Saturday, September 5, 2009

Konting Buhangin At Simento Na Lang

Sa wakas! Akalain mong matapos ang ilang buwang paghihintay eh matatapos ka na!

Kung ibabase sa kinalabasan, sulit naman ang paghihintay. Sabihin na nating mabigat sa bulsa, pero kung nanamnamin naman ang bawat sulok mo, konting buntong hininga lang ang kapalit ‘pag iisipin ang gastos.

Sa totoo lang akala ko, mabibitin ka. Alam mo kung bakit? Kasi naman nitong nakaraang buwan, napansin kong ilang tao na lang ang gumagawa. Naitanong ko tuloy, “may problema kaya?’

Iyun pala eh talagang ganuon pag nasa finishing touches na. Ano nga naman ang gagawin ng piyon kung kikinisin na lang ang bahay!?



Anong klaseng gamit naman kaya ang ilalagay sa loob mo?

Kung maganda ang panlabas, dapat lang din naman sigurong patok sa panlasa ang ang panloob. Mahirap naman kung hindi balanse at baka magtaasan ang mga kilay ng mga magiging bisita.

Tutal din lang eh gumastos na ng malaki, itodo na. Panloob na kagamitan na lang naman ang kailangan eh.

Bagay siguro kung merong muebles. Isang set ng sofa na gawa sa Narra? Wag kang mag-alala dahil maliban sa kahoy, siyempre may isa pang sofa set na kutson, yung malambot naman.

Ayaw kasi ng mga bata sa kahoy. Hindi pa nila maa-appreciate yung halaga ng de kalidad na muebles.

Home theater? Pasok!

Sa ngayon, ilang sako ng simento at buhangin na lang ang kinakailangan. Bakod at gate na lang ang kailangang trabahuhin.

Kapag tapus na yung bakod at tsaka na lang pag-isipan kung anong kulay ang ipipinta. Mas babagay din siguro kung kombinasyon ng bakal at lumang kahoy ang tarangkahan para may touch of class.

Wish ko lang, bago ka ipa-blessing, makilala ko kung sino ang may-ari sa iyo para naman maimbita ako. Gusto kong makita ang interior design mo.

Kapag nakasakay kasi ako ng bus pauwi araw araw, lagi kitang nadadaanan at hindi ko maiwasan ang pagtingin sa iyo.

naks®

21 comments:

2ngaw said...

Langya ka!!!Kala ko pa naman sayo yang bahay at ikaw ang nagpapatayo!! lollzz

Next time dapat bahay mo naman ang idisplay mo dito sa pahina mo ah :D

Trainer Y said...

punta tayo sa blessing!
hihihihihi
alam ko.. darating din ung time na ipopost mo din ugn bahay na ipapatayo at itatayo mo..
hihihihi aabangan ko un!

Jepoy said...

Nabiktima ako dun ah.. I co-congratulate pa naman sana kita lolz.

Sama mo rin ako pag na imbitahan ka na. Baka may spageti peyborit ko kasi 'yun e :-D

an_indecent_mind said...

hahaha!! nagoyo mo ako brod!

akala ko sau! magsuggest na pa naman sana ako! hahaha!

Dhianz said...

hmmnnzzz... baka bahay moh tlgah yan?... nice house... =) ingatz lagi.. Godbless! -di

bizjoker-of-the-philippines said...

HAHAHAHA! Ayus ang tirada mo...sabit mo ako pag naimbitahan ka sa house blessing...
kala ko pa naman bahay mo...

itagay na lang natin yan!
sino nga kaya may-ari nyan?

A-Z-3-L said...

AKALA KO SAYO NA :(

kakaimbyerna! hmp!

kulay green dapat ang kulay!!! green kung green!!!

ung bahay mo asan na?

DRAKE said...

Akala ko ikaw ang nagpagawa ng pader! Eh kasi alam ko namang hindi sa iyo yan, kasi akin yan. Iyan yung pinapagawa ko! Hayaan mo sa blessings ko iimbitahin kita tapos sa iyo ako magpapasabog ng ubod daming barya. (kaso bawal daw gastusin yun)

Random Student said...

duda ako. mukang may hacienda tong si mulong. ang yaman...

EngrMoks said...

pare bilang isang civil engr...minsan finishing talaga ang pinaka matagal sa lahat... depende yan sa gusto ng may ari ng bahay... sayo man yan o hindi....

RJ said...

Akala ko ay bahay niyo po ito! Dapat may part 2 ang post na 'to kapag naka-landscape na at ayos na ang bakod.

poging (ilo)CANO said...

ayus ah! kala ko bahay mo na yan...

gillboard said...

ganda nga nung bahay, tas anlaki ng lupa...

yaan mo makakabili ka rin niyan in da future!! lolz

Kosa said...

ayus na ayus!
naalala ko tuloy yung kasabihan,
aanhin mo ang malaking bahay, kung Hindi naman sayo? lols

kay Ai Ai ko yata yun narinig (jologs ang dating? hehe.)

ACRYLIQUE said...

haha. kala ko pa namn sayo. magpapainvite sana ako. haha

Anonymous said...

Nice one. Napapahanga mo ko sa paraan ng pagsusulat mo..

sana nga maging kaibigan mo yung may ari.. Ingat!

Cheers!

Unknown said...

Wuahahaha..Ashtig ka tlga mulong! hahaha Napaniwala moh ako dun ah. Kala koh pa nmn sayo na yun! Inggit na pa nmn ako hehe. Pero i know na drating ang araw at pag lumubog ang buwan ay ung bahay moh na ang ilalagay moh dito sa blog moh. Naks! ;D


Solo
Travel and Living
Job Hunt Pinoy

April said...

Hayup! hahaha Naks tlga. Kala koh p nmn eh sayo na ung bahay..Hhhmm di bale kuya mulong, alam kong maitatayo moh rin ang pangarap mong tahanan. ;D Aabangan koh yun kuya! ;D



April
Stories from a Teenage Mom
Mom On the Run

PinkNote said...

hhaha hangang hanga ako e, ang ganda ng hauz mo..hindi pala sayo..hihi

in fairness ang ganda talaga, sana pwede rin ako makapasok sa ganyan para makita ko yung interior. kahit silip lang..=)

p0kw4ng said...

hihihi..punta ka sa blessing imbitado kita! sabihin mo sa may ari ang pangalan ko pasok ka na dyan,hihihi

pasok ka sa basyo!

ang galing!

April said...

Hi kuya! Andito ulit ako parta bumisita. ;D Ganda tlga ng kanta dito. Naks!

April
Stories from a Teenage Mom
Mom On the Run