Halos paubos na ‘yung pangalawang case ng red horse na binili ni Pareng Fred (seaman siya at bagong dating) nang umingay ang inuman noong Linggo. Merong deadma lang sa nagkakaingay pero dahil sa amin mismo naka-pwesto, kailangang isa ako sa pinaka maingay.
Alam kong mabibitin kaya nagpabili ako ng isang kahon pa (naks!) Pampasarap ba sa kwentuhan!? Malamang kasi na manlumo kami kapag wala nang maitatagay habang nagpapataasan pa lang ng ihi.
At ang dahilan ng masigabong sigawan…dyan – dya – raran…MAGIC!
Hindi ko alam kung dahil na-betsin kami dahil sa pulutang sigig at adobong isaw ng manok kung kaya mala sabungan ang eksena. Parang lahat kasi gustong sumigaw ng lo-jis sabay kumpas ng mga kamay!
Kung bakit naman kasi namulutan ng may mantika eh sanay naman ang mga bituka namin sa mani, chicharon at Tempura. Edi ayan tuloy, mukang nawala kami sa hulog.
Teka hindi nga pala Tempurang Japanese food ha. Yun bang mumurahing fish cracker lang na malaki ang lalagyan.
Partikular na tinutumbok ng debate kung sino daw ang mas magaling…Si David Blaine daw ba o si David Copperfield? Ayos ano?
Dahil naniniwala akong medyo kahawig ko si David Blaine, sinabi ko na siya ang mas magaling. Isa pa, street magic at walang camera trick ang gimik niya. Kahit sino pwedeng maging subject at kahit saan lugar, nagpapakitang gilas.
Mistulan namang mga kamag-anak ng isa pang David si Attorney at si Pareng Jo (kapatid ni Pareng Fred). Kulang na lang yata eh sumuka na sa harapan namin maipagtanggol lang ang idolo nila.
Sino daw ba ang makakaulit nung nawala ang Statue of Liberty, ang isang helicopter habang nasa isang entablado at magpalitaw ng lumang barko sa Bermuda Triangle!?
Nag-uumapaw sa kwentuhang magic ang harapan na para bang kilala namin ng personal ang dalawa. Baka kung kaya lang naming i-text si David at si David eh ginawa na namin para utusan silang magpakitang gilas!
Tulad ng dati, may magpapatalo ba sa usapang lasing?
Buti na lang at bumanat ng isang malupet si Tupak. Sa kaniya pala natapat ang magic tagay na magpapahupa ng sigawan at mauuwi naman sa tawanan.
Pagkatagay ba naman eh nanggalaiting sinabing “mas magaling si David Pomerans!” Sabay dugtong pa ng “sino ba ang kumanta ng Got To Believe In Magic!?”
Oo nga naman. Laban ka?
naks®

27 comments:
I second the motion kay tupak!
Kung minsan nakakaaliw makinig ng usapan ng mga nagiinuman. May mga camera tricks din si Blaine, pero marami kasi syang stunts na out of this world... Karamihan kasi sa magic pabilisan lang ng kamay, pandaraya ng mata...
Pero kay David Pomeranz ako.. Wehe.
hindi ako na niniwala sa mga magician na yan, LoL
kay david blaine ako. kasi yung ibang magic tricks ni david copperfield nareveal na,camera tricks nga lang,yung kay david blaine parang black magic,mesa-demonyo ang pucha.
astig yung babaeng tinanggalan niya ng ngipin tas paghipan bumalik ulit,diko lang lam kung ksabwat niya yun.pero nanlaki mata ko dun.
DYLAN...patok di ba? gusto ko ngang sabihin sanang siya rin ang kumanta the old songs, born for you at dito na alng siya sikat sa pilipinas eh.
baka naman sapakin ako ni tupak hehehe
JEPOY...tama, wag kang magpapaniwala sa kanila!
HARI NG SABLAY...hindi ko alam yung sa ngipin pero malamang pinag-aaralan na yan ni berwin meily hehehe
wala ka sa kilala kong magikero. Astig at mamangha ka talaga sa kanya. Kilala mo ba kung sino sya?Sya ay walang iba kundi si ...............PGMA. Ano laban kayo sa magic nya?hehehhe
Ingat
May topak si Tupak.
