Friday, March 13, 2009

Subok Lang

gaano man daw kabigat ang dinadala…
matutong pa ring ngumiti!
hindi daw natin alam
na baka ang iba pala
mas mabigat ang nasa balikat
pero nanatiling matatag!


“be positive” sabi nga

subukan nga nating tumawa!


ang sabi nina nicolle eala at chris tsuper…

ang taong mahilig sa wacky picture at magulong litrato ay…

hindi photogenic!

ang sabi naman ni mister fu…

ang lalaking gwapo, gentleman, matipuno, mabait at mayaman

isama na rin natin

ang babaeng maganda, sexy, maalalahanin, mapagbigay at malambing ay…

mga kathang isip lamang!


® ang jologs ng joke ko!

41 comments:

gillboard said...

di totoo yung sabi ni mister fu...

hindi ako kathang isip... hahaha

p0kw4ng said...

totoo nga yung sa mga wacky petyurs kasi gawain ko yun..maganda ako pag naka make face,hihihi

Kosa said...

oo nga parekoy.. ganun nga..

sabi ko sayu eh..
at sabi din ni Yanah,
ang mabigat ay Gumagaan,
kapag Binibitawan.hehehe
jologs din yata?
peace

Lord CM said...

Brod, ano problema nung unang pics? bakit nakatingin sa ano nya? di ba pantay ung 2 ano nya?

abe mulong caracas said...

GILLBOARD...yan ang pamatay na comment, di rin nga ako naniwala kaya ibinato ko yung radyo namin nung narinig ko yun!

POKWANG...dyan naman ako di naniniwala sa iyo...nagpababang uri ka naman! kaw pa!

KOSA...parang ano lang yan diba, ang timbang puno ng laman, obviously mabigat, para gumaan ibuhos ang laman!

LORD...yan ang di jologs na joke! sumisimple yan pare may halas nangangati daw kasi tag init na!

MarcoPaolo said...

Ganon ba yon? Maniwala ako... :)

Lord CM said...

Naalala ko nga ung sabi ni Yanah, at comment ni Kosa...siguro nga nabibigatan sya sa betlog nya kaya sya problemado...dapat paputol nya na para gumaan na...

abe mulong caracas said...

MARCO...parang gustong i protesta ni pareng marco! hindi raw siya kathang isip! nyahaha

LORD...pag naputol naman wala nang gana lols!

Lord CM said...

Un lang!!!Mali pa rin ung sabi ni Yanah na gagaan pag binitawan...mwawalan ng gana pag niputol pala dapat..

darkhorse said...

be positive! mahirap nga lng kaya pinipilit n lng minsan....tc

RJ said...

Wow! Naalala ko sina Nicole Eala at Chris Tsuper! On air pa rin ba sila, hanggang ngayon?! Kapag nagro-rota ako dati, naka-tune ako sa kanila. Na-miss kong bigla ang tawa ni Nicole, ah.

Maganda ang mensahe ng iyong post.

JoShMaRie said...

peyborit mo din si mr fu ano?

RoMe said...

sabi nga laughter is the best medicine!! pag tumawa ka mababawasan ang problema mo kahit gaano pa ito kabigat! nyahahahahaha

pugadmaya said...

grabeh si mister fu ah..umeksena na din dito.haha..naiiinis ako pag siya na ang deejae sa radyo na pinapakinggan sa bahay namin..pero nakikitawa na din pag may mga jokes siya.. :D

Dylan Dimaubusan said...

GANUN?!

I object!

wahahaha!
(pilit na tawa)

poging (ilo)CANO said...

ibig sabihin nun kathang isip lang ang kapogihan ko?

hahahaha...lolz

abe mulong caracas said...

DARKHORSE...yan ang pinaka malalim na comment, kapag nasa ganyang punto walang nagagawa kundi haaaaay!

RJ...doc yap alive and kicking pa rin sila, mas maingay at mas matinding mambalahura ng tao! may album/cd pa nga sila ngayon eh.

JOSHMARIE...nyahaha ako pa, medyo ibang level ako...barangay LS! ayos!

abe mulong caracas said...

ROME...kahit ilang saglit lang!

PUGADMAYA...dahil kina micter fu at kila nicolle, naluma tuloy ang mga original na maiingay tulad nina triggerman, john hendrix at iba pa! pati sila chico and delemar nasasapawan na nila!

DYLAN...sige itaguyod ang katotohanan, na ikaw ay hindi kathang isip, isa kang buhay na alamat! hehehe

POGING ILOCANO isa ka din sa nagprotesta ha!

onatdonuts said...

hahaha nakakatawa ka naman kuya mulong pati ba naman si Mister FU? hahaha

nga pala napanuod mo naba ang SLUMDOG MILLIONAIRE? naku kuya panuorin mo, napakahusay!

abe mulong caracas said...

ONATS...kesa naman yung mga kapitbahay natin dati sa pasilyo...remember yung amoy ponn na nagtanong "wah was that?"

ano ka ba, anong petsa na para magtanong kung napanood na ang slumdog...eh yung dampot, pukol, salo napanood mo na?

onatdonuts said...

hahaha oo nga naalala ko yun si ATE na amoy poon ang pabango. hahaha

tapos nung nahulog ang kanyang pen. anlakas ba naman ng boses, sabi WAT WAS THAT? hahaha

sabagay mas pipiliin ko nalang si mr. fu kesa dun. haha

Dhianz said...

