Sabihin na nating nasa final stage na. Medyo nagulo lang talaga ng husto pero unti- unti na rin namang naaayos. Pasaan ba at babalik din sa normal ang lahat.
Bilog ang mundo, pero kahit bilog hindi dapat mahulog. Kahit bilog dapat tumingin sa kanan at kaliwa, baka kasi nasisilaw lang sa iisang direksyon. Itagay na yan...hik!
Pansamantala, makinig ka muna ng makabagbag damdaming kanta. Ang kantang iyan ang napagtripan kong pakinggan habang nakadungaw sa bintana, nakatingin sa puno ng bayabas at humihitit ng sigarilyo.
Kung sakaling ulit-ulitin mong pakinggan, huwag mo lang sasabayan ng gin-bulag at baka mawala ka sa wisyu eh mag iiyak ka na lang sabay laslas sa pulso.
Sige patayin mo muna yung sounds sa gilid at ito muna ang pakinggan mo.
Pagbalik ko, alin sa tuluyan na akong bumalik o bumalik lang para tuluyang umalis.
naks®
Thursday, July 23, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
17 comments:
sana tuluyang bumalik....
ano ba problema natin? may matutulong ba kaming mga kablog mo?
ang senti naman nitong post na to..bumalik ka..hindi mo rin maiiwan ito dahil alam kong isang paraan ito upang mailabas lahat ng hinaing mo jan sa iyong kaloob-looban. Maliwanagan ka sana.
medyo naka relate ako sa kanta mo.
GILLBOARD...hirap sagutin hehehe. minsan may mga nararamdaman lang talaga na ang hirap ipaliwanag.
THE LADY IN GREEN CURTAIN...senti ba? sana nga...malay natin...
POGING ILOCANO...ikaw pa eh senti ka ring tao hahaha
parang ayaw kong makialam...
hehehe...
yung kanta maganda.. pero ayaw kong dibdibin...lolz
yung kanta na lang ang papansinin ko. maganda. heheheh
mukhang mabigat yan brod ah?
wag mahihiyang ihinga kung nabibigatan... baka sakaling may maiitulong, magsabi ka lang..
balik ka agad pre..
hmm.. ano yon parekoy? problema ba yan? di mawawala sa tao yan parekoy... lilipas at maayos din yan.
tc, ;)
lagi ka namang ganyan.. aalis.. babalik... basta, hintayin ko na lang na bumalik ka ulit at magsulat.
patuloy akong magbabasa... kahit matagalan pa un kuya.
ingat jan!
kahit sabihin kong ok lang yan mukhang hindi ok,wag ka magalala lilipas din yan pare, :)
sa una lang yan masakit sa dibdib..habang tumatagal umiilalim na yan hanggang sa hindi na maramdaman,hihihi..nandon pa din di pa nawawala..tumago lang!
ano ba pinagsasabi ko?? baka naman natatae ka lang!
ganda ng song kaya lang lalo lang nakakasenti....
pagbalik mo sana bagong tao ka na - yung mas wise at mas malakas para more class A posts pa :)
pare anu ba problema... inuman na lang tayo! ilabas mo na yan!
Bakit po? Anong nangyayari sa inyo?!
Balik po kayo. Hihintayin ka namin.
God bless...
di ko madinig yung kanta pareng mulong eh...
wats da prablem ba parekoy?
pasasaan bat mareresolba ba yan...
bumalik nkow at kaw ay umalis na hahaha, lam ko yang mga prblema na yan eh lols, lablayf noooooo!!!yaan mo dre babalik dn kaw babalik wag kang di bumalik, wla nakong kaibgang tagay nang tagay lols..tagay!!!ate alak pa para kay mulong, bumalik ka ha!!bday ko na nextweek dapat anditow ka sa blogness hahahah!may handaan ditow puro alak sayow na ung pulutan.
Naks nman tlga oh! Balik ka dahil dito lang ang masaya. At dito ka lang nakapag-lalabas ng mga secrets at sakit ng loob. Ano ba problema ntin jan? Pwd nmang i-share at bigyan ng solusyon. =D Tawa lang friend. =D Kaya yan. =D
Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy
Post a Comment