Tuesday, January 13, 2009

Tamang Porn Muna, Este Hulsam Pala

Yaman din lamang (akalain mo yun, may yaman pang sumabit?) at natuwa kayo sa litrato ng dalawang aso na nag-aanuhan, nagmamahalan (o kung ano pang pwede nyong itawag sa ginagawa nila) may isa pa kong litrato na ibabahagi sa inyo na sana eh magustuhan din ninyo.

Dahil sa dalawang aso, ang sabi ni Anak Ni Kulapo, pwede na raw akong gumawa ng Porn. As producer ba ala Robbie Tan nung panahon na ang mga pamagat ng pelikula eh Kangkong, Sisid at Pisil?

O bilang director ala Peque Gallaga nung box office hit ang Scorpion Nights? Nakow ano nga ba ang pinaka magandang eksena sa Scorpion Nights?

Pero teka, pwedeng pag-isipan yan ha. Baka diyan pala ko may kinabukasan.

Dahil wala akong maisip na isusulat sa mga oras na ito, ayan inihahandog ko sa inyo ang isa pang litrato na sinasabi ko:


Nakita ko sila sa pader sa harap sa may lababo namin isang gabi habang nagsisipilyo ako. Ipagpaumanhin na lang ninyo dahil gabi nila naisipang magniig kaya medyo may kalabuan.

Akalain mo, ang mga butiki pala, sa gabi rin nagtatalik? Yun nga lang gusto nila lights on. Napagtanto ko lang, paano nga naman mai-shu-shoot ang maliit na ano sa maliit na butas kung patay ang ilaw?

Sa totoo lang, gusto ko sanang mag-isip ng malalim na kwento tungkol sa kanila, yun bang may social relevance. Anak ng tokwa, naka ilang kape at yosi na ko, hindi ko maisip kung ano ang magiging halaga ng litratong yan sa ating lipunan.

Baka nga nailabas na ang itlog na bunga ng ginawa nila eh hindi pa ko nakakaisip ng makabuluhang kwento tungkol sa dalawa.

Ang mahirap naman, kung susundutan ko ng tatlong boteng beer, eh baka masyadong bumilis ang imahinasyon ko, lumagkit ang utak ko at kung saan makarating ang istorya.

Kaya mas mabuti sigurong tulungan nyo na lang akong gumawa ng kwento tungkol sa kanila. Yung wholesome ha!




®

22 comments:

RJ said...

Sabi ng aking kaklase noong college sa kanyang article sa aming student publication, itong mga butiki raw ay napakaliit lang kung tutuusin, at halos walang halaga pero sila'y nagbibigay ng isang halimbawa para sa atin. Maliit nga lang sila ngunit sila'y tinitingala ng lahat, at kailanma'y hindi sila maaring apak-apakan lang dahil marunong o may kakayahan silang iposisyon ang kanilang sarili doon sa itaas!

Nagpaparami sila ng kanilang lahi dyan sa litratong nakuha mo, sana'y maging inspirasyon din ang kanilang mga susunod na henerasyon para sa ating lahat.

~yAnaH~ said...

nakakatulong yan para mabawasan ang mabilis na pagdami ng ating populasyon jan sa pilipinas. nabanggit mo na din lang na sa gabi gustong mapag-isa ng mga butiki with the lights on..abkit hindi na lang sila ang pag ubusan ng oras sa gabi instead na kug ano0anong kababalaghan ang ating ginagawa kung gabi. in that way, walang magaganap na basketball at walang mabubuong kung ano man... ahihihihi
yung akin naman eh suwestiyon lang.. ahihihihihihi

akalain mong nauna pala ako dito.. nyahahahaha
good morning mulong!

~yAnaH~ said...

hindi pala ako ang una! ay napahiya ako! nyahahahaha

abe mulong caracas said...

RJ...oo nga naman, kadalasan nga pala, para mapagtuunan sila ng pansin eh kailangan silang tingalain.

YANAH...tumpak! sabi nga ni RJ tinitingala sila, kaya kung gabi at bukas ang ilaw, ang mag asawa sa halip na may gawin, titigan na lang ang mga butiki, hehehe

zeb said...

aba aba aba, amPUCHA pati mga butiki naisipan mo pa ng kwento, ang TABA NG UTAK MO MULONG hehehehehe.

kung tutuusin dapat magalit sayu yung dalawang butiki kasi personal na pangyayari sa buhay nila yun, yung pagsesex nila hehehe. yun nga lang dun n sila naabutan ng Libog hehehe. "Napagtanto ko lang, paano nga naman mai-shu-shoot ang maliit na ano sa maliit na butas kung patay ang ilaw?" (tawa mode talga ako dito hehehe)

ingats mulong.

