Tuesday, May 26, 2009

Mga Instant Film Critique

Edi ayan na nga, tulad ng inaasahan, nagsanga-sanga na ang pinagpi-piyestahang sex video ni Dr. Hayden Kho, Jr habang kaulayaw ang aktres na si Katrina Halili at sa isa pa, ay ang modelo namang si Maricar Reyes.

Kaniya kaniyang sawsaw na. Mula sa mga taong sangkot sa eskandalo, kung sinu-sino na ngayon ang nadadawit habang tinutugis kung sino nga ba ang nagpakalat nito.

Mapipigilan pa ba ang pagkalat ng naturang video at ang sinasabing iba pa na ngayon pa lang ay inaantabayanan na ng mga madami?

Bomalabs na yan! Aba eh ang mga tricycle driver nga at mga nagtitinda ng fish ball eh naka-abang sa tindahan ng pirated cd at hinihintay kung may delivery ng bagong sex scandal video eh. Iba daw kasi ang dating kapag hidden cam.

Sa loob-loob siguro ng mga kumag, sino naman kaya ang ka-partner? Artista kaya? Sikat kaya?


Sa totoo lang naman, kung hindi lang sikat ang mga taong sangkot, hindi naman pagku-kwentuhan ang sex video na yan eh. Aba eh sa dinami dami ng napanood kong sex video, ngayon lang may pinag-usapan ng ganito!? (ooopss erase-erase!)

Pero ang pinaka malupet na idinulot ng naturang video sa buhay ng mga Pinoy, lahat ng nakapanood, sa isang kurap eh naging mga film critique na. Meron na silang kaniya-kaniyang review at komento.

Akalain mo yun? Isang sex video lang pala ang kailngan para maging mapanuri ang mga Pinoy sa mga napapanood nila?

Si Tatang pinupuna ang ilaw habang si Manong eh napapangitan sa pwesto ng kamera. Dapat daw ay isinakto sa gitna! Ang iba naman ang mga eksena pa mismo ang puntirya.

Pero may isang review akong narinig na talagang nagpa-ihit ng tawa sa inuman namin nung Linggo. Magaling daw pala. Pero dinugtungan ng isa kong barkada habang pinapanood sa cellphone ang mas malinaw na video.

“Eh dapat lang pala talagang galingan niya kasi…”

Ikaw may review ka ba?


naks®

Friday, May 22, 2009

Bagong Timpla

Kung nananawa ka na sa pag-inum ng Red Horse, Colt 45, San Miguel na tunay o kaya San Mig Lights, eh sumubok ka ng ibang inumin na swak sa budget. Sige meron akong ire-rekomenda.

Ito ang tinatawag na GSM-Grapes






Mga dapat gawin:

- Ilagay ang GSM Blue long neck sa pitsel at haluan ng tatlo hanggang apat ng basong tubig.

- Lagay ng isang litro pack ng Tang grape juice. Kung hindi ka tumatangkilik ng Tang at mas gusto mo eh ibang produkto, nasa iyo na yan. Hindi ko hawak ang budget mo.

- Haluin at tikman batay sa inyong panlasa kung matapang o swabe na sa panlasa

- Kung mayaman ka, serve it on the rocks.

- Pero kung jologs ka at inumang kanto lang paghaharapan ang natimpla ng GSM-Grapes, lagyan ng yelo at ipaikot ang baso. Sabayan din ng masayang kwento!

Isang maligayang barikan na. Samahan nyo naman ng pulutan kahit Chippy lang o kaya Sea-rena, yung mamisong fish crackers!

Kinabukasan….



naks®



Friday, May 15, 2009

Tigang

Wala akong post ngayon!

Kanina pa kasi ako nag-iisip ng psibleng isulat, pero parang walang lumalabas na katas at tila hindi magiling ng kakapiraso kong utak kung ano man yung mga konseptong naglalaban-laban sa isip ko. Nagkabuhol-buhol edi nauwi saw ala.

Parang tubig lang yan…kakapakulo nang kakapakulo, edi walang natira sa takuri kundi usok.




Nalintikan nang lalo. Kakapiraso na nga ang utak, natuyuan pa!

Puro
madudumi at nakaka-el na litrato ba naman ang nabubuong imahe sa loob ng kukote ko eh, bakit nga ba hindi matutuyo!? Ang instinct nga naman, kahit ayaw mong pag-aralan, pilit pa ring nararamdaman!

Eh kung ganitong wala akong post, may comment ka kaya? Ano naman ang iko-comment mo?


naks®

Wednesday, May 13, 2009

Naranasan Mo Na Ba?

Naranasan mo na ba yung may nakilala o nakasama kang isang tao sa unang pagkakataon pero pumapasok sa isip mo na parang nakilala o nakasama mo na siya dati pero hindi mo lang matandaan?


