Tuesday, February 10, 2009

Walang Itong Title


Hindi ko alam kung tamang termino ba ang “bandology” sa pagsusulputan ng mga banda ngayon. Parang lahat na lang yata gustong maging rakista. Yung iba naman magsuot lang ng itim na damit, guluhin yung buhok feel na feel na ang pagiging banda.

Pero basta naman may ibubuga, ok lang kahit magsiksikan pa ang mga banda sa mga radio natin. Sa isang banda, ok yun kasi kayamanan sila ng musikang pinoy!

Isa na lang naman ang hindi pa nila nadidiskubre at nananatiling kawalan ng kultura ng ating musika…AKO!


At dahil nga, para silang kabute, pagandahan siyempre ang dating ng pangalan yung tipong kapag tinawag pa lang sa stage eh naghihiyawan na kahit hindi na kumanta. Lintek lang, pangalan lang pala ang hinangaan!

Siguro kung ako ang magkakabanda, ano kaya ang magiging tawag sa amin? Kailangan may recall at halos synonymous sa salitang “magaling.” Kung “TELEBONG” kaya, may arrive ba?

Bantot! Ang pangit! Para bang kutsara’t tinidor lang ang instrumento na inihahampas sa lamesa, baso at bote! Tapos lahat gustong maging bokalista habang hindi magkamayaw sa pagkanta at hindi nna rin maintindihan ang kinakanta.

Malamang, nabetsin ang mga tumatagay kaya nagkaganun! Lakas kasi mamulutan! Hindi rin namalayan na nataktakan na pala ng abo ng sigarilyo yung bote!


Kapag kasi mga nalalasing, lahat pangarap maging ely buendia, yael, rico blanco, bamboo, chito miranda. Sa huli, kahit yata blakdyak, pinapangarap!

Teka lang, alam nyo ba yung mga kantang;

Pare ko ng Eraserheads,
Banal na Aso, Santong Kabayo ng Yano
Peksman ng Siakol
Skin ng Green Department
Awit ng Kabataan ng Rivermaya
Next in Line ng After Image
Multo sa Paningin ng The Youth
Bilanggo ng Rizal Underground
Laklak ng The Teeth
Pagsubok ng Orient Pearl
Paglisan ng Color it Red at
Buloy ng Parokya ni Edgar?
Eh yung Till Death Do Us Part ng White Lion?


KUNG ALAM MO ANG LAHAT NG IYAN O KARAMIHAN SA MGA IYAN, KAWAWA KA NAMAN…SIGURADO DI NAGLALAYO EDAD NATIN!


®

38 comments:

yAnaH said...

shucks..
aaminin ko bang alam ko lahat ng kantang yan?
weh! cgeh na nga..
alam ko silang lahat..
teka.. buloy yun diba?
pero hindi porket alam ko lahat nang mga kantang yan eh ibg sabihin na nun eh magkapanabay lang mga edad natin..
No-No-No-No..
ahihihihihi
joke lang poh..

Anonymous said...

YANAH...haaaaay pano mo nga ba, ide-deny na posibleng magka edad tayo o panahon mo nung sikat ang mga kantang yan eh katatapos ko lang basahin ang kwento mo. tatlo na kids mo diba? ilang taon ka na kaya? hahaha

Kosa said...

hehehe..
nananatiling kawalan ahhhh..
changna... pareko...
search mo si Gorgorio... yun nafeature sa Jesica Soho.. ang lufeeeet.. hehehe
ganun dapat.. hehehe

ikaw kaya ang gawing Real Version ni Gorgorio..hehehe

Anonymous said...

naku kuya... 25 pa lang ako noh..
mukha lang akong 45 pero 25 pa alng ako. nagkataon lang na maaga akong lumandi ahihihihi
hindi pa rin tayo magka edad.. im sure.. hehehe

Anonymous said...

KOSA...wow kaka amaze naman ang comment mo pare. di ko na gets, parang iba ang direksyon mo hehehe!

YANAH...DONT SAY BAD WORDS! LOLS!

gillboard said...

di ako pamilyar sa mga banda at kantang inisa-isa mo... Jonas Brothers lang ang inabutan ko!!! hahaha

2ngaw said...

