kanina pa ko nangangapa
ng litanya at mga salita
mga kakaibang kwento
o kaya’y karanasang karima-rimarim
na gustong ibahagi sa inyo
pero ang mala-bitukang nasa na loob ng kukote
tila walang pakialam
hindi nakakaramdam
para bang wall clock na nalaglagan ng baterya
na biglang namatay at hindi na gumana
at dahil natalo sa mahjong
iilang oras lang ang tulog
katawan ko tuloy mistulang binaunan ng bubog
masakit na mahapdi pa
bigat talaga pag naubusan ng pera
pero gaano man kabigat ang katawan
kasabay ng pagtirik ng liwanag ng buwan
kailangang manatiling dilat
hanggang sa pagsikat ng haring araw
kailangang trabaho pa rin ang mangibabaw
nanlilisik na mga mata
malalim na buntong hininga
ang hangin sa batok
nagdulot pa ng kilabot
sumasagitsit ang katahimikan
sa kumunoy ng karimlan
sige lakad ng lakad samuel bilibid
lumipad ka rin angkas ng ibong adarna
salubungin mo sa himpapawid ang seksing si darna
baka sakaling doo'y may mahagip ka
ng rekado at hinahanap mong timpla
sa mga salita mong wala namang kwenta
®
Wednesday, November 19, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
19 comments:
wahaha. . habang nibabasa co nirarap co. . di co tuloy naintindihan. . kayabinasa co ulit ng maayos. . hindi co pa rin naintindihan eh. . awwwwwwwwwwrrrrrrr. .
kaya nga walang direksyon paperdoll nyahaha
tama! walang direksyon nga... hahahaha
naiintindihan ko... na wala akong maintindihan... lol... talagang ganyan... pag talo sa sugal... walang direksyon... kung paano ka uuwi sa bahay... ahaha... lagot ka...
Ano kaya ang mga iniisip mo ngayon?! Huwag ka nalang kaya kayong mag-majong ulit.
Sa kaiisip ng ibabahagi sa inyong mga mambabasa, nakagawa tuloy kayo ng tulag ito. o",)
MARCO sabi ko sa iyo eh
VHONNE buti ka pa naintindihan mo hehehe
RJ walang wentang salita...naging tula? hehehe
hahaha... ganyan talaga ang buhay...
may post ako dati na parang related sa punto ng letanya mo dito.. heheheh
naks! galing naman sa tula... =) nakikidaan sa page moh =) GODBLESS! -di
na-extra pa si darna. hehehe (--,) nadaan lang.
may direksyon naman ah. at naging blog entry. at naishare mo sa mga ka-blog mo. :)
naks astig naman to kuya mulong parang rap..ye! yo! haha hanggang ngayon pala nagmamadjong kapa? haha astig ka talaga.
___________
ah napanuod mo pala, siempre nasa news desk ka pala diba pag madaling araw. hahaha
ASOK...kakosa k nga hehe
DHIANS...salamat
KA BUTE...di ko nalagay tumalon pala ko kay darna at sa kaniya ko umangkas nung nakasalubong ko siya
JOSHMARIE...hindi ba sa kawalan ang direksyon? hehehe
ONATS...adik sa mahjong hehehe
nawawala akow, pahiram mapa,hahahah..
oist amor talagang makapag comment lang ha ...naligaw lang pala hehehe
Ayus! kaaliw sya. sana makasalubong mo si darna ng sya ay mataranta hihihi.
ako nga...lols hindi ba halata? lols wala lang dinalaw mo kase yung dati kong kuta na tinabi ko na sa likod ng sagingan eh.. kaya naalala kong bulabugin ka din...lols see you around
free verse..malalim sya..
ang galing!:)
sa tingin ko ay malalim ang gawa mo. pinagisipan pa din at hindi rin basta basta ang nilalaman. parang tingin ko may mensahe talaga :-)
ANTUKIN SA PALENGKE salamat...bakit naman sa sa palengke? hehehe
KOSA salamat sa pagdalaw? Kakosa ka talaga ng lahat
NYL para walang boundaries di ba? salamat din
DENCIOS salamat sa malalim na interpretasyon...
Post a Comment