MarcoPaolo said...

hahaha! wholesome pa ang hanap mo parekoy ha... ayos din ang mga trip mo noh! una, aso at ngayon naman ay butiki... hmmm... pinag-iisipan ko tuloy kung ano ang susunod nyan... lolz

aabangan ko ang susunod na mga kabanata!!! lolz

abe mulong caracas said...

ZEB...taba ba ng utak o wala nang maisip? wahehe! di na sila pwedeng magalit ng nakita ko sila kasi di na sila makapaghiwalay...mabibitin!

MARCO...ayoko sana talaga ng medyo ma berde eh...peksman!

Lord CM said...

Hehehe :D Mahilig ka pala sa hayup, at malaswa pa ha...cguro veterinarian ka, Animal na Doctor, ay...Doctor pala ng Animal lolzzz..

Pero astig yang pektyur mo ha...bka next time nagtitirahan na lamok nman makunan mo :D

kosa said...

hahaha.. tama yung hirit ni LordMC..
mahilig ka talaga sa malalaswa? mga ayup na porma.. lols
iba ka!!! astig!!

sige papasadahan ko yung tag niLordMc sa atin ngayun para makagawa ka na din ng sayu... hahahaha
taena.. kailangan gumawa ka din ha!! matapos mong sabihin na papaunahin mo tapos susunod ka..lols

The Gasoline Dude said...

Wala din akong maisip na social relevance tungkol sa pagniniig ng dalawang butiki. Inuman na lang tayo. *LOLz*

abe mulong caracas said...

LORDCM...malaswa ba? hmmm lamok? medyo mabigat yatang chalennge yun. Sa susunod tao naman! joke!

KOSA...isa ka pa...hindi nga malaswa hehe!

GASOLINE DUDE...yun ang the best, inuman na lang!

manilenya said...

hehehehe! naaalala ko tuloy nung blinag ko yung pelikula ni Osang na Ligaya ang Itawag mo sa Akin sabi ng isang bisita..."ayus ha pati pelikula ni Osang e ginawang ng social relevance!"

pero kung tutuusin e socially relevant naman yung Ligaya...katulad ng pagkakaroon ng social relevance nitong mga butiki lol

galeng hehehe siguro lagi mo hawak kamera mo kahit ano gawin mo ano? lol! ingat baka sarili mo na pala makuhanan mo magkaron ka pa ng Mulong Scandal lol!

hello skulmeyt!
may nagpadala pala sa king litrato ng magdyowa na ngayong taga Panday Pira na naging Pinsel ni Juan baka kilala mo sila :)

poging (ilo)CANO said...

abababa..pati butiki pinatulan..mata nga naman tlgang makasalanan kahit sa maliliit na nilalang..hhaha

nabuhay na nman ang body sharing..tagay na! apir!

abe mulong caracas said...

MANILENYA...sariling scandal? hmmm meron na hahaha. sinong taga panday? ang kilala no nagkatuluyan noel and shine.

POGING ILOCANO...hindi naman makasalanan, naninilip lang hehe

toplatsi said...

eto ang tanong...

kung ikaw si laguardia, alin ang dapat i-censor..
pic ng 2 asong nag-aanuhan
o
ang pic ng 2 butiking nag-.....

Lord CM said...

Si mulong ang dapat i-censor, kasi dami nya nakikitang malalaswa at kahayupan lolzzz

abe mulong caracas said...

TOPLATSI...naku mahirap na tanong yan ha! tingin ko mas obcence yung mga aso pero hahagilap ako ng mas malupet pa dun.

LORDCM...peace! wala po akong kasalanan hehehe

eli said...

nagregister agad sa isip ko yong 'scorpio night..hehe nice post.

tnx sa pagdalaw sa blog ko. okay ang soundtrack natin ah.

Lionheart : Richard the Adventurer said...

Galing naman ng mga alaga mo...

Kagagaling ko lang ng UP... katatapos manood ng isang Bold Movie... Hehe :)

abe mulong caracas said...

ELI...anong eksena kaya ang nag register?

LIONHEART...talagang sa UP pa nanood ng bold ha!

manilenya said...

Si Bong at si Rica..nasa pinsel ni Juan na sila nung huli kaming magkita kita e.

pahingi ako ng scandal mo lol!

BURAOT said...

hehehhe. magtayo ka kaya ng blog na puro ganyan pics lang ang laman. wahahaahhah!

patok yun!