Wednesday, August 19, 2009

Parte List

Hindi ko talaga maumpisahan ito sa ibang paraan kundi sa…natawa talaga ako sa Alyansa Sabungero na nagtungo sa Comelec para daw magpa-accredit bilang isang party list group.

Maliban pa sila ibang grupong nakasabay nila at iyung iba pang nagpupulong-pulong ngayon na siguradong susugod din sa Comelec sa mga darating na araw.

Ayan kasi, malamang kasalanan ito ng dalawang Party List Congressmen na umamin na nakasama ng ating butihing Pangulo sa kanilang magarbong (huling) hapunan sa Estados Unidos.


Edi ayan, pati tuloy grupong kinabibilangan ni Mang Tacio at Don Patrick Antonio eh gustong maki-party este…maki-parte sa pera ng gobyerno.

Ayoko namang maliitin ang nasa loob ng mga bungo ng mga sabungero, dahil once upon a time eh nahilig din ako sa tupada (kahit ginugulangan kami ng Kristo namin.) Kaya lang, ano naman kayang panukala ang ihahain ng Alyansa Sabungero Mababang Kapulungan kung saka-sakali?

Alam ko na. Bigyan ng pagkakapantay-pantay ang lahat ng manok na panabong na kumain ng Thunderbird? Kasi daw ang iba eh ordinaryong mais at conditioner lang ang nilalantakan.

Pwede rin siguro nilang isulong na mabigyan ng health insurance ang mga kristo at sintensyador? Panalo ano?

Batay sa Republic Act 79-41 o ang Party List Act, maaaring tumakbo bilang isang sectoral group ang mga grupong kumakatawan sa isang "MARGINALIZED SECTOR"

Abe eh kung ganiyan pala, at dahil pinangunahan na ng Alyansa Sabungero, hindi nakapagtatakang habang bumabarik ngayon ang mga sunog baga, pinag-uusapan din nila ang pangangalap ng pirma at tantyahin kung pwede silang sumabak sa darating na eleksyon!?

Sa dami nga naman ng manginginom, pihadong mas llamado sila sa mga sabungero!

Wag ka ring magtaka na may makikita kang streamer sa kung saan na may nakasulat na “SUGAROL---PINAGKAISANG SAMAHAN NG MGA MAHJONGERO, NAGTO-TONG-ITS AT NAGSASAKLA.”

Susugod din daw sila sa Comelec bukas! Naku po nalintikan na!

Mukang kailangan ko nang tawagan ang mga dabarkads ko lalo na sina Fernando Zobel de Ayala, Lance Gokongwei at Henry Cojuangco. Hindi kami dapat magpahuli.

Patok kayang party list name ang “ANAK MAYAMAN”?


naks®

29 comments:

dylan dimaubusan said...

Naddistract ako sa background music, kaw ba kumakanta?

Anung ginagawa ng nagsasakla?

Nice song and voice btw..

mavs said...

hahaha...
i love the way the issue is treated...
thumbs up for u pareng muLong...
hahaha...
palagay ko,
papatok ang party list nyo...

Kosa said...

di ba may criteria din ang pag-aaprubra sa mga partylist? kaya malamang sa malamang hindi yun basta maaprubahan... depende nalang kung...alamuna! lols

taena.

kung sakasakali eh, pwede ba akong makisali sa dabarkads nyo? hehe. hindi man ako mayaman sa pera, mukang mayaman naman.

abe mulong caracas said...

wish ko lang na sana nga eh boses ko nga iyan

ang nagsasakla eh iyung mga nagsusugal ng sakla, mga baraha iyung nakalatag sa lamesa tapos tinatayaan ng pera..malakas na sugal ito

wag mo nang pag-aaralan! hehehe

MAVS...salamat po. patok di ba kasi may anak pawis, anak bayan, why not anak mayaman?

KOSA...yap parekoy may criteria kaya nga nasa accreditation process pa lang depende kung papasa sila.

kung sasali ka sa amin, we to consult with our lawyers first. lols!

darkhorse said...

wow may ganito plang nangyayari...tsk...tc

♥superjaid♥ said...

natawa na lang rin ako kagabi ng marinig ko to sa news kagabi, at ang masasabi ko lang, nababaliw na sila!wahaha

gillboard said...

may balak ka bang tumakbo? pwede kang pulitiko. hehehe...

sabi ko nga, la pako karapatan magreklamo sa gobyerno at di pako bumoboto...

r-yo said...

hay...ginawa na talagang kalokohan ang party list system. pinoy talaga, kahit anong linis ng intensyon ng batas, nagagago pa rin sa implementasyon.

abe mulong caracas said...

