Saturday, January 10, 2009

Buti Na Lang...

Maiksi lang ito!

Madalang akong mapasok ng simbahan. Ayoko ng mahabang debate pero hindi kasi ako relihiyosong tao. Hindi ko alam kung bakit.

Napapasok lang talaga ako kapag nag-aanak ako sa binyag kaya medyo hindi ako updated sa mga kwentong simbahan.

Pero sa dinalang-dalang ng pagpasok ko sa simbahan, naagaw pa yung atensyon ng naka paskel na papel. (litrato sa baba.)


Akalain mo yun? May ganyang panawagan, babala, anunsyo, paunawa o kung ano pa man ang tawag dyan. Tsk tsk task!

Para bang hindi mapigilan ang mga nagsisimba sa pag liligawan kaya kinailangan pang tawagan ang kanilang atensyon at ipamukha na nasa simbahan sila. Hindi ko tuloy maisip kung ano kaya ang ginagawa ng mga taong naging inspirasyon para maisip paglalagay niyan.

Sila kaya eh napaka sweet at halos langgamin habang nagse-sermon si father? Baka naman kasi habang ang lahat eh nakayuko at nagdadasal eh merong dalawang taong nagbibigayan ng bulaklak!

Nakow baka naman kasi merong kinilig na ibang tao habang nanonood ng eksena sila at nagkandaihi sa kilig. Kaya sa madalit salita, eh hindi naman talaga ang nagliligawan ang dahilan kundi yung taong hindi napigilan ang ihi.

Pero teka, buti kung hanggang bigayan lang ng bulaklak ang eksena. Paano kung lumagpas pa sa ganuon ang kanilang PDA? Siguro ang ilalagay na nila eh “SIMBAHAN PO ITO KAYA BAWAL MAG LAMBUTSINGAN.”

Hindi kalayuan, paglabas namin ng simbahan, nakita ko naman ang eksenang iyan (sa baba ulit)


Malikot talaga ang isip ko. Pagkatapos kong makakita ng mga salitang tungkol sa ligawan eh nakakita ako dalawang asong…nagkatagpo at nagmahalan(?)

Buti na lang at mga aso sila. Kahit saang lugar, pwede silang magligawan, iparamdam ang kanilang nararamdaman at gawin kung anu ang dapat gawin kung meron na silang mutual understanding.

Buti na lang nasa labas sila ng simbahan. Buti na lang din at mga aso sila.

Pero paano na lang kung mga tao sila?

Malamang ma-rephrase na naman ang naunang paunawa. Siguro ang kalalabasan na nun eh…

“PAUNAWA, MAG MOTEL NAMAN KAYO!”



®

26 comments:

kosa said...

lols
ang lupit!
taena... oo mga aso nga lang yan..pero kung tao yan, hindi mo sila makikita sa kalsada o eskinita lang... kadalasan, makikita mo sila sa madidilim na gilid ng mga sinehan... sa masusukal na bahagi ng luneta... o di kaya sa mga ilalim ng upuan sa Quezon City Circle... nyahahaha

hindi na sila nagmotel kase MAHAL.. pang-date nalang yun.. o di nman kaya pang-sine..lols

my mga iba din kase na gustong ipamuka sa mudon kung gaanu nila kamahal ang knikanilang mga Irog kaya nman ganun! showy lang talaga sila..

peace:))

LordCM said...

Hehehe :D Ayos ah...nakunan mo pa ng pektyur un lolzzz

Pero wala ka naman mgagawa kung talagang nagmamahalan sila eh, at mas lalong wala tayong pakealam kung paano nila iparamdam ang pagmamahal nila sa isa't isa...pwede ngang makipagmahalan tayo sa kanila eh...threesome o kaya foursome lolzzzz

abe mulong caracas said...

KOSA...taena sobrang walang wala naman yun na kung saan saan na lang. Mukang alam na alam mo ha, pati yung sa circle? Peace!

LORDCM...cellphone cam lang yan! Threesome or foursome sa kanila? Hmmmm pag isipan ko hehe!

The Gasoline Dude said...

Ang lalim naman ng pagka-tagalog niyan! Hahaha. Pwede namang 'Pook Dasalan'. *LOLz*

LordCM said...

Hehehe :D Wag ka na babalik ng simbahan pag napag isipan mo ha...kadiri lolzzzz

~yAnaH~ said...

ngayon ko talaga napatunayan na ang mga tinaguriang mga blogger eh laging handa! nyahahaha buti na lang at ang gma mobile phones ngayon eh e may mga camera, kundi ang mga blogger laing may bitbit na digicam to capture moments worth postin--worth makin a blog entry.. ahihihihi


wala lang.. pacute lang..

Bomzz! said...

Lintik nman talaga ano pati simbahan ginawang ng Pook ligawan mga Aneat!! kilangan pa ng babala dapat ginawa na lang nila ang ANG MAG DATE SA SIMBAHAN Sa IMPERNO MAPUNTA hahahahah

Tila sinadya ta na ikaw maka kita nun joke hehehehe

Keno RN said...

lols ang libog naman ng mga asong yan! haha lols ang kukulit ng post mo hehe astig!

toplatsi said...

tsk! tsk! tsk!

inunahan mo pa ang KAP'S AMAZING STORIES tungkol sa 'lovemaking' ng mga aso...
bakit di mo kinunan yung 1st stage nila?

