Saturday, August 1, 2009

Palit-Ulo

Narinig ko ito sa isang kabigan
(bagamat hindi word for word ha!)



Lord noong una po ay si Cardinal Sin

Ngayon naman po si dating Pangulong Cory Aquino.

Paano na po ang sambayanang Pilipino?

Kung mamarapatin po ninyo

Hiling sana nami’y palit ulo

Dalawa kapalit ng isa.

Si Tita Cory po sanay ibalik ninyo …

Kapalit si blank at si blank


naks®

dahil sa comment ni LordCM, tinanggal ko ang litrato at ang pangalan. (umurong ang bayag ko!) Fill in the blanks na lang hehehe


Dahil sa hiling ULET ni LordM, bumalik ang larawan
pero cartoons na...
hindi ko na sila makilala. Blank pa rin ang pangalan
kaya ituring mo na lang na isang blind item.

17 comments:

Lord CM said...

Putek ka Mulong!!!Baka mademanda ka nyan lolzz

Lord CM said...

May picture pa ang ayup!!! hehehe

Kosa said...

parang unfair naman.

ibinoto ko si Gloria nuong nakaraang election nuong kalaban nya si FPJ.

I am Xprosaic said...

Wahahahhahahha... at wahahahahhahah pa ulit!

Lord CM said...

Bwahahahaha!!!Langya kasalanan ko na naman? Ibalik mo lolzz

Lord CM said...

Seryoso parekoy, nakakakaba nga yung original na post mo...alam mo yun?kahit biro basta pagdating sa showbiz eh demandahan na...teka pulitika pala to no?!!! lolzz

abe mulong caracas said...

LORDCM...parang kinabahan ako bigla...boog boog (tibok ng puso!)

ooops umaatras ang bayag ko....

atras!!!!!

ayan tinanggal ko na!

KOSA...ganun ba? (yun lang parekoy!)

XPROSAIC...ilakas mo pa hahaha

LORDCM...bumalik na pero mga nagbagong anyo na sila

Lord CM said...

Hehehe :D Ayan, gumanda ang entry mo..

gillboard said...

Salamat pala sa pagbalita kanina.


nakakalungkot man, pero mahaba talaga buhay ng mga masasamang damo.

an_indecent_mind said...

nakibasa lang.. di ko alam i-comment ko e...

Abaniko said...

Sino kaya yang dalawa sa cartoons ang gusto mong matigok? Talagang blind item ah. :D

Pero talagang nakakalungkot ang pagpanaw ni Tita Cory.

The Pope said...

Nakikidalamhati sa pamamaalam ng isang Ina ng Kalayaan, Kapayapaan at Pagkakaisa na naging instrumento upang mabuksan ang pintuan ng demokrasya mula sa isang Diktatura.

Maraming salamat Tita Cory, puede bang palit ulo?

A-Z-E-L said...

"Eternal rest grant unto her, O Lord, and let perpetual light shine upon her."

Palit-ulo na nga lang po Lord...

Mokong™ said...

Bhwahaha! okay ka din umatras nga bayag mo sa pagbitaw ng mga pangalan..pero front liner yan sa larawan..obvious pare..hindi mo na kailangang mag isip pa...hahaha!

dencios said...

hahhaha. natawa ako sa wish at kung may nilagay ka na wala ng tanggalan at palitan. hehe. bakit ba e blog mo naman to :D

Mish said...

haha.. cool blog naman ito. medyo parang naalala ko kung sino yung may nunal na gaya nung sa isa, pero nde ko talaga maisip kung sino. hehehe... sobrang blind item.

dotep said...

sa presinto lang nangyayari yun...
hehe