Saturday, August 22, 2009

Mainit Ka Din Ba?

Sabi ko nuong ika-100 kong poste(?),sige 100th post na lang…

“Pero ang nakakatuwa dito, habang naghahasa ako, napabilang ako sa parang komunidad ng mga blogista bagamat hindi naman talaga magkakakilala. ‘Yun bang akala mo, magkakapitbahay lang na nagbibigayan ng ulam.

“Yun nga lang, may ibat-ibang obserbasyon tayo sa ating mga kapitbahay bagamat tuloy lang ang pagsasalo-salo sa handaan.”


Sa mga nababasa ko ngayon, napagtanto ko na hindi lang pala ibat ibang obserbasyon ang nangyayari sa komunidad na ito. Meron din palang batuhan ng mga panis na ulam mula sa handaan.

Ang tanong na lang ngayon, sino ang mas mangangamoy panis?


Kahit binabasa lang, ramdam at nanunuot ang init ng apoy na nagpapakulo sa dugo ng ilan.

Ayoko sanang makisawsaw!



Iyun nga lang galit din ako kaya hindi ko maiwasan ang magpahayag ng mga verb na may tatlong exclamation point. Siguro tulad nila umuusok din ako. Kailangan ko iparamdam kung ano man sinasaloob ko.

Isipin mo na lang na kumukulo ang dugo ko at hindi pa umiinom ng


Para na kong titing galit
Na konting salsal na lang…
Mapapaigtad at lalabasan.
Kaya ‘wag mong ipilit
Mga ugat nito’y gumuhit
Dahil kapag nagkataon
Sasambulat sa mukha mo
Ang katas ng galit ko!!!


‘Wag madumi ang isip.

Sundot lang yan sa mga hapunan ng ating butihing Pangulo sampo ng kaniyang mga alipores. Kasi naman, lumalabas na 37 million at hindi lang pala 19 million ang nilustay nila duon?

Sino ang hindi manggagalaiti?

Para silang mga sepulturerong humuhukay ng mga sarili nilang libingan. Magbabayad din sila.

naks®


18 comments:

dencios said...

37 million?? potek! pampagawa na din iyan ng school sa mga malalayaong probinsya a.

tsk3.

buhay nga naman, nakakaburaot talaga. di mo alam hinahagisan kana ng panis na ulam. at tayo namang si mangmang nalalason na di pa natin alam

gilbert said...

kapal nga ng mukha nila... sabi pa nila na maliit lang yan compared sa naipasok nilang investment sa Pinas...

my ass!!!

=supergulaman= said...

...sayang inde nila ako sinama...ano kaya ang lasa ng kinain ng pangulo at ng kanyang mga alipores.... mejo mahal sya ha? inpeyrnes... ahehehe... (*kalmadong komento*)

Dhianz said...

...graveh naman... haba nang komentz eh noh.. lolz.. natawa naman akoh kay kuya bhoyet aka superG... kalmadong koment 'un.. lolz...eniweiz haller kuya mulong... mustah?.. ingatz. Godbless! -di

♥superjaid♥ said...

toot toot toot..37 million??shucks!!naman talaga o, wala daw un sa halaga ng naipasok nya sa pinas, na ibubulsa din naman nya, tae!

ACRYLIQUE said...

Potah, katumbas nun 37 milyong galit na titi ang sasambulat sa kania. Grabe ha.

Magkanao kaya ginsatos nya sa boobs nya?

Kosa said...

hindi ko alam kung para ba to dito(sa blogosperyo) o doon sa labas(gobyerno).

hindi na nga lang ako makikialam, galit yata lahat ng tao dito..lols

napadaan lang parekoy

Mokong™ said...

Nakakagulat na dinner yan..sana DINNERrecho na lang nila sa taong bayan yung gastos na yan!!! tsk tsk tsk...sarap palang maging corrupt na pulitiko..instant yaman ka pala...kaya pala madaming naghahangad tumakbo sa pulitika kahit yung iba walang alam...

m u l o n g said...

may nagtanong na parang tanong din ni kosa...

ang sabi ano daw kaya yung bali-balita na yun hahaha

ikot ikot mga kaibigan sa ibang bahay para malaman kung anu ang naging pampalasa sa post na ito hehehe

peace sa lahat!

ano nga ba yung famous line? make love not war nyahaha!

vonfire said...

aay ang cute naman nung sagiing!...hi! hi!

A-Z-E-L said...

putek ka... ayus na sana ung unang photo.. sinamahan mo pa ng saging! kakaiba yan... anong pinagkaiba nyan sa normal na saging ha kuya????

anyways, let there be peace on earth... at sana 2010 na para eleksyon na! baka umabot pa sa 300 million ang lustayin nila!!! awa naman sa taong bayan!

p0kw4ng said...

di na din ako sasawsaw dyan..tangina nila!

di talaga ako sasawsaw at takot na maduraan ng titing galit!

DRAKE said...

hayaan mo bro, kukunin din sila ni Lord, kunh hindi man , eh ipapakuha na natin sya ngayon.

an_indecent_mind said...

ano kayang lasa ng 37 million worth na pagkain parekoy?

matunawan ka kaya?

SEAQUEST said...

Sabi nga sa news 37 million ang nagastos nia sa pagpunta sa america pero hindi lang yun sa pagkain pinakamalaki kasi yung sa hotel, airplane & foods expenses but still malaki pa rin talaga yun lalo pa at malalaman nating sa kaban ng ating bayan nun nagmula lakikaya ng tax ko noh tapos cia pasarap lang, buti di cia nabulunan ng saging na tate hehehe...

YanaH said...

asahan nating mas marami pang mahuhukay sa kailaliman ng balon ng kasalanan habang papalapit ng papalapit ang eleksyon..

Hari ng sablay said...

anak ng! eh 37 years ng mabubuhay ang angkan ko nun eh,

glentot said...

Ang ganda ng tula....