Thursday, September 3, 2009

Basted Na Naman!

Broken hearted na naman ako!

Nanuot na naman sa mga ugat ko yung feeling at eksena bang gusto mong magkulong sa kwarto, makinig ng mga makabagbag damdaming love songs, sumalampak sa sahig, idakot ang kamao sabay patong ng siko sa tuhod at ilalagay ang kamao sa noo.

Pag ganyan na ang itsura, sasabayan ng dialogue na “o hindeeee…”

Kung hindi ka pa nasisiyahan at gusto pang magpaka-OA, dugtungan mo pa ng “dugot laman, napagbintangan.” Pwede ring “ikaw…kung sa kaniya ka maligaya, sige malaya ka na.”

Kasi naman eh, sa ikalawang pagkakantaon, hindi ka na naman napasa-kamay ko. Ilang buwan ko ding hinintay ang sagot mo bagamat alam kong unang linggo ng September eh magbibigay ka ng kasagutan.

Hindi naman ako umasa pero hindi ikinailang naghangad ako.

Sabi ko nga, kahit pangatlo lang ako. Sa kanila na ang itaas, paa at talampakan na lang ang sa akin, walang problema ‘yun. Basta mapasa-akin ka lang. Iyun nga lang, hindi talaga siguro pasado sa panlasa mo.

Ikatlong gantimpala sa Essay (kung saan ako asumali) si Dr. Domingo Landicho, na haligi na ng panitikang Pilipino. Unang gantimpala naman si Reuel Molina Aguila na isa sa dalawang hall of fame awardees sa taong ito.

Langya naman, ano ang panama ko sa kanila?

Mailap yata talaga ang Palanca awards. Buti pa ang CCP, napagbigyan at sinagot na ko kahit na sa mas maliit pagkakataon.

Pero ok lang iyun meron pa namang “sa isang taon na lang ulit.” Iyan na lang siguro ang konswelo ko sa sarili ko.

Yaman din lang (naks yaman daw!) at natalo eh ilalahad ko sa inyo yung maikling bahagi ng sanaysay na sinali ko...


“Masarap sanang pagmasdan ang pagpatak ng ulan habang nakadungaw sa bintana. Yung mga kapatid ko nga para namnamin ang sarap, sinasabayan pa ng kape at sinangag. Ang siste pa, bibilugin ang mainit na sinangag tapos kunyari daw balot. Masaya naman, wala pa akong muwang eh.

Pero sa mga pagdungaw-dungaw nagsimulang kumabog ang dibdib ko kapag malakas ang ulan o kung may bagyo.

Kahit sa loob kasi ng bahay, kapag itinodo ang sigwada ng bagyo, mistulang nasa loob naman ng bahay namin ang mga anak-anakan ng ulan. Umaambon sa loob ng bahay.

Natatangay kasi sa direksyon ng ulan ang mga atip. Yun ang hirap kapag pawid ang bubong, hindi nakapirmis. Kapag napalakas ang ulan sabay sa pag-ihip ng hangin at nakakontra pagkakalatag ang pawid, natatangay ito lalo na’t matagal nang pinagpyestahan ng mga ibon ang atip.

Para hindi maglusak ang sahig sa itaas ng aming bahay, kaniya kaniya kaming lagay ng mga batya. Lalagyan din iyun ng mga basahan para daw hindi naman tumilamsik ang pumapatak na ulan. Sa ganuong paraan naiipon din ang tubig at kung madami-dami na ang laman ng batyang nakasahod, papalipitan lang ang basahan, pwede na ulit.”


Rain Rain Go Away ang pamagat niyan pero iyan na lang muna. Baka kasi ‘pag itinodo ko, parang nabasa mo na rin ang kaluluwa ko.

naks®



37 comments:

duboy said...

nakakarelate ako sa entry mo sa palanca, kasi ang bahay namin dati pawid dina ng atip, so kapag umuulan, di maiwasan magkaroon ng ma cristina falls sa loob, sari saring batya din ang nakasalo sa mga butas na may tulo.

tapos pag me bagyo. nakaktuwa pagkatapos, halos maubos yung bubong at nakita ko ang langit pati na ang mga malayang ibon, heheh

may chance pa namn next year eh, masusungkit mo rin yan, in time.

Chyng said...

infairness, mahusay ka. mas masarap basahin ang mga tulang ganyan pag lalaki nga ang nagsulat, i have to agree with that. good job! ;D

The Gasoline Dude™ said...

