Tuesday, March 17, 2009

Chopsuey....

Napag-tripan kong bigyan ng medyo may kahirapang trabaho ang sarili ko…pipilitin kong pag tagpi tagpiin ang mga tag na hindi naman tag price. Kung paano? Bahala na!

Nitong Linggo at tulad ng marami pang Linggo na nagdaan, hindi natatapos ang maghapon ng hindi nasasayaran ng alak ang sikmura ko. Pampalipas oras lang dati pero ngayon may takdang oras na para uminom. Parang hindi na buo ang araw na iyun kapag hindi naiinom.

Sa simula, malumanay na usapan pero sa bandang huli, hindi nagkakasya sa walang sigawan kahit magkakaharap lang naman! Baka kung may makakarinig ngang ibang tao, aakalin na magkakaaway kami sa harapan eh.

Nagngangalit ang mga litid sa leeg habang nagdedebate., hindi bale sana kung makabuluhan ang pinag-uuspan. Hindi ko na matandaan kung paano napasok sa usapan pero ang tanong lang namang pinag-uusapan eh kung pwede daw bang sabihin “pumasok sa labasan”

Teka nga teka nga, bakit ba pinahihirapan ko ang sarili ko? Basta nag-trip lang at pinagnasahan ni Amor Powers ang legs ko. Dahil ang request niya eh yung tipong mapapangiti siya ng palihim kapag nakita niya yung legs ko…eto ang para sa iyo!


O baka matunaw tama na!

Si Punky naman, yung sulat kamay naman ang gustong ipabandera. Kakahiya naman pero maganda akong sumulat. Medyo may kinig na nga ngayon kaya medyo pumapangit na. Pero dati binibili ang sulat kamay ko! Peksman.

Siguro kung mapera lang kami nuong araw at natuloy ang pangarap kong kumuha ng fine arts nung college, malamang binili ng Microsoft ang penmanship ko para gawing isang regular font nila!

Wag ka nang kumontra at wag mong sabihin hindi naman ganun kaganda ang sulat ko. Sulat paa pa lang kasi yang tinititigan mo!

Pag isahin ko na lang papasahan kong gumawa nitong legs at penmanship tag…sige nga ikaw magkwento ka rin AZEL, LIZETH, DYLAN, DOTEP, GILLBOARD at DENCIOS? Kaya mo yan!

Teka teka ulit, huli man daw at magaling huli pa rin…pero isang AMEN PARA KAY YANAH!

34 comments:

poging (ilo)CANO said...

teka teka!

legs mo ba tlga yan o legs ng kainuman..parang ang layo eh!...lolz



amen kay yanah!

Kosa said...

awwwww
legs ni Mulong?
ahhhhh ayus na ayun...
indi tulad nung legs ni Pogi...hehehe

hanggaling..
tagpi tagpi pero ayus!

abe mulong caracas said...

POGING ILOKANO...paano mo naman nasabi na ang layo parekoy? akin yan!

KOSA...ayus na ayus ha!

taena nakalimutan ko pala yung pic ng penmanship, balikan nyo na lang mga parekoy!

dencios said...

sana tinag mo ako wala pa kasi nag tatag sakin hahahaha

wow legs a. astig.. pang akit sa chiks yan no? hehehe

rock on!

darkhorse said...

wow sexy! lol hehehe ayus dre! tc

abe mulong caracas said...

DENCIOS...pang-akit o panakot? nyahaha, hinabol kita sa tag parekoy!

DARKHORSE...kakatawa pala yung legs tag, laging may wow nyahaha!

RJ said...

Kanino ba nagsimula itong tag ng mga binti?! Isinali pa ang lahat ng tao sa blogosphere, nais lang 'atang makita ang legs ng crush niya. U JOKE!

'Yon ba ang sulat-kamay niyo, Kuya Abe?! Talagang nag-i-effort kayo sa pagsusulat ng titik 'G' ah.

Hindi pa huli ang 'panalangin' n'yong ito kay Yanah.

The Gasoline Dude said...

Prituhin na 'yang legs na 'yan sa kumukulong mantika! *LOLz*

gillboard said...

seryoso ka, tinatag mo ako dito?! sigurado ako, walang gustong makakita ng legs ko!!! hahaha

p0kw4ng said...

yung sulat mo para lang yung mga sulat nong maarte nong high school..walang kaeffort effort!hihihihi

at ang legs..talaga namang pang show ih..parang nangaakit lang!hihihi

abe mulong caracas said...

RJ...parekoy ang alam ko kay AMOR powers yata nagsimula ang tag na yan kasi madalian yata pag online nya nun...hayan parang virus na kumalat na ng kumalat hehe!

GASOLINE DUDE...oo nga prituhin, maghanda ng toyot, sili't kalamansi, pulutanin na yan nyahaha!

GILLBOARD...oo pare ok lang yan katuwaan lang! peace!

Lord CM said...

ayos may bracelet pa, at naka di kwatro pa...paano mo nagawa un pre? kamay saka paa nakadi kwatro?, kamay ba ung may bracelet? lolzz

Kosa said...

ahhhyun ang penmanship..lol may pakunswelo pang babuydamo..hehehe peace

abe mulong caracas said...

POKWANG...pang show ba? malupet! legs pa lang ulam na! wag mong pintasan ang sulat kasi paa pa ko ang nagsulat niyan!

LORDCM...patay nalintikan na, pinagulo mo na parekoy!

MarcoPaolo said...

daming legs naglabasan ngayon ah.... kasalanan ni AMOR to... lolz


Prayers for Yanah!

A-Z-E-L said...