Si charice pempengco na yata naabutan ko lolzzz

Hehehe :D Walang makakalimot jan pre, taena sa panahong yan nagkaruon ng magandang musika ang pinas...hindi ginaya ang mga tema ng kanta sa kung saan saan, halos lahat ng composition eh sariling atin at hindi galing sa ibang banda...

abe mulong caracas said...

GILLBOARD...nakow aprekoy ang alam ko lang na jonas eh pamangkin ko. ang brothers naman eh burger hehehe

LORDCM...isa pa to, charice ka dyan! may nakalimutan ba ko sa listahan?

eMPi said...

Parekoy, halos lahat... pero ang gusto ko talaga... Next in Line - after image... my fave song ata to... hehehe... kantahin mo nga parekoy... :)

=supergulaman= said...

weeeehehehehe...alam ko lahat yan...putik yan favorite dito sa ofiz... "bandemonium collection" ganda ng sounds...as in bandemonium hindi pandemonium... hindi tulad ng tugtugin ngayon...sabi nga ng isang isang sikat na banda...hindi ko sasabihin ang pangalan nun baka awayin pa sila...ako na lang.., "wag kayong maniniwala sa mga nagpapanggap na rakista tulad ng cushe"... pasensya na pero mukhang silang boyband...ahehehe...

the best pa rin ang parokya ni chito...ahehehe... ^_^

Anonymous said...

MARCO...parekoy halos lahat lang...hindi lahat? oooooooooowwwwwssss stiiiiiiir? hahaha

SUPERGULAMAN...una, hulaan ko, pirated yung bandemonium. pangalawa, mali yung spelling ng cueshe mo lols. hindi daw sila boyband! rakista daw sila...rock on daw sabi nila

Kosa said...

Isa na lang naman ang hindi pa nila nadidiskubre at nananatiling kawalan ng kultura ng ating musika…AKO!

yan ang ibig kong sabihin pareko..
lols
Ikaw... nananatiling kawalan sa Musikang Pinoy.. yun yun.. hehehe
pangalandakan mo nga yung talent mo pareko... gawa ka ng mala-acousticroom ni Keno..hehe

RJ said...

Wow!

Hindi ako ganu'n kagaling maggitara pero nu'ng nakita ko ang listahan ng mga kanta rito, bigla kong naalala ang aking gitara. Mukuskos nga mamaya. o",)

poging (ilo)CANO said...

lumang kanta na ang mga yan ah...ni isa dun wala akong alam kantahin...shetz....

sana ibalik ang kahapon para marinig ko naman ang mga yan..lolz..

punky said...

mali yung BANDOLOGY..
ang tama ay BANDIDO..
nyahahah..

Anonymous said...

Ahahaha! Hmm, kelan ka kaya madidiskubre? Magpa-expose ka kasi!

Alam ko lahat ng nasa listahan mo, so, malamang di ka pa masyado matanda, este, di nalalayo ang edad natin...
Fave ko ang Prinsesa ng The Dawn noon..
May nakalimutan ka pa, Teeth ata - yung kumanta ng Laklak - ito kasi bagay sa blog mo.ehehe.

piz men!

Anino said...

Tsek lahat ng kanta!

-MCZO- said...

alam ko yang mga banda na yan pero di tau magkaedad nyahaha peace :P

=supergulaman= said...

at inaway nga ako...ahahaha..uyyy...fan ng cueshe... eheks...ayan tama na spelling ku.... pis... :D... inde ito pirated nu, nakaw ito..., dinowload ko ito sa internet... ahahaha... original ito wala nga lng license.. :D

A-Z-3-L said...

naku.. naku... aaminin kong alam ko lahat ng kanta na un. pero di pa ako nakakalbo kuya... hahahaha!
peace!

Amorgatory said...

AHAHHA!!MULONG PAREKOY PARANG MGKALEBEL TYOW SA EDAD AH,HAHAH..PERO ASTIG MGA YAN KAYA LANG MAS ASTIG PA DIN SI MIKE HANOPOLSKI AT ANG SAMPAGUITA HAHAHA..YAN YAN ANG MGA TUNAY NA ROCK AND ROLL!!LETS ROCK!!

