Saturday, February 28, 2009

Toilet Humor


Classic ‘yung dalawa kong mahjong buddy tuwing Sabado at Linggo, sina Kagawad Ver at si Pekto. Pareho kasi silang ututin. At hindi basta utot, malakas at yung parang may halong bumubulwak na!

Sa isang banda, nagbibigay buhay sa sugalan ang mahiwagang tunog na nagmumula sa magic short ni Kagawad at ni Pekto. Umaatikabong salitaan kasi sa tuwing matatapos ang pagpapasabog.

Iyun nga lang, hindi lang isang beses iyun, libangan nila ang pag utot habang naglilibang na kami. Hindi ko nga alam kung anong power meron ang tiyan nila at kaya nilang magpatunog ng suot nilang short na napapaangat pa sila ng kaunti mula sa pagkakaupo.

Nagiging redundant tuloy ang sugalan. Diba connotation na nga na ang sugalan eh amoy utot. Tapos uutot pa ulit,edi doble doble na.

Di naman pwedeng ipagbawal ang umutot sa sugalan kasi natural na amoy utot naman nga talaga.

Pero kahit anong luwag sa pakiramdam ang naibibigay ng ganuong pagpapasabog, iba pa rin ang ligayang bigay kapag umupo ka na sa enodoro at ibabagsak ang masagang jebs.

Ako pa naman eh madalas magkaroon ng release order kunyari nakainom ako. Lalo na kung red horse ang pinagsaluhan ng aming mga baga, pihadong kinabuksan, magluluwat sumuba ako sa banyo para umupo sa mahiwagang trono.

Di ko alam kung pareho ang trip natin pero mas gusto ko iyung pagkakataon na kapag andyan na eh may taong nauna sa toilet. Tapos gugulo ang isip ko, kakatok, maglalakad ng pabalik balik, magyoyosi, maglalabas ng usok na parang huling pagbuga na at kung anu ano pa.

Hanggang sa hindi ko na kayang maglakad at tatambay na ko sa pintuan ng banyo. Huwag na huwag mo kong gugulatin dahil baka bigla na lang…may sumambulat at magulat ka din!


Kapag hindi ko na kaya, kakatok ulit at sisigaw na ko ng “bilisan mo naman!” Pagpasok, halos hindi na umabot dahil sa lintek na di butones at di zipper pala ang short.

At sa aking pag upo…heaven!

Gayunman, sa dinami dami ng dumi na nailabas ko na, na ikinatutuwa naman Malabanan brothers, (para sa kanilang Pancit Malabanan) iba pa rin kapag bumalik ang ganuong nakakakiliting pakiramdam…pero wala ka naman sa bahay.

Sa Farmers Plaza ang hintayan namin nuon bago tumuloy sa pag-aanak sa binyag sa Marikina. Dahil nakainom ako bago ang naturang araw, uminom muna ako diatab bago umalis ng bahay. (hindi naman dumating sa puntong naging maintenance ko ang gamot na yan.)

Eh hindi umipekto. Yari!

Para akong si Samuel Bilibid, lakad ng lakad sa mall na hindi ko naman kabisa. Malapit na, ramdam ko na!

Nagbubutil na ang pawis ko kahit aircon pero hindi ko makita ang kubeta. Halos naglalakad ako nang iniipit ko na yung hita ko ng suot suot kong maong. Pakiramdam ko kasi…tunaw!

At nang marating ko ang dapat kong paroonan, hindi nga ako nagkamali. Ang tunog niya eh para lang akong nagbukas ng giripo! Sabay ngiti.

Tangina, walang tisyu at lalong wala namang timba at giripo. Pero eh ano, lumang resibo lang ang katapat nyan!


®

22 comments:

=supergulaman= said...

tae na yan!... ate tlaga...ahahaha...

aga-aga...tae na agad...aheks..

swerte mo may resibo pa plang natira... :D

Anonymous said...

lols
usapang utot..
usapang tae..
usapang kubeta..
usapang inuman at sugalan na dinudumi..lols

angsaya nun.. kitakits

naranasan ko na din yung pagpawisan ng malamig at malamunggo ang laki..lols

abe mulong caracas said...

SUPERGULAMAN...huh? may binanggit ba kong tae? oo nga pala ano usapang tae nga pala...tsk tsk umagang umaga hehehe

KOSA...yun ang masarap, yung ganung pawis, akala kasi nila sa pag aanu lang nararanasan ang ganuong pawis eh....lols

gillboard said...

sana hindi ako kumakain habang nagbabasa... mamasa masa pa yung kwento!!!

tae!!!