Kuyaaaaaa... mukhang maeexpose ang legs ko neto ah.

penmanship mo un? legs mo un? parang daming nabigla ah! sabi ko na nga ba kuya eh... favorite mo ang PINK! aheks! (wala akong sinabi ah!)

dencios said...

hahahaha. yare na.... gagawin ko yan sa mga susunod na post hehe. kaso panget n nga sulat ko panget pa din legs ko nyahaha. cge mang gugulat din ako naiinggit kasi ako sayo :Ddyntiog

dotep said...

asia brewery!

colt yan tsong!!!

painom ka minsan sa bilog na mesa..

hehe

punky said...

wow! hahahahah!

Amorgatory said...

WAHAHAHH!!OMAY GULAY!!!!!!!!LEGS BA YAN HAHAHA..MULONG PAREKOY HIGHER PA DAW SABI NI KOSA LOL..WAAAAAAAA!!!NATWA AKOWS SOBRA LOLNESSS, BAT ANG DAMING CHURVA HAHAHA, SI MARCONESS DI NA DAW MAHIHIYA KASI MAY KA LEBEL NA SYA LOL..BUHAHA!!SADYANG MAPAGBIROW LANG ANG AKING MGA KA TRIPAN SA BUHAY, MAY NEXT TAG AKOW COMING SOON HAHAH..LOL..NATTWA AKOW PRMSE SALAMAT PAREKOY HA SA LEGS MOW LOLNESS, AT SAME PALA TAYOW MAYA ABUBOD SA ANKLE LOL

Amorgatory said...

@rj kapatid para kasi maiba naman llakeng legs naman, kasi lage nalang bbae eh hahaha, damayan na to lahat s blog lol

Dylan Dimaubusan said...

Ahaha! Cge inom lang.. Kumustahin ko atay mo in a few years ha... ;D
Ah, pati na rin yung baga.. so hinga hinga ka lang ngayon..bwahahaha!!!

Nagawa ko na 'tong tag na 'to eh. Halos magkasing sulat kamay lang tayo pag naka-caps lock.. ahaha!
Pero kung sulat paa mo lang talaga 'tp, eh patay tayo jan! Talo na ko.. nyahaha!

Lionheart : Richard the Adventurer said...

Naks naman,...

Nagpakita ng legs...

hehe :) Okey lang iyan. Summer na ulit!


Lets adventure!

abe mulong caracas said...

KOSA...di baboy damo yun, ilong yun ng taong malaki ang bibig na nag iihit ng tawa nyahaha!

MARCO...si amor nga ang nagkalat ng virus!

AZEL...wala eh yun lang ang stabilo kong nahalungkat sa ofc...di ko nga alam kung naibalik ko ba sa tamang lalagyan eh

DENCIOS...request mo yan parekoy hehehe

abe mulong caracas said...

PUNKY...ikaw ang nagpasa sa akin bwahaha

AMOR...takte eh talagang pwedeng kang magtawa ng malakas dahil ang sipon na sinimulan mo ay isa ng epidenmya..

meron pa palang susunod nyahaha

DYLAN...kailangang hanapin ko ang legs mo...este ang post mo pala tungkol sa tag na ito!

LIONHEART...oo nga buti na lang summer na! legal!

pugadmaya said...

waw..nauuso ang pagpapakita ng body parts ngayon ah.. :D haha..

Dylan Dimaubusan said...

Tag ng legs?!

Asa. lolz :b

ehehe.

Pilar said...

legs ba yan? parang longganisa?

lol.

The Pope said...

Kaliwa't kanan ang tagging activity ngaun, pati legs ay tina-tag na rin pala.

Natawa ako sa nabanggit na usapan kung puedeng "pumasok sa labasan", ang sagot bakit hindi, kung wala namang magrereklamo kung ito ay maaring "lumabas sa pasukan"

Magandang binti sa inyong lahat.

abe mulong caracas said...

PUGADMAYA...oo nga eh, ano kaya ang susunod sa legs? kili kili?

DYLAN...daya! hehehe

PILAR...hindi ba churiso? lols!

THE POPE...isa pa nga yun sa ginawang pangontra parekoy eh. Salamat pagdalaw!

Amorgatory said...

BUAHHAH PAREKOY NTAWA TLGA AKOW SA MG LEGS NYO!!HAHHA DONT WORRY MAY NAICIP NNMAN AKOWNG TTAG ETO TLAGA KARUMALDUMAL TO HAHAH, COMING SOON KAYA MAGHILOD N KAYOW
HAHAHAH..

BURAOT said...

hanef sa mga tags. wahahahha! teka, sino si Yanah? hirap ng palaging absent.

Lizeth said...

saka ko na gagawin toh kasi wala akong camera nasira! hehehehe. pero salamat sa pag-tag!

日月神教-任我行 said...

成人遊戲,免費成人影片,成人光碟,情色遊戲,情色a片,情色網,性愛自拍,美女寫真,亂倫,戀愛ING,免費視訊聊天,視訊聊天,成人短片,美女交友,美女遊戲,18禁,三級片,美女,成人圖片區,avdvd,色情遊戲,情色貼圖,女優,偷拍,情色視訊,愛情小說,85cc成人片,成人貼圖站,成人論壇,080聊天室,080苗栗人聊天室,免費a片,視訊美女,視訊做愛,免費視訊,伊莉討論區,sogo論壇,台灣論壇,plus論壇,維克斯論壇,情色論壇,性感影片,正妹,走光,色遊戲,情色自拍,kk俱樂部,好玩遊戲,免費遊戲,貼圖區,好玩遊戲區,中部人聊天室,情色視訊聊天室,聊天室ut,自拍,後宮電影院,85cc,免費影片,a片