Paalala, mababaw lang ito! Peksman!
Bakit kaya pag may ginawa ka sa unang pagkakataon eh may halong kaba?
Walang nakakaalam kung masarap ba o masama ang kalalabasan ng gagawin mo kaya parang naghahabulan ang tibok ng puso. Sasabay pa dyan yung pag-aalinlangan kung itutuloy ba o hindi kaya lalo na tuloy iba ang lukso ng dugo.
Baka nga yung iba eh di magkamayaw sa pagkagat ng labi para ma relax lang. At habang hindi ganap na natatapos ang ginagawa, nanunuyo pa yung kinakagat na labi.
O teka lang, sinabi ko nang mababaw na usapin lang ha kaya ialis mo yang maduming eksenang pumapasok at unti unti nang nagkakabuhay sa malisyoso mong utak.
College na ko nang masalta ng matagal sa Maynila. Nakarating naman ako sa eskwelahan nung nung unang araw ng pasok pero nung pauwi na, nakalimutan ko kung saan ba ko dapat lumiko, sa kanan ba o sa kaliwa?
Edi ayun, pawisan nang makarating sa bahay na tinutuluyan ko. Para nga akong nag ano sa tanghaling tapat habang nasa loob ng masikip na kwartong walang kisame na yero ang bubong!
Isipin mo na lang kung paano magbubutil ang pawis ang sa ganuong sitwasyon at lugar… habang nagbubunot ng sahig diba?
Natawa na lang ako pero first time ko namang magbiyahe mag isa at magpalipat-lipat ng jeep sa Maynila eh kaya charge to experience na lang.
Kung anu yung kabang naramdaman ko nuon, hindi na rin nalalayo sa kaba nuong unang beses akong nasasakay sa roller coaster sa Star City. Hanggang perya lang kasi ako dati kaya di ko alam na may ride palang may 360 degree loop.
Bakit nga naman di ka kababahan, paano kung habang nasa itaas ka ng loop eh makalas yung pinakaharang sa inuupuan ko?
Ibang klaseng kaba naman ang naranasan ko nung unang beses akong inutusang mag withdraw sa ATM. Ang bilin kasi, wag daw ipapakita ang pin. Kaya ayun, kahit may kalayuan naman ang kasunod sa pila, sinabihan ko pa yung dalawa kong kaklase na tumayo sa gilid ko.
Aba malay ko namang hindi naman pala lalabas sa screen ang mismong pin number na pinindot ko! First time eh!
Pero may isang first time ang talagang nag-iwan ng tanong sa isip ko na hindi ko pa nasasagot hanggang ngayon…sa elevator!
Excited ako nung unang beses ako nakasakay sa elevator pero habang papataas kumalog na parang lumilindol kaya ibang kaba ang naramdaman ko. Nung pababa na, nag-alanganin ako at binalak kong maghagdan na lang.
Dahil nasa 6th floor ako, binalewala ko na lang ang kaba dahil marami naman akong makakasabay. Kung mahulog man, ang sabi ko, madami kaming maaaksidente!
Pero bago muling sumakay sa elevator, isang eksena ang tumatak sa isip ko na nag-iwan sa akin ng tanong. Madalas ko pa ring makita ang ganung eksena aya hanggang ngayon kaya hindi ko pa nasasagot ang tanong…
Ang elevator ba, kapag pinindot kahit naka red na ang up or down button…at kung may isa pang nagmamadali talaga at pindot pa ulit ng pindot, bibilis ba itong bumaba o umakyat?
®
22 comments:
ahehehehe...first time mo?...aheks...sana nga de-kambyo ang elevator...aheks...tapos pagsobrang bilis ang akyat o baba nito...huhulihain ka ng pulis, over speeding...aheks... :D
Kahit anong first time, siguro nakakakaba!
Yung sa ATM, naranasan ko din.
Pero mas kinabahan ako sa pagsakay sa LRT. Hindi ko kasi alam kung paano hinuhulog ang token. Hindi ko alam parang juke box lang pala!
Di mo iniwan tsinelas mo bago pumasok ng elevator? lolzz
SUPERGULAMAN...edi pag nagkaganuon, ang operator kailngan na rin ng lisensya?
MIKE AVENUE...oo nga parang juke box lang, di mo ba naranasan yung may kanta mismo? hehehe
sa automatic door first time ko nung bata pa ko.. nag-aalangan akong pumasok nun.. inabot ako ng 30minutes sa labas.. kung hindi pa ko sinundo ng pinsan ko hindi pa ko makakalabas.
first time kong mag eroplano 13 years ago... hindi ko alam kung majejebs ako sa sobrang kaba nung mag take off na ung place tapos tinanggal ko pa ung seatbelt ko. naranasan ko rin sa atm.. first time ko magwithdraw sa atm, that same time... first time din na-capture ung card ko.. sa sobrang taranta at kaba ko, umiiyak akong nagsabi sa guard nung bangko..
