Wednesday, August 5, 2009

Kagat-Labi


Hindi ito tungkol sa kanta na sinulat ni Joey de Leon at inawit naman nina Julia Clarete at Allan K.

Nakakatawa pero sabihin na nating mababaw ang luha ko. Hindi naman madalas, yun lang mga pagkakataong makabagbag damdamin talaga…kahit sa pelikula lang.

At para mapigilan ang pagpatak ng luha, kagat labi ang paraan.

Una kong napanood ang pelikulang “The Cure” noong college ako at naulit kamakailan lang sa internet. Tungkol ito sa dalawang bata na tumakas at naglakbay upang hanapan ng gamot ang sakit ng isa sa kanila.

Hindi kasi nadaan ang karamdaman sa mga dahon na pinapakuluan at ini-eksperimento nila. Kaya nang mabasa nila na may gamot na nadiskubre at makapagpapagaling daw sa sakit na aids, lakas loob silang naglakbay.

Ngunit nabigo sila. Hanggang sa namaalam na ang isa.

Pilit ko ring pinigilan ang pagpatak ng luha ko sa pelikulang “Pay It Forward.” Pinaka mabigat na eksena para sa akin nung dumungaw ang ina ni Trevor (ginampanan ni Haley Joel Osment) mula sa kanilang bahay matapos mailibing ang kaniyang anak.

Noon niya nakita ang mahabang pila ng mga taong may dalang kandila at bulaklak sa labas ng kanilang bahay habang ibinabalita naman kung hanggang saang lugar na ang narating ng prinsipyong “Pay It Forward” na kapag ginawan ka ng mabuti, huwag mo ibalik at sa halip gumawa ka ng mabuti sa iba upang ganuon din ang gawin nila.

Bigat sa dibdib kaya naka-kagat labi.

Siguro pangatlong beses ko nang panunood ng “Magnifico” nuong sa wakas eh natapos ko. Hindi ko kasi natatagalan yung pagkakataong ihahatid na si Magnifico sa kaniyang huling hantungan habang laman ng kabaong na ginawa niya.

Sa mga huling sandali ni Magnifico, isa isa namang sumusunod sa paghahatid sa kaniya ang mga taong tila hinaplos ng kaniyang kabutihan.

Nitong mga nakaraang araw, hindi ako nanuod ng mga palabas sa sine. Pero ang dalas kong magkagat-labi para mapigilan ang emosyon.

Kapag nanunuod ako ng balita, kapag may nakikita akong mga litrato o mga video clips na nilalapatan ng mga musikang inuugnay sa kaniya, ang hirap na hindi kilabutan.

Siguro dahil masyado akong naging mapanuri? At dahil siguro bumagsak ako sa larangan ng pamamahayag!


Isang larangan na hindi naman magiging malaya kung hindi dahil sa kaniya.


naks®




14 comments:

darkhorse said...

totoo ba yun kpag kagat labi mapipigilan ang luha? ...akala ko kpag kagat labi yun prang nasaktan ka pero tinanggap mo ng di halata - cguro prehas din yun...tc

gillboard said...

The Cure lang ang napanuod ko dyan... muntik na rin akong humagulgol dyan... yung eksena nung pagkatapos namatay nung anak.. tapos nakita nung nanay yung mag-ina sa kalsada...

John Ahmer said...

mahilig ka pala sa drama at mababaw pala luha mo. : )

an_indecent_mind said...

ok nga yung magnifico... yung the cure at pay it forward, di ko pa napanood...

pero sapul at tinablan ako parekoy sa "pursuit of happYness"... di kinaya ng kagat labi... tsk!

A-Z-3-L said...

LABAN kuya!

wag masyadong kagatin ang labi... papangit ka! lolz!

ako man, ngayon nanonood ako ng live streaming na nakakapakagat-labi. ang daming tao... :(

nga pala, naka-yellow ako!

SEAQUEST said...

magnifico & pay it forward lang napanuod ko yung the cure hindi pa, but I'll try to watch sabi mo maganda eh, pero kuya di nako nagkakagat labi hinhayan ko na lang kusang dumaloy, tulad ng panunuod ko ngayong araw na ito.

glentot said...

Aww hirap pa naman magpigil ng luha kasi sipon lumalabas...

Jepoy said...

hindi ko pa na papanonood ang mga pelikulang iyan

eMPi said...

hmmm... kagat labi lang pala ang katapat para di tuluyang lumuha... hehehe!

Jules said...

Para sa akin ang pelikulang Magnifico ang talagang nakakaiyak. Biruin mong ang lola nya ang ginagawan ng kabaong para hndi na sila magastus ng malaking halaga na tlga nman g di nila kakayin. Ay sya pala ang malululan nito. Isa ito sa mga pelikulang nakakapukaw ng damdamin. At sana may mga natutunan tayong mga aral sa mga ganitong klaseng palabas.

Salamat sa pambabahagi ng mga ito. =D At baka nman pwd moh akong isali sa mga kakulitan mong links jan?! =D

Summer
A Writers Den
The Brown Mestizo

Joco said...

hindi lang sa pagpigil ng pag iyak ang pagkakagat labi ko, mas madalas na kapag may dumadaan na isang angel sa harapan ko, madalas napapakagat labi ako at napapakapit pa sa poste hehe

Jerick said...

dahil sa title mo, parang gusto kong maunod ng eat bulaga for a change. para marinig yung song na yan.

princejuno said...

oo nga, kakaiba tlaga ung atake ng magnifico...

at siguro nga maganda rin ung mga movies na napakagatlabi ka...hehe

try mo Millionaires first love, korean movie yan... romantic, comedy, drama...fave movie ko ito...[^^,]

Unknown said...

wala pa kong napanood sa mga yun..
baka hinde na din, madrama eh.. hehe

kagat labi pag may chics!