2ngaw said...

Langya!!!buti na lang tapos na ako mag almusal lolz

zebzeb said...

Naalala ko tuloy ung post mo before n may pic.ng toilet.Nyahahaha.

Panalong panalo talaga ung resibo mo.

yAnaH said...

lesson lerned: ugaliing magipit ng sandamakmak na resibo sa wallet in case of emergencies. ahihihihi

eMPi said...

waaaahhhh.... kakaibang kwento!!!

usapang... tae!
usapang... Utot!

grabe na to!!! whew!!!

magbaon ka sa susunod ng tissue... ewww.... hahahahaha

RJ said...

Kagigising ko lang ngayon mula sa aking afternoon siesta. Hahaha! Napatawa niyo kaagad ako! o",)

Ano po ba ito, patalastas ng Loperamide? Nag-model po yata kayo sa anti-diarrheal drug ah.

Amorgatory said...

ampucha pare!!natawa akow sa usapang tae na malasadow at utotski, hahaha ganyan din akow eh, pag nbakainum inaumagahan tlga diretso nkow sa banyo..shet!!hahahah nakakarelate akow dun sa pa lakad lakad na tila nag aalala sa mga susunod na pagnyayari hahaha pero ang lufet nun recibow mo sa huli hahaha!!amfuteek !

Unknown said...

yakult!

poging (ilo)CANO said...

hahaha..tae ka mulong...buti ka pa tumatae, ako once or twice a week lang magjebs..hahahaha

one ball lang ang nabunot ko, sino nakakuha ng joker? ayun all up na siya...todas na...lolz...

tagay na!

eds said...

haha.. nawala ang tama ng sleeping tablet ko ng mabasa ko ang post mo .. gifted ka nman sa humor.. cguro in person walang dull moments no? hahaha..

Yung last na pag-atake na tunaw at para lang nagbukas ng gripo hanep! hehehe... labas ang gilagid ko katatawa! hay naku .. salamat sa nakatutuwang joke :)

Anonymous said...

Ibang trip mo ah.

p0kw4ng said...

tanga yan ang pinakamahirap na kalaban..kahit anong ganda at macho pag inabutan ka ng pagtatae sa daan eh wala ang poys na iningatan,hahaha

di pa naman ako sanay na walang tabo,tubig at sabon pag tumatae..hihihi

The Gasoline Dude™ said...

Maarte ako kapag tumatae. Kelangan me tubig at sabon. Parang gusto kong mag-drama ng "Andumi-dumi koh!" kapag tissue paper lang ang gamit ko. What more kung resibo? *LOLz*

Anino said...

Hindi ba nawawala ang rebolusyon sa iyong tiyan sa tuwing nakakakita ka ng maruming inidoro?

Anonymous said...

GILLBOARD...oo nga ramdam ko rin, mamasa masa pa nga ang kwentong ito...yuuuuck!

LORDCM...ano ang almusal mo? may pansit malabanan ba?

ZEB...sige gagamitin ko ulit ang piv na yun...savior ko ang resibo!

Anonymous said...

YANAH...tama ka, hindi lang resibo, samahan na rin ng sedula, withdrawal slip at kung anu-ano pang maliit na papel na kasya sa wallet!

MARCO...ang hirap pag tissue hindi kasya sa bulsa tsaka pag nahulog halatang halata na taehin ako!

RJ...muntik na, ang ganda ngang eksena sana sa commercial hehehe

Anonymous said...

AMOR...resibo: ang tagapagligtas!

DOTEP...yuuuuuck, tunaw na tunaw yun ah!

POGING ILOKANO...taena talo na naman kanina! lasma!

EDS...akala mo lang yun, abangan mo yung mga angst ko lalabas na rin!

Anonymous said...

DYLAN...sakay lang ng sakay kahit anong byahe! isang ngiti nga dyan!

POKWANG...may tama ka! wa poys talaga lalo na pag nagbubutil na ang pawis kahit nasa aircon naman!

GASOLINE DUDE...yun ang tatak ng boys scout pag gumagamit ng resibo...laging handa!

ANINO...pag rebulusyon na talaga mahirap maging choosy! kaya pinag aaralan ko nga kung paanong isuka na lang eh!

Dudong said...

anak ng teteng mahirap nga yan...ayoko ng feeling na ganyan...anu namn ang reaksyon ng ibang nag ccr pag labas mo?

mas nakakatawa kung kunyari deadma sila tas deadma ka lang din...ahahahaha