DARKHORSE...oo my friend at baka hindi lang ganyan ang mga susunod na kabanata

SUPERJAID...nababaliw? oppps ikaw nagsabi niyan ha!? hehehe

GILLBOARD...nakow maaga akong nag resign sa pulitika matapos akong tumakbo sa SK elex dati hehe

R-YO...sa wakas nga pare may puntong sinang ayunan akko kay sen lacson. naba-baboy daw aksi ang party list act tsk tsk tsk!

pugadmaya said...

nakita ko din 'toh kahapon sa diyaryo..pero "crap", naisip ko..buti na lang nabasa ko din dito..hehe..ano nga kayang batas at karapatan ang ipaglalaban nila?

newey, lilipas din 'yang issue na 'yan..mas nakakabahala pa din 'yung milyong piso na ginastos nina gloria sa magarbong chibugan nila..

DRAKE said...

Pwede bang magtayo ng SUNOG-BAGA Party list?hehehhe

Mukhang gaguhan na lang ang nangyayari sa kongreso parang sabungan!hehhehe

Hari ng sablay said...

haha anak ng tokwa pati sa mga partylist may kampon si eddie gil? sino naman ang magiging pinuno ng mga to? si pacquiao? pero hindi nga natin alam ang kanilang hangarin, pro ano man yun,bahala sila,haha

Lord CM said...

pwede ba tayong pa accredited parekoy? mga blogero naman lolzz

p0kw4ng said...

ahahaha ang mga pang gulo...madami pang susunod dyan sigurado yun!

Mokong™ said...

Isang masigabong clap clapan para sa post na ito...hahaha! nice tol~~~

ACRYLIQUE said...

it is a PARTEY!

I love the Across the Universe spng. :)

The Pope said...

Kaya gustong gusto ko tumambay dito sa blog mo hahahaha, laging masaya at sumasalamin sa ating lipunan.

Great post bro.

vonfire said...

hay naku bastaa!...sana makapasa ang LADLAD! :}

abe mulong caracas said...

PUGADMAYA...malamang nga lilipas din yun, siguro mga natalo sila sa sabong nung nagpunta sila ng comelec, baka pag nahimasmasan eh magbabalik din ang katinuan nila.

DRAKE...merong nagbabalak parekoy. actually matagal nang gaguhan sa kongreso, sabagay mukha nga naman palang sabungan din ang kongreso.

puro naka barong at amerikana nga lang ang naglalaro

HARI NG SABLAY...hahaha eddie gil ba? nasan na kaya siya.

malamang sa mga darating na araw, babangon si eddie gil para muling magpromote ng kaniyang dating album at ipalalabas muli ang kaniyang makasaysayang pelikula.

LORDCM...di hamak naman yatang mas may karapatan tayo sa kanila di ba? o game na?

abe mulong caracas said...

POKWANG...at maraming beses pa nila tayong patatawanin at paluluhain sabay buntong hininga!

MOKONG...sabay kaway sa lahat ng pumalakpak!

hahagisan ko kayo ng maraming kendi pag panahon na ng kampanya

ACRYLIQUE...from the movie "i am sam"

THE POPE...lakas ko talaga sa iyo parekoy!

VONFIRE...will prof danton remoto make it this time? abangan ang susunod na kabatana!

SuperGulaman said...

.....ahehehe...gusto kong matawa pero hindi...aba aba...chance kaya yun...aheks...ganun yata ang pinoy..kahit imposible...gagawin nya itong posible...

...pero sa pagsali ng mga sabungero sa pulitika, hindi natin sila masisisi dahil wala naman tlagang boses na nagtatangol sa kanila sa kongreso... :D

Jepoy said...

Hindi ko sila iboboto! lolz

A-Z-E-L said...

susmaryosep at totoo palang magsasabong na talaga sa Kamara pag nagkataon!

malapit na tayong bansagang: "BANSANG SUGAROL SA ASYA"

god bless philippines!

Summer said...

Wuahaha..Ang ashtig nmn ng party list moh hahaha. Patok! At ganda ng pagkaka-construct ng post moh. =D

Summer
Writers Den
Brown Mestizo

Arvin U. de la Peña said...

mula sa iyo ay nais kong maipaabot ito para sa isang tao na sumisira sa blog ko at nagsasabi ng di maganda sa shout box ko..gumagamit ng ibang pangalan..pasensya na..