Kuya drake, sa lahat naman ng magikero, sya lang ang di nakakaaliw..nakakabadtrip sya,haha
david blaine ako..bilib talaga ako dun, black magic na ata gamit nun eh, putulin ba naman nya yung katawan nya ng walang takip takip, in front of real audience..
uy kuya di na kita nakikita sa gma. hehe.
maggaling na magikero yan mga yan! may isa pa akong naisip pero dko matandaan name nya pero taga LV sya...David blaine n lng...saya ng mga fren mo dyan tC Dre!
DRAKE...as eh walang katulad yan, todo ang powers nun eh.
sa pagkakaalam ko sa kaniya daw ibinulong ng mga sinaunang salamengkero ang lahat ng kanilang kapangyarihan eh.
GLENTOT...hahaha barkada ko yun!
SUPERJAID...eh kay david archuleta at david cook? lols
JOSH....nandyan lang ako sa tabi tabi, nagyoyosi, nagkakape at kung anu ano pa!
DARKHORSE...LV? Los Vanos? hehehe!
meron yung kaibigan ko nung barya na nakakagat tapos nababalik sa normal. yung ginagamit ni david blaine... hehe
di nga lang niya magamit dito, kasi US coin...
lols.
iba talaga ang nadadala ng kwentong lasing madalas sa amin nun, nasusundan yan ng saksakan at basag ulo.
pero ayus naman basta walang bayolenteng kasama.
iba ang hirit ni Tupak ahhh. makatagayan nga sya minsan.
Nyahahaha, yun lang!!!napatawa mo na naman ako :D
ayos ang banat ni Tupak ah.... lolz
ok sa hirit c tupak!
wehe!
david blaine ako..
Wuehehe..xmpre kay David Pomeranz ako. Bkit kamo? May daya ba pag kumakanta sya ng Got to believe in magic? ahahaha
Summer
Writers Den
Brown Mestizo
ayos sa debate! ayos sana kung habang nagtatalo biglang ipadidisappear ang kalaban! kaboom! he he. lasing na rin yata ako.
mahulig ako sa magic at nag aral din ako ng ilan..pero sa tuwing natututo ako at alam ko na yung tricks..nabubwisit ako dahil ganun lang pala kadali yun..minsan nga isa o 3 araw lang weh ituturo ko na sa iba...hehehe
hindi ako mahilig manood ng magic..parang inuuto lang kasi ang tao...pero sa usapan ngayon eh parang gustong sumilip sa mundo ni blaine,hihihi
mukhang konti ang nahigop na vetsin ni topak,hihihi
GILLBOARD...ok sana magmayabang ng ganun ano? kaso nga lang ang kailngan US coin pa hehehe
KOSA...madalas nasusundan ng saksakan at basag ulo pero ayos naman basta wag lang masusundan ng bayolente...ano ba talaga kuya?
hehehe! di ba bayolente ang saksakan at basag ulo? lols!
LORDCM...sige parekoy tawa lang!
MARCO...out of nowhere ang hirit ano? para bang litanya ni joey de leon na wala kayo sa lolo ko!
INDECENT MIND...marami pa yan pare, pangkariwan lang yung ganun!
SUMMER...tama ka, wala nga namang camera trick sa pagkanta ng Got Top believe di ba?
pero mas magalling daw siya sa candles burning eh!
R-YO...parekoy may bagong bar/inuman sa tapat naminj...anng pangalan kaboom.
malamang dun ka nainom hehehe
MOKONG...ang mahirap pa kamo, kahit hindi pa masyadong kabisado, ipagyayabang na tapos biglang mahuhuli yung daya hehehe
POKWANG...malamang nga kaya di siya nakasakay sa usapan namin hahaha
oo nga puta. mas magaling si David Pomeranz. hahahaha.
Hay naku! Sino ba nmang di mamamangha kay Pomeranz.. hahaha Usapang may alak nga nmn hehehe. ;D
Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
none of the 2 ako, kay tupak ako, hirit pa lang wala ng sinabi yung mga magic nila dapat pinakanta mo na rin tutal tinopak na rinlang c tupak eh...lols
haha.. lab d' last part... kanta na lang... "you've got to believe in magic...."... ingatz kuyah... Godbless! -di
Kay David Dachovny ako, F-files na sex-files. haha
pero tsong malamang kahanay nila si david cook.. :))
magikero din ba yun? hehe.. joke.. pag usapang lasing eh walang mananalo.. :))
Post a Comment