...haha natawa akoh... dmeng nag-object... dme atang tinamaan eh... lolz... 'un lang palah 'ung post moh... kaya etoh nakikomentz na ren... abah nagbabagong buhay kah nah atah ahh... so far walang mga x-rated post ah.. lolz.. ingatz kuya mulong... Godbless! -di

Vhonne said...

buti na lang.. ndi ako kathang isip lng.. hehehe.. pero... bakit ganun? ndi naman ako photogenic... pero ndi din ako mahilig magpapicture ng wacky o magulo? hehehe...

abe mulong caracas said...

ONATS...hahaha di naman kagandahan.

DHIANS...wag kang mag-alala babalik din ang mga makamundong post lols. paminsan minsan mag tamang seryoso muna tayo!

VHONNE...isa pa tong reklamador, bahala nga kayong patunayang buhay na alamat kayo!

Amorgatory said...

wag nalang tumawa para wlang problema buti nalang pala hndi akow mayaman na sexy na magand na churva kasi illusion lang , tao ako tao hahaha

onatdonuts said...

hahaha tama ka kuya mulong, sabagay dami namang ganyan sa ating kumpanya. Di naman kagandahan kung makaasta kala mo sing ganda ni jade lopez. hahaha sinu yun?haha

Monz Avenue said...

kahit medyo corny, natawa parin ako.. haha..

ey parekoy, na-add na kita sa bloglist ko.. pa-add din.. hehe ^_^

dencios said...

hindi korni
totoo naman talaga lahat ng sinabi mo.
MAY PUSO NGA E!

=supergulaman= said...

ahehehe... ayuz yung kay mister fu...lagi ko yan naririnig..."may Energy ka ba?"... aheheheh...

A-Z-E-L said...

may katotohanan talaga to Kuya Abe.

madaming kathang-isip lamang!!!
pero kung sakaling thoughtful at sweet si Barbie kay Ken... may mali ka! (wag magalala wala pang nakakapagpatunay nyan!)

salamat sa pagdalaw!

abe mulong caracas said...

AMOR...buti ka pa walang reklamo at buti na lang, lols!

ONATS...sino naman si jade lopez? akala mo kamo si ramona revilla, nasaan na kaya siya?

MONS...sige tawa lang kahit pilit!

SUPERGULAMAN...wow may listener na pangga hahaha

DENCIOS...salamat parekoy, puno ng puso iyan!

AZEL...salamat din sa pag apprecaite pero sino sila barbie at ken? meteor garden?

pogingpayatot said...

bwehehe paborito ko yan! si chris tsuper en nicole eala. nakalimot ako konti sa stress ah. berigud!

Polahola said...

alam mo yun, nung binasa ko ang post mo ngayun kuya mulong. grabeh.... haha dami ko narealize ukol sa pag-aspire ng perpektong boylet! hahaha

<*period*> said...

kuya, sino yung amoy poon? hehehe..btw, si ramona revilla? eh di ba siya yung bold star na naba-blind item dati na maitim ang kuyukot at may baktol? grade three ako nang mauso ang pelikula ng nila..hehehehe

ang walang kamatayang si mister fu...na nagsabing kung gusto mong maging bading...humawak ka ng police beat...

hekhekhek

sana mapadaan ka sa blog ko..

enjoy said...

naniniwala ako dun sa sinabi mong about guys... ksi kung hindi man kathang-isip... BADING SILA!!!!

nyahahaha! :D

jeszieBoy said...

yo sup abe mulong caracas?

I'm inviting you to join the EARTH HOUR 2009

just check it out!

http://jeszieboy.blogspot.com/2009/03/flick-that-switch-off-make-difference.html

dotep said...

huwag kang aayaw! think positive!

-robin padilla

Pilar said...

kathang isip lang pala ako..???

*kapal ng mukha* lololol.

long time no bloghop sa bahay mo ako ha.

abe mulong caracas said...

POGING PAYATOT...jologs ka prin pala hehehe...peace! dami talagang fans ng balasubas at balahura!

POLAHOLA...akalain mong may lalim ang dating sa iyo ng post ko para may ma realize ka? hehe

ERIC...hindi mo kilala yung amoy poon, wala ka pa noon sa radyo at wala na rin siya ngayon.

ENJOY...lalim ng analysis ah! hahaha

abe mulong caracas said...

JESZIEBOY...nothing much! naks may ganun? konyo?

DOTEP...robin padilla ba yun? parang ibang commercial yata!

PILAR...aaah tingin ko ikaw ang nag iisang exemption sa pilosopiya nilang iyun hehehe

PaJAY said...

takte! parekoy!..nahuli ako dito a...


umabot dito ang ilong ni mister Fu parekoy..

sgoongaling sya!...lolz...


ayos parekoy..hindi Jologs to....medyo lang...hahahaha..lalo mong pinasikat si Cris tsuper..heheheeh