Lizeth said...

nyahahaha! grabe ka nman. alam ko yan pero bata pako. wahahaha! fisssssssssh!!!

atto aryo said...

he he. di ko alam yung Bulog ah! ibang generation yata ako. he he. honestly, muntik ko ng ma perpek!

Anonymous said...

kahit mga kabataan ngayon pinapakinggan pa rin yan... di kasi naluluma...

pero isang bagsak muna! blag!! .. di tayo nag kakalayo.. ng edad! panahon ko rin yan eh

no bad words.... pre..

abe mulong caracas said...

KOSA...ayun gets ko na, mababa kasi IQ ko hehe. yung kanta ko nandyan lang sa tabi tabi, pakinggan mo!

RJ...yun ang malaking lamang mo pare, yung marunong kang mag gitara. year 2000 bumili ako ng gitara regalo ko sa sarili ko, pero wala ginawa ko lang display sa bahay.

POGING ILOKANO...wow lakas ng tama, sana maibalik ang kahapon para daw malaman niya ang mga kantang yun!? hahaha

abe mulong caracas said...

PUNKY...i stand corrected, BANDIDO pala!

DYLAN...kung kelan ako madidiskubre? malalim na tanong yan! meron pong laklak sa listahan ko. yun namang prinsesa, Teeth din yata kumanta nun not The Dawn

ANINO...tsek lahat? meaning? hehehe

abe mulong caracas said...

MCZO...yun ang masakit na comment!

SUPERGULAMAN...di naman pala pirated eh, downloaded lang lols!

AZEL...isa ka pa! hahaha

LIZETH...isa ka pa rin! c',)

abe mulong caracas said...

AMOR...buti pa ka. talagang all caps mong sinabi na mukhang magka edad nga tayo! yan ang palaban hehehe!

R-YO, perfect mo yun, namali lang ako, buloy yun. naitama ko na!

BOMMZ...yan ang isa pang matapang! pero tama ka, hindi lang ay may ka edad natin ang kumakanta niyan. isang bagsak

urbanguru said...

hala ka!

alam ko ang lahat ng mga yan. pero wala pa akong muwang nang naririnig ko sila sa radyo at napapanood sa tv.

sadyang maaga lang nagmature ang musical awareness ko...

*rock on*

PaJAY said...

lol

Banda?
betsin?
Abo?
mga rakista?


sa tagayan lang lahat napaguusapan yan a..lolz..

tumatagay ata si pareng mulong habang ginagawa ang post na'to..lolz.

Kaninong tagay na ba?...pahingi...

Anonymous said...

URBANGURU...naks wala pa talagang muwang pero maaga lang nag mature ang musical awareness, gifted bro ang tawag dun hehe!

PAJAY...umiikot ang tagay prof hehehe

Anonymous said...

may dugo nananalaytay sakin na rakista pero pangarap kong maging si rico blanco hehe

abe mulong caracas said...

DENCIOS...parekoy parang redundant yata hehe, diba instead of "pero," "kaya" ang dapat? pati tagalog grammar pinuna hehe

Anonymous said...

natawa naman ako nahalat tuloy ang edad ko.... hahahaha

Unknown said...

ang alam ko lang dyan ung sa siakol, e-heads, at parokya. bata pa ko nun. pero naalala ko. haha. astiigg!

Anonymous said...

MARKEY...wag mag alala di pa ito talagang usapang edad, usapang music pa lang. pero paano na kaya kung iyun na ang isyu? patay tayo dyan!

JESZIEBOY...bastos kang bata ka! etong sa iyo...wapooooooow! (kutos lang yan hehe!)

Anonymous said...

Ah yeh, ende ko nakita ye, tsuri.

And another yeh. Mga ngipin din pala kumanta.

Happy Balentayms! pero happy friday the 13th muna nyan,lolz

Unknown said...

alam ko lahat yan pre...

yung white lion lang ang hindi...

hehe...

rock and rolla!