LORDCM...sori di ko napansin comment mo hehehe. wala naman kasing basahan kaya diniretso ko lang tsinelas ko.
daming first time ah! da best yung sa ATM mo, na hindi lang basta kaba, nagresulta pa ng iyakan blues lols!
para kay YANAH pala yung huli hehehe!
kwentong first time... haha... may katangahan ako sa elevator... 1st day ko sa 2nd trabaho ko... sa sobrang kaba ko nun, nalimutan ko pindutin yung floor na bababaan ko, andun lang ako sa loob, hintay, hanggang sa bumukas yung pintuan ulit... akala ko andun na ko sa floor ko, yun pala nasa ground pa rin ako...
haha. natuwa naman ako sa post mo. Hindi naman sya mababaw talaga. May katotohanan lahat at hindi lahat ng tao ay pinapahalagahan ang mga ganyang bagay :)
Pers taymer eh... ganun talaga.. pers eksperyens Dubai here i kam atomatik pala pinto nila pag may naamoy na tao bubukas at sasara eh ako ang kasunod na lalabas biglang sumara umatras ako baka maipit...ako... nag masid muna ako ng ilang tao.. hayunnn.. pag mejo malapit kana at naamoy kana di mag sasara... na iwento sa mga pinsan... hayunnn sangkaterbang tawaaaaa buahahaha ganun....
sensya wala sa probinsya eh pers taymer nga eh heheh
Lahat tayo ay mga 'first time'... Kahit ang mga may edad na, ay maaari pa ring magkaroon ng first time; hanggang may buhay.
Sa Australia, katulad din ng sa Inglatera, ang tawag sa elevator ay 'LIFT'. Hahaha! May kwento rin ako tungkol sa lift nu'ng first time kong gumamit nito rito sa Au pero huwag na, the stage is yours, Kuya Abe Mulong caracas.
kahit d2 sa dubai, LIFT din ang tawag sa elevator. un nga lang may lift d2 na iba ang program language... language Pana! ung pag aakyat ka.. pipindutin mo DOWN (para bumaba daw ung lift) at kung bababa ka naman, pipindutin mo ung UP (para tumaas papunta sayo ung lift!)
oha! san ka pa! only in dubai!
parekoy,
wag mong isipin ang pagsakay sa elevator!
ang isipin mo, masrelax ang nakasakay sa elevator kesa sa maglakad sa hangdan..lols
kitakits pareoy!
sorry ha pero natawa ako sa ibang perstaym mo. haha. ok lang naman diba kasi natuto ka naman :)
lolz!.
takting yan!...nung una escalator ngayon elevator naman ang pinatulan mo...lolz...Pinoy kasi pre..kaya pindot ng pindot kahit di naman bumibilis....
kahit sinabi mong mababaw pre applicable pa rin to sa lahat ng perstaym na karanasan...perstaym sa "patay sindi" di mo ba ikkwento?...lolz....
ayos dre!...
ha! ako din kinabahan nung first time ko. hindi ko alam kung maghuhubad ako o hindi dahil sa pawis na dulot ng nerbiyos...lolz...
ang hinihintay ko eh yung pers taym mo sa seks..wala ba non?? bakit wala..beergin ka pa ba?? hahahaha
Ahahaha akala ko naman kung ano na. *LOLz* Isip ko ikuwento mo 'yung perstaym mong mag-JACKS... Jack Daniels. Hehehe sobrang nakakabangag ang perstaym na malasing. Nyahaha. = P
haha.first time tlga! nakakakaba!haha.
ang alam ko hindi nman siya bumibilis. ganun n a yata tlga ang bilis ng elevator. un ang alam ko!haha. :]]
Sa tingin ko lahat naman ng first time nakakakaba..hehe
Uhm, pareng Mulong.. Anuman pinagdadaanan mo ngayon, sana okay ka lang.. Malalagpasan mo rin yan..;)
hehehe nakakakaba nga ang first time kahit ano pa yun pero syempre dun tayo natututo at nagiging expert naks naman
tungkol naman sa tanong mo- ang hula ko malamang hindi rin alam nang makulit na pumipindot na hindi naman pwedeng bumilis ang takbo ng elevator, nagbabakasakali lang yun na baka hindi tumigil sa floor nyo (ganun kasi ako hahaha)
naipit ako dati sa elebeytor. hindi umubra yung kakapindot ko. hehe
Post a Comment