MarcoPaolo said...

pano naman kasi... gusto nila na maging saksi si LORD sa ligawan nila... hmmm... opinion ko lang... hehehe

ang lupit mo pare... pati ba naman aso... hahaha... tsk tsk tsk... bigyan mo ng pang-motel yan!!! langya!!!

poging (ilo)CANO said...

hahaha..iba na ang panahon natin ngayon, ang simbahan ay ginagawang tag-puan na ngayon..meeting place ba! dun kasi mas malapit ang grasya ng diyos kaya paglabas nila ng simbahan isasabuhay na nila ang grasya at un ay ang loto ng diyos..hahahaha..

sayang naman hindi pwedeng gawin ng tao ang ginagawana ng aso kahit pwede...kung pwede lang sana cgro hind na ako dadayo sa recto para lang makapanood ng liveshow! tipid pa!lolz..

Amorgatory said...

natawa akow ha, anong klaseng mata meron ka sa araw na yun parekoy mulong hahaha, lolness, aba at bkt si father nakikita pa ang ligawan moments nang mga jowagers,aba at mga jowagers bkt nyow naman gnawang ligawan ang smbahan, dun kayow sa luneta kasi, fara di kayow makita ni fader,hkahka, ang lufet!!nang asow,hahah, ntawa ako parkeoy ha..lolness..

BURAOT said...

ganda ng pagka kuha mo nung pic. pwede ka nang gumawa ng porn. wahahahaha!

RJ said...

Ganu'n ba?! [Sabay ngiti. Napailing.] Hahahaha! o",)

jeszieBoy said...

grabe tsong nataawa tlga ako ng sobra sa post mung ito!haha. hanep na mga aso yan. bute pa nga sila ano. wala ng motel motel!haha.

ingaats tsong! :]

Dudong said...

ang kulit namn ng simbahan na yan...

antukin Sa palengke said...

Pre ko panalo na nmn ang entry mo, ayus! kala ko kambal yung aso nyahaha! pero ayus yung paskel sa pader ng simbahan, mahihiya na tuloy yung mga magkasintahan na gustong mag sumpaan sa loob ng simbahan kse lakas maka aning ng sign na yan! bka sa susunod ang naka paskil na sa pader eh, "sa kanang bahagi ng pinto ng simbahan ay me bulag na nagpapanggap wag magbibigay!" Nice entry pare ko!

dotep said...

noong unang panahon katulad din tayo ng mga cute na asong pets...

sa simbahan madami kasing mga pa-cute sa labas...

jericho said...

malikot nga isip mo ... close lang talaga ang dalawang aso.

abe mulong caracas said...

GASOLINE DUDE...eh kung pook dasalan, pook pagnilay-nilayan o kung ano pa man, ganun pa rin naman daw eh, parang sinusutsutan ka pa rin hehehe

YANAH...ang motto kasi ng mga blogger eh "laging handa!" kapareho sila ng boys scout!

BOMMZ...pag sagad na raw at walang papansin sa karatula, yun na ang ilalagay! lols

abe mulong caracas said...

KENO...tawag ng pangangailangan yan ng mga aso pare!

TOPLATSI...ang hinintay ko talaga yung panganganak nung babaeng aso eh hehehe

MARCO...ano yung ala janice de belen and gabby concepcion? lols

POGING ILOCANO...talking about body sharing? hahaha! Suki ka pala ng live show sa recto ha!?

abe mulong caracas said...

AMOR...wow, my pleasure! bumilib si ka sa picture ko! wala pa ko sa kalingkingan mo idol!

BURAOT...porn? hmmmm sige pag isipan ko. hehehe!

RJ..parekoy ano kayang pumasok sa isip mo at napangiti ka?

JESZIE BOY...wag mong sabihin na nainggit ka sa aso? mga exhibitionist sila haha

abe mulong caracas said...

DUDONG...makulit yung simabahan kasi makulit din daw yung ibang nagsisimba eh

ANTUKIN...salamat po!

DOTEP...hmmm hanggang ngayon yata marami pa ring pa cute sa labas ng simbahan, lalo na pag simbang gabi.

JERICHO...oooops sori, sabi ko na nga ba nagkasala ako, ang likot ng isip ko waaaaaaah

hisnameisdencios said...

natatawa ako sa post na ito. basta natatawa lang ako haha. no comment sa aso lol
Godbless

Dhianz said...

salamat sa pagdaan sa haus koh... first time koh ren atah magkoment d2... eniweiz... first hi mulong... and hmmnnzz... hihirit lang... nde naman tlgah about sa laging pagiging present sa simbahan ang mahalaga... ang mahalaga kung ano ang nasa puso moh...at mahalagah eh 'ung relationship moh sa Kanyah...kay God syempre... ayonz... graveh.. ok ahh... merong ganyang babala... hayz... ba't nde na lang pabayaan yang mga nagliligawan na yan... we are all free to do watever we wanna do eniweiz... d' more moh pagsasabihan d' more kang nde susundin... wehe... and who are we to judge devah?... ano pa bah?... ahh.. 'ung mga aso... napicturan moh ahh... naawa akoh minsan pag ganyan silah tapos mga tambay eh bubuhusan silah minsan pa atah nang mainit na tubig or kaya naman babatuhin.. nakakaasar... sarap pagbabatuk-batukan ang mga tambay.. really.. i'm a dog lover so affected akoh kapag nasasaktan silah.. so 'unz.. napakuwento akoh sa first ever koment koh sa page mo... neweiz... nice to meet u and have a nice day... GODBLESS! -di

abe mulong caracas said...

DENCIOS...siguro kung nai do-drawing ang comment, dinrowing mo siguro yung tawa mo hehehe

DHIANS...salamat sa pagdalaw. tungkol sa mga aso, nakakaawa talaga kasi minsan asin ang nilalagay. isipin mo na lang kung sa tao yun...hapdi nun ha!