Sige isip tayo ng eksena. Kunyari sa isang birthday party. Bisita ka lang pero ipinakilala ka sa iba pang bisita. Sa isang pitik ng daliri, pupukaw ng atensyon mo ang isa sa mga ipinakilala at hindi na iyun mawawala sa kukute mo.

Dahil duon, para ka namang pusang naiihi o kaya eh asong nahihiyang umetsas sa bakuran at hindi mapakali. Nasa isang tumpok ka habang nasa kabila naman siya pero balik-balik ang itsura niya na dumadaan sa imahinasyon mo.

Pero hindi mo talaga matandaan kahit anong pilit mo. Halos gusto mo na tuloy ihampas ang bote sa ulo mo dahil hirap ka talagang maalala.

Para bang mani na nasa dulo ng dila. Este salita pala!

Kalaunan, eeksena ka na dahil hindi ka na makatiis eh. Lalapit ka sabay sabing “have we met before?” o kaya eh “sorry ha, saan nga ba tayo unang nagkakilala?’ and so on and so forth.

Teka teka, hindi ito tungkol sa mga pa-ekab na mga pick up lines, kundi ganuong pagkakataon talaga.

Ang masama, nakakahawa pala yung ganung pangyayari. Dahil nasundot na, nadamay pa iyung tao na nuong una eh hindi naman nag-iisip ng ganun. “San nga ba?” pareho kayong mag-iisip pero ang totoo eh hindi naman talaga.

Ibang eksena naman pero halos pareho din. Lugar naman!


Napunta ka sa isang lugar na noon mo pa lang napuntahan. Halimbawa eh piyesta at isinama ka ng isang barkada mo sa bahay ng ibang katropa naman niya para makipag-piyesta.

Sa pag-ikot ng tagay, patuloy kang naglilingap kasi parang may natatandaan ka sa paligid. Hindi mo lang matumbok kung ano yun pero may hinahanap ka. Gusto mo kasing patunayan sa sarili mo na napunta ka na sa lugar na iyun.

Tulad ng sa unang sitwasyon, hindi mo lang maalala kung kelan o sa paanong pangyayari bakit mo nasabi yun. Nakakita ka ngayon punong bayabas sa gilid ng bakuran, na kanina pa nadadaanan ng mata mo pero ngayon mo lang napansin. Mas lalo tuloy tumibay ang paniniwala mo na galing ka na dun dahil sa puno ng bayabas.

Sa wakes, lalabas sa bibig mo ang salitang “sabi ko na nga ba eh!”


Kung maniniwala ka sa teorya ng kung sinu-sinong philosopher, mga tao at pangyayari daw sila nung una kang nabuhay daang taon na ang nakakalipas. Pwedeng isang anak ng duke ang taong nakilala mo habang dating kaharian naman ang napuntahan mong lugar.

Naranasan mo na ba yun? Kung naranasan mo na, buti ka pa, kasi ako hindi pa!

Tingin ko kasi lasing lang sila, tama lang ng alak yun hehehe!


naks®

Friday, May 8, 2009

Kwento Ng Isang Menopausal Baby


Inang ang tawag naming magkakapatid sa ermat namin. Dahil mahirap na pamilya lang, hindi kami nausuhan ng mommy, mama o kahit nga nanay. Pero ok lang, wala naman sa tawag yun eh.

Di ko matandaan kung ilang taon ako nuon, basta ang tanda ko, nag-ihit ako sa tawa habang hindi ako makapaniwala sa isa sa pinaka di ko makakalimutang kwento niya sa akin.

Binalak pala nila na huwag na kong iluwal sa mundo. Hindi pala binalak…nagtangka pala sila.

Noon daw kasing pinagbubuntis niya ako, uminom siya ng pampalaglag. Hindi ko alam kung ano na ang usong abortion pills noon o pinaghalong shoktong at serbesa negra lang pinantapat nila sa mala sisiw ng balot na anyo ko noon.

Ang kaso nga lang daw, talagang matindi ang kapit ko sa kaniya kung kaya nabuo pa rin ako at wala silang nagawa kundi iluwal ako sa maganda at makulay na mundo ng buhay.

Ang dahilan niya sa paglalaglag sa akin, nakakahiya na. Sa edad daw kasi niyang 45, medyo dyahe nang magbuntis pa siya dahil dapat daw sa edad na iyun eh naghahanda na lang ang isang ina para mag menopause kung hindi rin lang naman naghahabol na magkaanak.


Akalain mo iyun? Hindi pa man tuluyang lumalaki ang tiyan, iniisip agad niya ang kahihiyan?

At dahil ayaw nga niyang pagtinginan ng mga kapitbahay at ayaw niyang paulit ulit na tanungin ng mga kumare niya kung buntis ba siya, maluluwag na daster daw ang lagi niyang suot.

Kaya nang ipinanganak ako…dyan---dya---rararannnn!! Laking gulat ng mga kapitbahay namin kasi hindi naman nila nalaman o nakita na nagbuntis siya.

