Bilang paggalang sa mga namimigay ng kung anu-anong papel sa mga mall, istasyon ng MRT at iba pang pampublikong lugar, kinukuha ko kung ano man ang inaabot nila.
Ke credit card pa yan, cash loan, discount sa motel o kung anu pa mang papelitos… tanggap lang.
Iyun lang kasi ang nakikita kong paraan para di naman sila manliit sa trabaho nila. Iniisip ko kung ako kaya ang nasa lugar nila, ano ang mararamdaman ko kapag dine-deadma nila ako eh papel lang naman ang binibigay?
Kaya ano ba naman yung abutin ang binibigay nila, basahin at pagkatapos eh ibulsa.
Pero sa lahat ng papelitos na mga nakukuha ko, (NA SANA EH NAGIGING PERA PAG NAIPON) yung mga tungkol sa bahay ang nagtatagal sa akin. Yung iba, nakakarating pa sa amin at talagang pinag-aaralan ko yung mga modelo ng mga bahay.
Wala lang. Ang sarap kasi sa pakiramdam tumingin ng ibat ibang klase ng modelo ng mga bahay. Tapos pagaganahin ko yung pagiging malikhain ko (naks!). Iko-combine ko halimbawa yung dalawang modelo.
Pero bago ang lahat, sinisipat ko din yung location map. Malapit ba ang subdivision sa palengke, simbahan, sa eskwelahan o sa main road?
Aba siyempre, magpapagawa ka na rin lang ng bahay eh siguraduhin nang may masasakyan. Baka mamaya, maganda nga ang bahay tapos limang kilometro pala ang lalakarin bago makakita ng gulong.
At higit sa lahat, tantyahin ang budget!
Maron akong naitabing design na hindi naman kagandahan pero pwede na sa panlasa ko. Kung tutuusin nga, kung ikukumpara sa mga bagong design ng mga bahay ngayon eh baka lumang style na tong Queen Sophia na ito.
Ang isa pang nagustuhan ko sa perspective image ng bahay eh walang naka park na kotse kahit may garahe. Kasi naman kung may kotse ang litrato baka isama sa bentahan, patay tayo dyan pag nagkataon!
Bagamat may kotse sa floor plan, madali na yung burahin! Palalagyan ko na lang ng liquid paper sa architect.
Ayos diba? May banyo sa ibaba at sa itaas ng bahay, tatlo ang kwarto, hindi magarbo ang disenyo. Parang pang simpleng pamumuhay lang!
Sa halaga nitong P1,609,920.00 mababa na ito kung ikukumpara sa ibang mas sopitikado.
Iyun nga lang, matagal na panahon at maraming taon pa bago matupad ang pangarap kong magkaroon ng ganiyan. Pero kahit papaano, nandiyan lang ang pangarap!
Nakapanlalambot nga lang ng tuhod kapag nabalitaan mo na ang Pangulo ng bansa kasama ang ilan pang mambabatas eh naghapunan sa Amerika na mistulang ginto ang mga kinain.
Sa kabuuan ng dalawang hapunan, gumastos sila ng $35,000 o humigit kumulang P1.7 million pesos.
Ang hapunan nila, kasing halaga ng bahay na pinapangarap ko…samahan mo pa ng ilang bagong appliances, sofa, dining set at isang kabang bigas!
Haaay buhay!
nakam-putcha®

28 comments:
akala ko naman, nakalipat ka na ng tahanan... honga, nakakapanlumo na ang pangarap mong tirahan, eh dinner lang ng iba dyan...
abot kamay ang pangarap...
materyal na bagay lang yan parekoy. may mas... pa dyan.
pero maganda ang floor plan ahhh.. sabi mo nga simple pero astig..
lols.. natawa ako sa sinabi ni Gilboard---tama sya.hehe
at sa pagtanggap nga mga papelitos..apiiiir tayo dyan parekoy..
ganyan din ako
Onga noh! nung lumabas ang dinner issue ni PGMA ay hindi ko masyadong pinansin pero nung binasa ko ang entry mo na realize kong, nag papakahirap tayo ng ilang taon para lang makabili ng simpleng bahay para sa pamilya, samantalang sya ipang dinner lang ng mahaderang bansut na'yon. SANAMABITS!
GILLBOARD...kung lahat lang ba tayo natutupad ang pangarap na magkaroon ng disenteng bahay, bakit ba tayo magpapaapekto sa kinakain nila?? kaso pangarap ng marami ang halaga ng kinain nila.
KOSA...materyal? ganun ba ang interpretasyon mo parekoy? babaw naman. or hindi mo binasa?
kung tama si gillboard...tama din ako.
JEPOY...dagdagan mo pa jepoy "PAKYU KA!" hehehe
Yan ang gusto ko sa mga post mo eh, halos buong post introduction lang at nasa huli ang talagang dapat tumbukin ng istorya :D
Brod pakisabi kina GMA, TAENA nila!!!, nasa abroad kasi ako, mahal ang long distance lolzz
nagkakawrinkles ako kapag nakakapanuod, basa, or rinig ako ng mga ganyan, haaay naku..hmpft!anyway, maganda ang floor plan..at tungkol sa mga papelitos, apir tayo dyan!hahaha ganyan din ako,Ü
***na-guilty naman ako sa papelitos na yan... minsan kasi di ko tinatanggap hehehe! SOrry naman!
***Simpleng bahay para sa simpleng mamamayan.... ayos yan parekoy! Pangarap ko ring magkaroon ng sariling bahay.
***Oo nga... buti pa sila kumakain ng pagkain na kung tawagin nila ay "gintong pagkain".... hhaaayy buhay nga naman!
one thing i like into ur blog is that u have a nice choice of song in the background. keep it up! :}
LORDCM...minsan parekoy ililigaw kita, mahabang introduction tapos mare-realize mo introduction lang pala hehehe
SUPERJAID...wag mong hayaang magka wringckles ka, extraderm lang katapat niya lols! isang bagsak dyan!