Ampf. Akala ko naman usapang pag-ibig na. LOL

Madami pang next time para sumali.

gillboard said...

awww. maganda nga. sayang at di ka nanalo.

hayaan mo marami pang pagkakataon. darating dn ang panahon, di ka na nila babastedin.

Superjaid said...

tama si kuya gill kuya, try lang ng try, baka di mo pa panahon, may next time pa naman eh, you have the talent, di lang talaga siguro ito ang oras ng iyong pagsikat,Ü

m u l o n g said...

CHICO...kaya ilang paragraphs lang ang inilagay ko eh...baka maging MMK ang dating pag nadagdagan pa hehehe

CHYNG....oooops hindi po iyan tula lols

THE GASOLINE DUDE...hindi mauubos ang next time, wag lang uusbong ang katam.

nakakapeke ba parekoy? hehehe

GILLBOARD...tama na bola hehehe kumanta na lang base sa komento mo.

...pagdating ng pahaon

SUPERJAID...try ng try hanggang may buhay!

2ngaw said...

Langya!!!Kala ko naman kung ano na!, pero pre hintay lang marami pang next time...sabi nga ni Jaid may talent ka naman, Gifted Child ka pre, kelangan mo lang buksan ung gift lolzz

John Bueno said...

wag ka magalala marami pa namang pagkakataon... at hindi ka din mauubusan ng mga tulang ilalathala para mabasa ng lahat... maging masugid ka sanang ma perpekto ang iyong hilig sa pagsusulat, para san pa at magwawagi ka rin sa kalaunan...

lalo na kung papasyal ka din sa site ko hehe diba?

-www.kumagcow.com

darkhorse said...

Dre mahusay ka, isang araw di ako magtataka na makamit mo minimithi mo - naks! lalim ng tagalog nhawa na sau...hahaha...tc

eMPi said...

sali lang ng sali parekoy...

Dhianz said...

magaling kah na writer kuya mulong... graveh.. nosebleed ang mga tagalog ah.. like... hmnnzz... sigwada, atip, maglusak, tumilamsik... ayonz... eniweiz.. kung nde ka man nanalo ngaun... i believe darating den ang time na ikaw ang magiging unang gantimpala.. naks.. you'll have 'ur moment too.. take care.. Godbless! -di

pusangkalye said...

ewan ko ba pagdating sa mga topics na na ganito about being broken hearted e tameme nako. nasubukan ko na kasi at mahirap kung sa mahirap. it's very difficult to pull yourself out of the hellish situation.

Anonymous said...

akala ko sakit sa puso hehe.
hala, maganda naman e. un nga lang baka iba ang definition ng magaling sakinla. =] yaan mo na. itulog mo nlng yan. at mas GALINGAN mo sa susuno =]

bizjoker-of-the-philippines said...

akala ko rin Pag-ibig...
taka ako e, bibihira nababasted sa pag-ibig ang alagad ng beer hahahaha! magaling silang mambola e, lalo usapang mabo-bote.

subok ng subok lang...!

for the mean time, idaan muna sa inuman,'tol.

Hari ng sablay said...

pare parang kami din dati,nanood sa ulan,pero pag malakas na kailangan na rin ihanda mga batsa sa bahay naming kubo,

an_indecent_mind said...

akala ko sawi ka nga.. hehehe!

may bukas pa bro...

tagay na lang tayo!

A-Z-3-L said...

aw! lumabas na pala ang nanalo sa Palanca Awards.

sayang.. pero next year sali ulit... try and try until ma-published! (tena, parang alam ko kung saang sapot ung word na "publish" ah!)

malay natin.. tayaga-tyaga... tsaka sabi na sayong wag magsusulat kung nakainom! lolz!

DRAKE said...

Pre sayang din at di ako nakasali sa Palanca, e sakto kasi akong umuwi sa Pinas kaya di ko na naasikaso busy sa bakasyon! Tagal kong inihahanda ang entry na yun, okay na ang lahat, naproof read na rin kaso pagdating sa mga requirements and processing, wala na na-occupy na ako ng bakasyon ko.

Next year sasali talaga ako!pwamis ko yan sa sarili ko!heheh

Ingat pre at ganda nito pang palanca nga!

Ingat

espan said...

Congratulations! You're down to earth, reason why I always visit your site. Next year, I'm sure you'll get the prize.

Jules said...

