip!

POKWANG...subukan mo kaya ngayon sa germany kung papatok yung ganuong porma? malay mo maging trendsetter ka diba?

abe mulong caracas said...

SUMMER...oo pare ganyan kung sakaling pinagpapawisan na yung tao kung baga sa ice drop yun yung natutunaw na at di nadidilaan hehehe

MOKONG engr ako rin nuong dumadami na ang naka akomismo at halatang fake na ang iba, hindi ko na din sinuot yung dogtag ko! sayang ang ibig sabihin eh

POGING ILOCANO...with matching bling bling ano? ayos!

PRINCEJUNO...malamang matawa ka rin sa sarili mo kung na subukan mo hehehe

moongoddesslae said...

mapanlait. hihihi. kapayapaan po! *winks!
hayaan mo na masaya sya sa ice drop look nya.hehe.

The Pope said...

Bilib ako sa iyo, yan ang masasabi ko. Isa ka ngang blogger. Nabigyan mo pa ng pagkakahambing ang pagkabaduy na kasuotan at naikumpara mo pa sa ice-drop hahahaha. Galing mo bro, iba ka ka talaga, tunay na "naks naman".

God bless.

wait said...

Nays, nagustuhan ang pag gamit mo ing ice drop as metaphor. anlupet.
ayan napadaan ako.

namiss mo lng ako eh..
nyaahahaha

nice pose and post!

apir!

Random Student said...

pantulog kaya n'ya 'yun?

Anonymous said...

POrma mo pang bakla!! FITTED na SHIRT!