Guys meet Ella Rose or simply Number 88. Siya yung nakilala ko.
Naglalakad-lakad ako nung isang araw sa National Bookstore. Naagaw ang pansin ko nitong babaeng naka-pink bra na parang pag aerobics din. Siya yung tipong, kahit nalagpasan mo na, lilingunin mo at babalikan mo ulit ng tingin.
Iyun nga lang, di ko siya nakilala ng personal. Libro lang kasi ang nakilala kong Ella, laman ang mga sinulat niya sa blog.
Walang panama si Ella kung ililinya mo siya sa mga batikang manunulat. Pero ipupusta ko ang bulsa (bahala na kung may laman) magugustuhan mo siya. Pangingitiin ka at baka sa isang punto eh kukurutin ka din ng konti.
Sa edad na 18, nagtrabaho bilang masahista si Ella (malamang sa ngayon eh hindi na) at nakilala bilang number 88. (Tantya ko nasa 23 or 24 na siya ngayon.)
Dahil walang litrato ang libro, wala akong idea sa itsura niya. May nakita akong naka frame na puzzle ng isang babae sa bahay namin kaya isipin na lang natin ganyan ang itsura ni Ella.
Matapang ang mga kwentong isinulat ni Ella sa kaniyang blog. Matapang kasi wala siyang hesitations sa paghahain ng karanasan niya sa MP o sa massage parlor at kung paano siya naging “batikang” masahista.”
Lahat nakabuyangyang, mula sa alamat ng balot at talot hanggang sa kailangan na niyang magdesisyung iwanan ang pagmamasahe.
Para lang kasi siyang ng nagku-kwento. At sa pagtatapos ng bawat post, mabibitin ka pero gugustuhin mong magtanong at kausapin siya.
“Talaga may naging customer kang babae who asked you to go down on her? Lupet naman nun!”
“May naging customer ka ba na na-attract ka din at tinamaan? Hindi yung tipong gusto mo lang dumaan din ang katawan nila sa palad mo ha.”
“Teka huwag mong isama yung supervisor ng hotel ha, di ko nga maisip yung tawanan siguro ninyo ni Carol nung tinuturuan mo siya ng "special". Teka kumusta na nga pala si Carol, nanduon pa din ba siya?”
“Yung kasamahan mo na nasobrahan sa Shabu, nakita mo pa ulit siya? Kawawa naman ano? Paano na yung mga anak niya? Teka anong course nga ba ang tinapos mo? Yung nagpa-aral sa iyo, anong trato mo sa kaniya?”
Sigurado ako mayaman na si Ella Rose ngayon. Baka nga siya na si Doña Ella hehe (Peace!). Binista ko yung blog niya at iba na rin ang laman. Hindi na rin tungkol sa pagmamasahe.
Pero isa ang pinatunayan ni Ella, diskarte ang kailangan sa buhay para umasenso. Patatagan ang laban basta wala kang paang tinatapakan. Bilib ako kay Ella kahit ano pa man ang pinagdaanan niya.
naks®

20 comments:
Haha ayos! Meron din ako dating Ella post. Buti naman nagustuhan mo libro niya.
Pahiram....
si ella yan yata yung taga-Cainta... ahahaha...anu yung blog link nya? ahehehe... :D
Na curious tuloy ako sa buk na yan.
lagi ko nadadaanan to... di ko sure kung maganda ba talaga?
sa sweldo, bili ako niyan...
Hi Mulong,
Maraming salamat sa napakagandang review, Pinataba mo ang puso ko, dear. Really glad you liked it. And to post it in your blog? aaawww nakaka-touch talaga thanks, thanks a lot. Mwah!
hmmm... makabili nga ng libro ni ella.
o cge maghahanap ako niyan
aw... i passed by na sa blog nya. pero dahil allergic ako sa name nya (sorry ha... nagkataon lang po.) hindi ako nagtatagal.. i'll visit her again para sundan ang blog nya.
FYI, may picture sa blog nya kuya abe! lolz! padalhan mo kami ng copy ng book... pwede kayang give aways sa PEBA awards night ang book nya?
magkano ba isa?
haaa?
buti naman hindi nasilip ni La Guardia yung libro na to?
lols..
kung ako ang nag-iisip parang madumi yung pumapasok sa isip ko..lols
waaaaahhhh.
tama na nga!
pero isang napakalaking TOTOO ang huli mong sinabi parekoy (yung nakasulat sa orange).
As a girl, lady woman and now a mom (it's me). Ramadam koh ang mga sinulat moh bout kay Ella kuya Mulong. Madaming babae ang gstong umasenso, at dahil don kinakaya nila ang kahit anong trabaho. Ewn koh kung ito ba ang totoong nangyari kay Ella, pero marami sa mga babe ang nagkakaganito. Siguro alam moh na yun hehe. Pero sa totoo lang nabitin ako sa kwento kuya. Wala ng part two? ;D
April
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run
Chronicles of a Hermit
pag may time na ako magbasa, at nasa mood sa ganyang nakaka-** na istorya..bibili ako nyan..haha
meron b yan sa national bukstor? o asa powerbooks? nghahanap ako d2 alabang wala eh
GASOLINE DUDE...ok naman kasi yung libro di ba? ok nga eh from blogs to book di ba?
GLENTOT...may bayad ang hiram eh lols!
SUPERGULAMAN...di ko alam kung taga saan si Ella eh. Ang blog link nya ay...ooops may comment siya baba, click mo na lang
JEPOY...go jepoy, hanapin mo na!
GILBERT...oo parekoy bili ka kasi mura lang naman eh, sulit yung pera mo.
ELLA...wow nag comment ka sa post ko. naks naman!
tama ba ikaw na si dona ella ngayon? kumusta naman ang buhay natin dyan! ganda mo pala!
MARCO and ABOU...sa national ako nakabili. hanapin lang ang parang barbie doll sa cover na naka pink bra hehehe
AZEL...oo nga napuntahan ko na rin at nakita ang litrato nya. PROTECTED hehehe at maganda siya.
Since blogger siya, tingin ko maganda ngang giveaways and guest siya sana hehehe
BASYON...hmmm sa dating mga post nya, mararamdaman mong totoo ang mga kwento. ok na yung bitin baka naman magalit si ella kung dadagdagan natin ang review di ba?
MOKONG...nakaka ano? hehehe. Teka R18 ang libro pero hindi X ha? baka namali ang iniisip mo hehehe
RICO DE BUKO...yap sa national bookstore ako nakabili
meron akong libro nya!
dati pa!
hihihihi
kay gas dude ko siya nakilala..
hehehe
wala lang.. share ko lang
dami natutunan sa bawat ekspersyen ng tao....tc!
wahh kelangan kong bumili ng book para maka relate hehe .. pero khapon .. nakita ko ung book sa nbs.. =]
Late ata ako pro na curious ako sa book, try ko hanapin ito, hopefully makakita soon.
Visit neng
Post a Comment