MARCO...hayaan mo pare, pag nabulunan sila dun na sila matiti...g...o...k...
VONFIRE...yun lang, sounds trip muna tayo hehehe
Wow ang ganda nga ng iyong dream haus, kaya mo yan wag ka lang kakain sa mga restoran na kinakainan ni Gloria.
Guilty ako sa pagdeadma sa mga taong namimigay ng brochures o kung anu ano pang papel sa mall, mrt at public places...haha
Pero yung tungkol sa mga bahay..iniipon ko yan...para pag magdi-design ako may basehan ako ng bahay...
mula nong nalaman ko na may klase pala ng pagbabayad sa mga namimigay ng papel na depende sa mga naipamigay nila eh talagang tanggap na ako ng tanggap...hirap kayang deadmahin ng tao!
putangnang mga pulitikong kumakain ng halagang milyon! ilang bigas at sardinas na yun ng mga taong walang makain!
Tama ka jan bro! Ako rin lagi lang akong tanggap, katunayan andito sa bahay lahat ng kinukuha koh. ;D Memorabilia hehehe, atsaka magkakaroon ka ng mga idea kung anong klaseng bahay ang gsto moh at dun nabubuo ang mga munting pangarap ang pag-silipi sa mga larawan ng mga ito db?! ;D At la nmn ding mawawala kung kukunin moh at babasahin. At isipin moh nalang na pag tinanggap moh at binasa ay napapangiti moh ang taong nagbgay nun sayo. ;D Imagine you can make that people happy, kahit di nmn ganon kalaki ang ginawa mo for him/her. ;D At dun sa kinain ng grupo ng pangulo naku ang dami ng nabigyang pabahay ng perang yun noh. Ang daming nasiraan ng mga tahana dahil sa landslide at bagyo, baha. Pero parang puro relief lang ang binibigay. Buhay nga nman oo..
Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
pag ako yumaman maghahapunan din ako ng worth 1M,lols bahay at lupa na ba yan?pweding pwedi na yan kaso walang kapitbahay,walang kachismisan,lols
ayus, alam ko na sasabihin ke badong kung saan sisipat sa gabi habang tulog ang lahat haha... pakidagdag sa plan 'yung safe haha. papelitos. hmmm... ano ba ang tagalog ng calling card?
ilang taon ko din pg iipunan yan dito sa Qatar, tapos sila pang kakain lang,,,huwawawaw
nice dream house
lagi din akong tumatanggap ng mga ng aabot na pael sa akin, gamit pang emergency pag na ubusan ng tissue
THE POPE...naku talagang malabo akong makakain sa ganung restoran...kwek kwek at gulaman lang masaya nako!
MOKONG...kaya simula ngayon, isipin mo engr paano na lang kung ikaw ang nasa lugar nila at sila ang engr tapos hindi ka nila pinapansin...ano ang mararamdaman mo?
SOLO...sana bro yung mga naiipon nating brochures kapag umabot na ng isang envelope pwedeng ipamalit sa central bank at papalitan nila ng pera ano?
nangonsensya? hahaha
HARI NG SABLAY...bakit naman walang kapitbahay? sa midddles class village lang kasi tayo wag sa mga first class para uso pa rin ang inuman di ba?
POKWANG...potahngenanelatalaga! makalulonsanasilangtinidornamaypaingbubog sagilid
RANDOM STUDENT...tarheta ang tagalog ng calling card!
BOSYO...yun pa ang di nila naiisip, mahirap magbilang ng bunhangin sa disyerto at makipag usap sa mga kamelyo. sana maranasan din nila ang ganuon!
maganda ang dream haus mo kuya...
kaya mong abutin yan basta maniwala ka lang... (sabayan mo na ng pagkain ng isang beses na lang kada araw..lolz!)
hayaan na natin ang mga naghapunan... wish ko lang... "LAST SUPPER" na nila un!
Sabi ko nga eh, yung nilamon ng mga buteteng yun sa new york ay halos pagkain na maghapon ng 1,000 libong mahihirap na pinoy.
Hayhay buhay nga naman! Hayaan mo kukunin din sila ni Lord.hehehe
Ingat
Agree.
Naks. Ang hirap kaya nung ginagawa nila. hahabulin at hihimukin no ang mga taong iniiwasan ka. hehe
naku makakabili rin ako nyan soion. :)
Apektado ka naman masyado.. Cool lang.. Nanlaki din mata ko nung makita ko sa balita yun.. Marami ring tumakbo sa isip ko, pero ganyan talaga minsan o kadalasan.. Unfair sa mas marami..
Hay buhay..
Impernes P're, mukhang mura na 'yang bahay na 'yan for 1.6 million. Saan bang area 'yan? Baka naman bahay lang 'yan at hindi kasama ang lote. LOL
'di ko talaga maintindihan..ano kayang klaseng pagkain 'yung kinain ng mga 'yon at umabot ng ganon..hays..ekis na talaga si gloria..poreber..
yun na nga parekoy ee...
ang kakapal talaga ng mukha...
haiz...
but inpeyrnez,
ok yung pangarap mong bahay ah...
hehe
Post a Comment