Friday, January 23, 2009

The End Na 'To!

Pasensya, wala akong maisulat. Ilang araw na din kasi akong may sakit. Nadaanan ko lang itong balitang ito na gusto ko sanang ibahagi sa inyo.



Patay ang isang babae at isang lalaki matapos banggain ng rumaragasang truck ang sinasakyan nilang taxi sa may panulukan ng Roxas Boulevard at Buendia pasado alas nuebe ng gabi

Base sa mga nakuhang ID, nakilala ang mga nasawi na sina Arjay Lamosa at Carmela Tanjutco. Ligtas naman, bagamat patuloy na inoobserbahan sa ospital ang tsuper ng naturang taxi.

Dead on the spot ang dalawang pasahero at halos di makilala ang babaeng biktima sa tindi ng aksidente.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na tinatahak ng taxi ang Roxas Boulevard sa direksyon patungo sa lungsod ng Pasay.

Pero pagdating daw panulukan ng Buendia, biglang sumulpot mula sa may bahagi ng World Trade Center ang rumaragasang ten wheeler truck hanggang tuluyang sumalpok sa tagiliran ng taxi.

Sa lakas ng pagkakabangga, wasak ang kanang bahagi ng taxi particular sa may pintuan. Inararo pa ng truck ang taxi dahilan para bumangga ito sa gutter sa gitna ng kalsada.

Agad namang tumakas ang tsuper ng truck na ngayoy patuloy na tinutugis ng mga otoridad.

Ilang munuto matapos ang aksidente ay dumating naman sa lugar ang mga kaanak ng mga biktima at napag-alamang dati palang magkababata ang namatay na biktimang sina Arjay at Carmela.




Hanggang dyan na lang, pabayaan na natin sila. Hindi na nasundan pa kung saan sila papunta at kung ano ang gagawin nila.

Pasensya na rin at kailangan nang tapusin ang character nila.

15 comments:

p0kw4ng said...

kakaawa naman=( pero siguro nga tapos na ang script nila sa dula dulaang ito...

huh si p0kw4ng ba ako,hihihi

poging (ilo)CANO said...

wow una ako!
talagang katapusan n b yan? dpat may karugtong pa yan..mula lamay hanggang sa kanilang libing dpat may update. tingnan lang natin kung ang ipapakain nila sa mga tao na nakilamay at nakilibing e mc do products din..oh d b sosyal...hehehe

kawawang arjay at carmela..katapusan n nga nila..tsk..tsk...lols

manilenya said...

nakakalungkot naman ang balita :(
tama ka, wag na palalimin pa pagkakakilala sa dalawa...isama na lang nila yun kung saan man sila pupunta.

darkhorse said...

Truly life is unpredictable..we don't know if we are still here tomorrow - so be ready!...tc

abe mulong caracas said...

POKWANG...oo tinapos ko na ang dula nila. Teka tagal mong nawala ha? Kumusta naman ang buhay?

POGING ILOKANO...pareko pabayaan na natin sila baka mahalungkat pa kung saan sana sila papunta at bakit sila magkasama eh, gumulo pa lalo. Pero for sure may mcdo nga dun.

MANILENYA...oo nga naman hehehe

DARKHORSE...speechless

kosa said...

anakanang!!!!

ito na ba?

taena.. gawa gawa lang ba to o totoo?
nadala ako ahhhh... akala ko pa nman si maykenrikets ang nagsasalita!

sige sige kitakits!

MarcoPaolo said...

huh??? totoo ba ito??? o karugtong lang to ng mcdo commercial na ginawan mo ng storya???

kawawa naman sila...

abe mulong caracas said...

KOSA...kung anu-ano kasi ina-anticipate nyo na gagawin ng mga mc do bidas eh, yan tuloy!

maykenrikets ka dyan lols!

abe mulong caracas said...

MARCO...karugtong lang ng mc do na ginawabn nyo at ko ng kwento hehehe. yung picture nakaw sa net, ang pangalan kathang isip hehehe

gillboard said...

akala ko totoo, may litrato pa talaga... ang lungkot naman ng kinahinatnan ng 2. kasalanan ng sundae at fries yan.

dylan dimaubusan said...

wahaha! you're a mad man! kung sino man tong nasa pics, sana wag ka nilang dalawin.

pamihira ka. wala akong masabi.

PUSANG-gala said...

grabe naman to---kakadepress--daming buhay ang nasasayang dahil sa mga irresponsableng driver---sana mahuli yang truck driver na yan....

~yAnaH~ said...

toinks...kala ko din totoo.. na-sad nman daw talga ako while reading tas background pa yung "alone again" mo

abe mulong caracas said...

GILLBOARD...oo nga eh, kung maging nobela pala ang dapat na title eh "sundae and fries"

DYLAN...alam mo natakot din ako...pero pasensya na po sino man sila.

PUSANG GALA...haaay sineryoso ang kwento hehehe

YANAH...pang emote ba yung along again? hehehe

Vhonne said...

waaa... buti binago mo ung picture sa taas... masyado kc sensitibo un.. hehehe... nakakagulat...