Friday, August 7, 2009

Bugaw Daw Ako?


Isang strongly worded email ang natanggap ko kamakailan lang. Sulat na punong-puno ng reklamo at may gustong ipamukha sa akin. Napailing nga ako nung nabasa at nasabi tuloy…punong puno ka ng angst.

Minarapat kong i-post dito ang sulat at siguro kayo na lang ang bahalang humusga.

(dim lights at isang malumanay na music nga diyan….)


Mulong,

Hindi nako magpapaligoy-ligoy pa, itigil mo na ang mistulang pambubugaw na ginagawa mo sa akin!

Huwag mo sanang masamain pero gusto ko lang ilabas ang sama ng loob ko. Pakiramdam ko kasi isa akong pagkain na gusto mong ipatikim o produktong gusto mong ibenta kung kani-kanino.

Habang inilalako mo ko, nakabandera rin kung ano ang kaya kong gawin at kayang gawin pa kung sakaling pumasa ako sa panlasa nila. Talaga bang ganuon, halos ipagmakaawa mo?


Napapagod din ako. At dahil sa pagod na iyun, unti-unti ng nagreresulta ng lungkot.

Ang isa pang ikinasasama ng loob ko, gusto mo pa na foreigner ang kumuha sa akin.

Hindi ko na mabilang kung ilang foreigner na ang dinaanan ko pero wala ka namang napala di ba? Parang pang-iinsulto nga na tinitignan lang nila ako matapos ay wala lang. Mistulang hangin lang ako na dumampi sa kanila.

Ilang beses na ring nagbago ang anyo ko pero wala pa ring nangyari. Ikaw na rin naman mismo ang nagsabi na may ibang factor din silang kino-konsider. Pero hindi mo naman masagot kung ano nga ba yung factor na iyun na hinahanap nila?

May kasabihan nga di ba, kung hindi ukol, hindi bubukol.

Hanggang kalian mo ba ako ilalako?

Gumagalang…


(TINGNAN SA UNANG COMMENT KUNG SINO ANG NAGPADALA NG EMAIL)

naks®

40 comments:

abe mulong caracas said...

"Your Resume"


iyan ang nasa huling bahagi ng email na nabasa ko.

Random Student said...

hehe bipolar? hahaha. kape at sigarilyo lang katapat nyan abe... i'm aliiiiive!

p.s. wow, 10 years younger! siguro 'yan 'yung tea sa hapon.

HOMER said...

Kung hindi bubukol, kawawa ka naman ahaha! :D

pati resume pinagdiskitahan mo na ah haha!

Nice nice! :D

glentot said...

aww mulong, pa-check up ka na ha? hehehehe biro lang

Jepoy said...

may dim lights ka pang nalalaman! Buset! natakot pa naman ako akala ko bugaw ka talaga hihingi sana ako ng palipasan ng oras lolz

mulong said...

RANDOM STUDENT...perekoy im connecting the dots. mukang random din yata comment mo hahaha!

peace!

HOMER...yun na nga attorney kaya panalangin kong bumukol! wala siyang magagawa alipin ko siya eh!

GLENTOT...mukang may sapi ba? hehehe

JEPOY...ibang klase ka talaga jepoy, talagang magpapahanap ka agad ha. Pero pwede rin namang ihanap kita, sa halagang magkano ba?

Rhodey said...

aheheheks.... mahirap bang ibenta? anchuchay... hahaha... lagyan mo kaya nang laso, konting mek up, saka pag suutin mo nnag micro mini aheheheks...

tapos diretso ka sa psykayatris... hahaha...

gillboard said...

sasabihin ko sana sa call center mo ibugaw yang resume mo, kaya lang ayaw mo na nga pala ng panggabi.

parekoy, good luck na lang sa job hunt!

♥superjaid♥ said...

wahaha lakas ng trip!hehe kakaiba talaga mga tao dito sa blogsphero..hehe ang cooL!Ü

Kosa said...

hmmmm..

nauuso yata ngayun ang kakaibang trip.lols

Lord CM said...

Pre, baka kelangan mong lagyan ng ribbon ung resume mo para gumanda at pumasa sa panlasa ng iba...ung pink ah, o kaya red :D

princejuno said...

hahaha...
katawa din to...hehe

hindi ko expect na resume pala iyon...

pati resume mo, nakakapgemail sau ah...

may talent ang resume mo...
dapt lang na madiscover..

-juno hir

mulong said...

RHODEY...ang hirap parekoy kaya siguro nagreklamo na eh! walang tumatanggap!

GILLBOARD...oo pare sawa na ng panggabi kaya nga benta na benta ng resume eh

SUPERJAID...lakas tama, akoy nawawala. nawawala ang isip ko pag nakikita ka sinta!

KOSA...walang basagan parekoy!

LORDCM...papasa kaya iyon sa ibang bansa parekoy? Dapat ko bang sagutin ang email sa akin?

JUNO...yun na nga nga talented pero hindi naman matanggap sa ibang trabaho eh!reklamador pa!

The Pope said...

Patuloy mo talaga akong pinahahanga, pati resume may blog ka, at melo-dramatic pa ang gusto mo with matching dim lights at music, hahahaha. Isa kang tunay na blogger.

Purihin Ka Mulong.

I am Xprosaic said...

Naks! sige lang ng sige sa pambubugaw di maglaon kikita ka rin... jejejjejejeje

MarcoPaolo said...

hahahahaha! akala ko kung ano na... si Resume mo lang pala...!

Lord CM said...