Paano iyan lordcm mayroon na akong Live Traffic Feed, ang aking detector..at nagulat ako ng malaman ko dahil sa pag message sa shout box ko na ikaw, si diyos ng blogsperyo, si bazooka, anonymous, at anonymous 2 ay iisa ang pinanggalingan.

ang blog mo na lordcm ay may ibig sabihin na panginoon..at ang diyos ng blogosperyo ay ganun din parang sa panginoon..nahuli na kita..wala ka ng kawala sa akin..ang tanong ko bakit mo ako ginanito? may masama ba akong nagawa..mula ng maghandog ako ng tula kay chikletz at doll, at sa isa pa ay may mga sinabi ka ng di maganda laban sa akin at dinadaan mo sa ibang pangalan..nagkukunwari ka pa..

dahil doon ibig sabihin lang na may pagnanasa ka kay chikletz, kay doll, at sa iba pa na hinandugan ko..nagseselos ka dahil hinandugan ko sila..hindi ka pala tapat sa iyong asawa..sabagay hindi rin natin alam kung ang asawa mo ay tapat sa iyo. malay natin baka habang wala ka ay kinakaliwa ka dahil ganun ka rin naman sa kanya..tama ba ako lordcm?..

may anak ka na aspiring writer..ewan ko lang kung makaya niya na magsulat ng tungkol sa iyo..humanga pa naman ako sa sinulat ng anak mo..pero sa iyo parang nawala na ang pagtitiwala ko sa iyo..damay damay na lang ito lordcm..humingi ka ng tawad sa akin at sa lahat kung nais mong wala akong masabi na di maganda sa iyo..

lordcm para sa iyong kaalaman di ako takot sa iyo at sa iba pang bloggers..alam ko pinagtutulungan niyo akong pabagsakin..di niyo ako kaya..para sa inyong kaalaman para kayong pumasok sa isang kuweba na nandoon pala ang isang tigre na handang lumapa sa iyo..

bakit? how come you do that to me? bakit sinasabihan mo ang mga bloggers lalo na iyong mga kapwa mo OFW ng di maganda laban sa akin..isa kang taksil na KABLOGS..ikaw nga ang pasimuno pero para kang balimbing..katulad ka rin ng ibang mga politiko na kapit tuko talaga mas maimpluwensya..

lahat na nagsabi ng di maganda sa akin ay mula sa iyo..nalaman ko dahil dito sa aking detector..mahirap kitang mapatawad lordcm..sobrang masakit ang idinulot mo sa akin..ipinahiya mo ako kaya dapat lang na mapahiya ka rin..
matindi pala ang iyong pagkagusto sa mga hinandugan ko ng sinulat kaya gayon na lang ang panlalait mo sa sinulat ko..sinabi mo na maganda si chikletz, at si doll pero ang problema ay ang tula..nandiyan iyan sa shout box ko huwag ka magsinungaling sinabi mo iyan..isa kang hunyango na mapagpanggap..

inumpisan mo ito ikaw na rin ang tumapos..nais kong magsisisi ka at humingi ng tawad sa nakakarami at dito sa shout box ko..kawawa naman ang asawa mo di ka pala tapat..siguro diyan marami kang babae na iyong pinaparausan dahil wala nga ang asawa mo..ayoko ko sanang sabihin ito dahil offensive pero isa itong blog..malayang isabi ang nais sabihin..di po ba lordcm?

Lahat ng magsasabi ng di maganda ay ikaw na ang suspek..dahil pwd ka na mag utos sa mga blogger na mula ibang bansa para siraan ako..isa kang maninira na tao..

mag sorry ka para mapatawad kita..

SEAQUEST said...

Hahaha, magcocomment ako bigla ako may nabsa ang haba, pero di ko pinagkaabalahan pa wehehehe, peace out! anyaway, ewan ko ba dumarami yang party list na mga yan..panggulo lang din yun iba...pero natuwwa ako sa post mo hehehe...

espan said...

Nakakatawa pero totoo. When will this country learn? Haaaaayyy!

hector said...

actually, over represented na nga ang mga sabungero sa kongreso eh.

ilan ba sa mga lawmakers natin ang hindi nagsasabong?

siyetehan said...

ginawan ko rin ng entry yan. at nakaisip na rin ako ng party list na ipapasok ko sa congress.

ANAK NG JUETENG para sa mga kubrador, kabo at mananaya ng jueteng.

sayang di ako umabot sa filing