Good job! Tol, kaya moh yan. Makukuha moh rin yan next year. At naniniwala kami sa iyo at sa iyong kakayahan. =D Naks! =D

Summer
A Writers Den
Brown Mestizo

April said...

Ouch! I know it hurts, lalo na kung mejo umasa ka at naghangad ng kahit na kakaunti. Pero i believe that the children are our future, este... Naniniwala ako sa kakayahan moh bro! Makukuha moh rin yan. ;D Kaya yan, wag ka alng bumitiw. ;D

April
Stories from a Teenage Mom
Mom On the Run

April said...

Oo nga pala. Salamat sa pagdalaw sa bahay koh. ;D

April
Stories from a Teenage Mom
Mom On the Run

EngrMoks said...

hayop.. pare to lang masasabi ko try and try until you succeed/die...haha

princejuno said...

naisahan ako don ah... kala ko din usapang pagibig na nmn ito..hehe

ganyan talaga...
weder weder lang yan..haha

anyways...
visiting u just to say meri xmas...ber na e...haha

-
princejuno

p0kw4ng said...

aww naalala ko nong bata pa ako at wala pang muwang sa mga pagnanasang karnal.....

ganyan ganyan din ang bubong ng bahay namin non..kaya naman kung ano anong pansahod ang nakalagay sa sahig...at iba't ibang klase din ng damit na ginawang basahan ang nagkalat!

poging (ilo)CANO said...

kala ko bigo sa pag-ibig..sa larawan pa lang kasi mukhang puso ng ang usapan eh...

ganyan din bahay namin dati...pumapatak ang ulan sa loob ng bahay....

Jag said...

ok lng un bro! marami pang pgkakataon...nga pla natuwa ako sa music playlist mo...it's one of my all-time fave songs jijijj...nice blog!

Amorgatory said...

etow lang masasabi kow sabay lagok nang tubig sa basow, di ka man nanalow sa pagkakataong itow,panalow ka naman sa pusow kow!hahahah!ay taena nalaceng akow sa tubig lols..tagay!

dencios said...

hindi mo pa time

dadating ka din dun

ikaw pa

e may talento ka naman talaga e

minsan kasi nasa tamang

timing iyan

:)

Kosa said...

Ang isipin mo parekoy,
Kahit hindi ka nanalo,
NAKASALI ka naman...

yun yun eh!
iba kase kapag may pangalan na yung nakakatunggali mo. plus points na yun eh.
pero masasapul mo din yung kiliti ng mga hurado sa susunod.

Kosa said...

Ang isipin mo parekoy,
Kahit hindi ka nanalo,
NAKASALI ka naman...

yun yun eh!
iba kase kapag may pangalan na yung nakakatunggali mo. plus points na yun eh.
pero masasapul mo din yung kiliti ng mga hurado sa susunod.

m u l o n g said...

sa inyong lahat, maraming salamat sa inyong pagtitiwala. (kaway kaway sabay kampay!)

kung mangyari man ang inyong sinasabi na aking hinahangad, wag kayong mag-alala at kasama ko kayo sa maging karangalan lallo na sa premyo.

kung ilan ang magbibigay ng congratulatory message, tatapyas ako sa medalyo at ipapa LBC ko sa inyo.

hight sa lahat, magpapainom akooooo!

taena kaya naudlot eh, inom ang iniisip hehehe!!!

sa susunod na taon sumali din kayo dahil lahat tayo ay magaling!

HOMER said...

Akala ko naman may kadamay na ko at masasabi ko ng "HINDI AKO NAGIISA" haha!!

Anyway, nice naman essay mo kahit di nanalo at least lumaban! hehe! saka di lang basta basta naman ang PALANCA AWARDS! sali ka ulit! :D

Unknown said...

Ouch!!!! Di bale, masusungkit din yan sa sunod na pagkakataon. Bsta ituloy lang ang pagsulat. Kaya yan bro! ;D


Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

Amorgatory said...

@pareng mulongness iukit mo ung pangalan namin isa isa sa medalya lols,at medalya pa talaga ung natype kow hahaha, yaan na yoko na dlete eh, un lang pow.

glentot said...

Ampfufu parang ung apartment namin ngayon, kapag nagleak ang lababo ng apartment sa itaas. Nakailang death threats na ako sa kanila.

Random Student said...

'Long, mahabang pila ang pangatlo. mabuti na rin yan n'ang makahanap ka ng windang na katulad mo he-he.