Pwede mo naman subukan pre, pag tinawagan ka ibig sabihin....di ka pa tanggap lolzz natuwa lang sila sa ribbon mo hehehe...

wag mo sagutin email sayo pre, baka pagkamalan kang baliw lolzz

an_indecent_mind said...

cge brod, ituloy mo lang pambubugaw sa resume mo at sana next time e may bumukol na!

poging (ilo)CANO said...

karirin mo lang ang pambubugaw. magkakaroon ka din ng magandang kostomer na pasok sa panlasa niya at sa panlasa mo..

giling giling lang..lolz

dencios said...

mulong natawa ako haha

paglaruan mo din ang resume ko pls. haha

Solo said...

Wuehehehe..Grabe yan ah..tama nga nman si Resume..Kung kani-kanino moh na sya pinamimigay at mas inilalantad moh pa sya sa mga foreigner at yun parang wala lang..hahaha Walang tumatanggap.;D May talent ang resume moh, diba cguro nila kita yun hehe. ;D Good luck bro! ;D

Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

p0kw4ng said...

akala ko totoo ng bugaw..papabugaw na sana ako,hihihi..parang langaw lang ba...

Mokong™ said...

Hanep! akala ko bugaw ka na talaga tol..haha!

Joco said...

haha bugaw na bugaw ba ang dating mo? sige lang ibugaw mo lang yang resume mo, balang araw mahahanap din nya ang perpektong customer na pinapangarap mo..

abe mulong caracas said...

THE POPE...the best talaga ang mga comments mo. teka sabihin nila binayaran kita hehehe! joke lang. Peace bro!

XPROSAIC...kung ako lang sana si xprosaic edi sana hindi ako namomroblema ng ganito wahehe!

MARCO...akala mo si kat na ano? as in katrina...

LORDCM...kung di pasado ang ribbon, palitan natin ng mabangong papel naman ano?

abe mulong caracas said...

AN INDICENT MIND...bukol bukol ikaw ba ang uukol? iba na lang kaya pabukulin ko? mas madali pa!

POGING ILOCANO...kung madadaan lang sa giling-giling...haaaaay (buntong hininga) ang lalim nun!

DENCIOS...ha?

SOLO...oo nga eh hindi nila makita ang katangian ng minamamahal kong resume. di ko naman siya ibubugaw kung alam ko namang walang ibubuga eh! (pinatulan talaga!)

abe mulong caracas said...

POKWANG...ang ganda mo tipong hindi na kailangan pang ibugaw! ikaw pa ang mambubugaw ng mga langaw na dumadapo hahaha!

MOKONG...sa totoo engr. bugaw talaga kaso mga laos na yung mga alaga ko. hahaha

JOCO...kung sakaling matutulungan mong ibugaw...gawin mo narin at may porsiyento ka

espan said...

Nagtataka ako, bakit gustong-gusto kitang puntahan. Pampaalis ng tension. Ha...ha...

A-Z-E-L said...

ibugaw mo kaya yang resume mo dito sa bandang gitnang silangan... baka dito eh pansinin ng mga pana at patan... lolz!

goodluck sayo... sana makakuha ka ng mabait at generous na employer... hehehehe!

DRAKE said...

Pa add pre. add kita sa blog list ko!hehehe!

Oo nga bat di mo na lang ibugaw yang resume mo sa Middle East malay mo bumenta ka

Ingat

LORAINE said...

huwag naman sana, na pagtapos kong grumadweyt, eh magiging kapenpal ko din ang resume ko. lulz.

HARI NG SABLAY said...

haha bugaw din ako,kaso walang pumapatol sa binubugaw ko,lols

dylan dimaubusan said...

Kumusta na? Namiss kita? este ang blog mo.
Bugaw ka pala. Okay lang yan basta di tao. Mas mukha kang bata sa profile pic mo.. Haha!

Ingatz!

dotep said...

nakakalungkot nga yan, tapos pag ayaw nila kay resume...

itatapon na lang, tsk.

w.a.i.t. said...

Naks naman,
parang pelikula ah'
napa isip ako haha
APIR!

abe mulong caracas said...

ESPAN...salamat po, and buti at hindi kayo nakukulitan sa mga nababasa nyo dito hehehe

AZEL and DRAKE...dun ko nga laging inaaboy eh...sa dubai dubai sagot sa nalulumbay!

kaso hindi ko malaman kung sinong arabo ang naghahanap ng communication arts graduate hehehe! wala pa kong nabalitaan.

LORAINE...malamang hindi nga sila magka penpal pero may chance na maging textmate o kaya magka-ym sila lols

HARI NG SABLAY...isang bagsak parekoy kahit mukhang magka-iba ang binubugaw natin!

DYLAN...buti pa tong si dylan ni namom-roblema sa resume nya hehehe. kumusta na buhay abroad?

DOTEP...at kalaunan gigilingin na lang si resume!

WAIT...parang pelikula ba? sa dilim ang setting hehe

kuri said...

pucha, kala ko kung ano na. nadale mo ako dun ah.

nice one pare!

salamat nga pala sa pagcorrect ng title ng paborito kong videoke song.

siyetehan said...

ilagay mo kaya muna sa loob ng cake yung resume para hexcciting!

darkhorse said...

Mulong - mabagsik ka talag napabasa mo ako ng blog mo hahaha...shhh iba kc topic mo di ko lam kung para kanino o galing kanino kaya yun nagbasa ako...tc Dre! writer ka no?

kumagcow said...

Kung taga QC ka pasa mo saken madami akong alam na callboy at call girl if you want :) callcenter I mean hehe