Siguro kung nakakapagsalita lang ako noon, naipagtanggol ko pa si Inang sa mga nagulat sa bago niyang sanggol. Sasabihin ko na anak ako ng banal na espirito na sumanib sa kaniyang katawang tao!

Oha…laban ka? Kung nagkataon malamang faith healer ako ngayon.

Sabi ko sa kaniya matapos ang kwentong iyun, ang bunsong ako…ang pinaglaglag na ako na hindi lang nalaglag…ang siyang magdadala ng swerte sa aming pamilya

Kaya ayun, habang nasa kolehiyo ako at kapag ginabi ako ng uwi at lasing, asahan mo nang kinaumagahan, paulit ulit na maririnig ang “hoy Romulo mag-aral ka ngang mabuti.” At ginawa ko naman…

Yun nga lang, 13 araw bago ang graduation namin, binawian siya ng buhay. Sayang, hindi man lang niya nahintay. Pati tuloy yung unang sweldo, nung oras na bankrupt ang unang kumpanya napasukan ko at nung gumanda nang husto ang trabaho ko kalaunan, hindi niya naranasan

Pero nasaan man siya, sigurado namang nasa maayos siyang kalagayan at sana eh natutuwa siya sa kinahantungan ng kaniyang menopausal baby.

Happy Mother’s Day Inang! (at gayun na rin sa nanay ninyong lahat…)

naks®

Tuesday, May 5, 2009

Maling Akala

NOTE: EXAMPLE LANG ITO NG MALING AKALA!

Maliit pa lang ako, mataas na ang tingin sa akin ng mga kapitbahay namin. Akala nila matalino ako. Grade one pa lang kasi honor nako. Kaya ayun, kinalakihan ko na yung paniniwala nilang yun.

Swerte nga daw ng ermat ko dahil ang dalas nitong maka-akyat sa stage noon.

Lalo na nung High School, ako lang kasi sa mga ka-edaran ko ang nasa first section tapos nung fourth year, naging student council president ako. Ang mga nakalaban ko pa kamo nuon, mga anak at apo ng kung sinu-anong opisyal ng paaralan.


Mas lalo na nung gradutation kasi anim ba naman ang medal ko! Nalaglag pa ko sa top 10 niyan ha. Medal is always a medal, sabi nga. Malay ba nila na ang mga medal palang iyun eh katas lang kae-epal ko sa mga extra curricular activities! Astig pa rin ako sa tingin nila.

Lupet ng pressure, parang di ako pwedeng magkamali kasi nga ang akala nila eh matalino ako.

Nung sa kolehiyo, kumuha ako ng kurso na sa tingin ng marami eh hindi pangkaraniwang kinukuha ng mga taga sa amin. At nung nagka-trabaho na, hindi rin pangkaraniwan ang kinalabasan. Malalaking tao kasi ang mga nakakasalamuha ko sa trabaho. Wala lang talaga akong hilig magpakuha ng litrato sa kanila.

Hanggang ngayon, akala pa rin nila matalino ako. Kailan kaya mawawala ang akala nilang ‘yun?

Mali kasi ang akala nila.

Sabi ko nga, akala nila matalino ako. Hindi nila alam, totoong matalino ako!

WELCOME ULIT ANG VIOLENT REACTIONS NYAHAHA!

naks®

Friday, May 1, 2009

Maka-Epal Lang!


Makasawsaw lang…

Dahil sigurado namang mula bukas at malamang eh hanggang sa lunes pa eh laman na ito ng mga kwentuhan mula radio hanggang sa baryo eh mag ambag na rin ako, total naman eh para sa bayan itong laban na ito.


Sige na nga, tutal din lang at wala daw nangyayaring krimen pag may laban si Pacman, napupuno ang mga sinehan dahil kay Pacman at marami ang tumitingala kay Pacman, oo na naniniwala na kong para ito sa bayan.

Sabi sa kanta lumang mo, “para sa iyo ang laban na ‘to!” at ngayon naman eh yung “Pilipino, Pilipino, Pilipino ang lahi ko.” Mas lalo na kong naniniwala na para sa bayan ito.

Ibang level na nga ang mga kanta mo, maihahambing, maililinya at maitatabi na sa mga kanta nina Heber Bartolome, Asin, Apo Hiking Society, Joey Ayala. Iba eh, alam mo yun!? Ang lalim ng dating.

“You know, it is for my people, that I will give everything in this fight especially for my countrymen and my I country. I hope I can give them entertainment in this fight. You know!”

Yes I knoooow! This is not for the money….para ito sa bayan!

Sana sa sununod, si Michael Phelps naman ang makalaban niya!

Teka, ano bang pinag-uusapan natin? Maka-epal lang kasi!

VIOLENT REACTIONS ARE WELCOME!

Naks®