Saturday, March 7, 2009

Totoo Na 'To: Tatagal Ka Ba?

Walang duda na ilang araw na lang at maghahabulan ang mga kabataan para magkaroon ng Summer Job. Sayang nga naman kasi ang dalawang buwang bakasyon. Sa halip na humilata at maghintay sa wala, gumawa ng paraan para magkaroon.

Ako nga na kumikita na ng konti na lang eh limpak limpak na, gusto pa ring magkaroon ng extrang trabaho. Moonlighting yata ang tawag dun. Baka nga lang magkaroon ng problema sa tax eh mabuting mamamayan pa naman ako!

Bagamat marami akong pera pambayad sa abogado para siyang mag-ayos na lang ng lahat ng pasikut-sikot sa BIR, ayoko pa ring magkaproblema sa buwis na binabayaran ko.

Naniwala ka naman! Walang taong naghahanap ng extrang trabaho kung makapal na ang bulsa!

Dahil nga sa kagustuhan kong magka dagdag kita, isang malupet na ad ang nakaagaw pansin sa mamahalin at mahirap pukawin kong atensyon. Ayan sa ibaba!


Panalo ano!? Mukang maganda at masarap maging raket. Yung tipo bang iniisip mo pa lang na kung sakaling matatanggap, pero hindi pa man, eh parang hinihipan at kinikiliti na ng pakpak ng manok ang “T” mo…tenga ba!

Dahil medyo may kabigatan din naman ng konti, pinagnilay-nilayan ko rin kung kakayanin o tatagal kaya ako sa ganitong trabaho? Parang opisina din kaya, walong oras sa isang araw? May OT kaya? Bago ang actual performance, may dress code kaya?

Dami kong tanong. Tama lang naman ang ganun kasi ang trabaho, parang giyera yan, kapag walang baril o sabihin na nating walang bala ang baril,aba eh wag nang sumugod. Malamang sa malamang, pagkakagastusan pa ng gobeyrno ang benepisyo mo kung sakaling mapuruhan ka!

Dapat sa umpisa pa lang alamin na ang kakayahan! Handa ba kong mag maintenance ng balot, Lipovitan o kaya eh Cobra?


Buti na lang, bago ako maghanap ng sagot at magpractice, nakita ko na may mga qualifications din naman pala. May panuntunan ding dapat sundin.

Tama rin naman, huwag basta tanggap lang ng tanggap!

Larong isip lang, paano kaya aalamin kung kanino mapupunta ang P50,000 na premyo? Patatagan? Padamihan ng maiipon? Ilang ano kaya bago magpalit ng ano? Paano kung mabutas, ulit uli mula sa umpisa? Paano kaya makakapandaya?

Singkwenta mil din yun eh!



®









33 comments:

p0kw4ng said...

hahaha ayos nga yan..pero ang payo ko sayo eh wag mga balot at lipovitan at magastos pa yun...ipakagat mo muna sa bubuyog yan tapos lagyan mo ng frame na alambre sa ilalim para hindi kita,hihihi

putsa di ko mabasa ang qualifications sa liit ng font..balak ko pa namang mag apply..hmp!

RJ said...

Anong uri ng condom po ba ito?! Siguro napaka-special... Ang laki kasi ng bayad, eh, P50,000!

Sa Pilipinas lang ba ito pwede? Hindi mabasa ang qualification, maliit kasi ang picture! Huh!

Keno BSN RN said...

try ko kaya mag apply jan.. hehe mukang enjoy nmn ung trabaho eh.. haha lols

abe mulong caracas said...

POKWANG...taena hirap naman ng pinapagawa mo...baka mamaga sa bubuyog eh

RJ...oo nga eh sabi pag luma na daw ginagawa daw chewing gum eh. Yap sa pinas lang yan.

KENO...ok lang kasi 50 naman ang kailangan.

check the website na lang for the qualifications www.durex.com.ph

♥ChUcHAy♥ said...

totoo ba ToH SHocKED*

ANo pO BA daPAt gawiN hehe...syemPRE D AkO puede Dyan

peWo curiOus Lng NMn jejejeje.....

gillboard said...

mukhang exciting nga yang trabaho na yan... hahaha... tanungin ko yung kaibiga ko kung may ganyan din sa trust!!!

kung ako makapasok dyan, kahit la na pera... bragging rights lang ok na... hehehe

Kosa said...

lols
maka-apply nga minsan..

kitakits sa trabahong iyan!

abe mulong caracas said...

CHUCHAY...totoo yan and pwede ang babae, check their website na lang!

GILLBOARD...naku ipo-protesta kita sasabihin ko trust user ka hehehe!

KOSA...kita kita, parang ang pangit! imagine this, nagkasalubong ang 2, "pare san ka papunta? pauwi pa lang ikaw? pa duty pa lang ako!"

Lord CM said...

Hehehe : TUTUO yan mga pare at mare, napanuod ko sa TV Patrol...Online ang application nyan di mo kelangan pumunta, isa sa requirement eh dapat marriage ka...married pala lolzz...di ko lang matandaan ung brand ng condom kung ano, pero kelangan nila ng feedback from testers,

Bibigyan ka nila ng iba't ibang klaseng flavor o style ng condom then may ilang araw o weeks ka na dapat testing-in un, sa bahay nyo ah!!!at hindi sa opisina nyahahaha, syempre sa asawa nyo dapat gamitin.

Ngayon ung 50k and prize eh mapupunta sa pinaka active at magandang feedback...kung baga magaling ka mag kumento o mag review sa mga bagay bagay...so after nyo i-test ang condom na pinadala sa inyong tahanan kelangan gamitin mo ito at gawan ng review at i post sa isang site na ibibigay ng company, syempre bigyan ka nila ng account dun para makapag post ka ng feedback mo...

Oo nga pala, bawal ang binata't dalaga...bawal din ung 'mini' , kasi walang silang size na extra small lolzz

Dudong said...

gandang trabaho ito...bagay sakin dahil may pagka mahilig ako. (sa high rise na tirahan) un ba un condom unit...pangarap kong tumira dun eh kahit itest ko lang tas gawan ng review...ahahahah LOLS.

abe mulong caracas said...

LORD...o ayan naibigay na yung detalye. akala ko ba naman dadalhin yung condom after gamitin at isa sa basehan yung kung paano manalo. padamihan ng laman.

patay bawal pala ang mini.

DUDONG...masarap talaga tumira sa mga condo unit. san nga pala gusto mo? ibang unit ka pala hehehe

zeb said...

Natawa naman ako dun s c0ment bak m0 kay kosa..

Ang sabi marami ng unemployed individual ngaun, o ayan my mga available ng work.

MarcoPaolo said...

napanood ko nga rin to sa news... pwedeng part time to... hehehe

PUSANG-gala said...

katuwa namang trabaho to--pero parng pati kaluluwa mo mate-test din--hehe

abe mulong caracas said...

ZEB...oo nga ano in the midst of retrenchment due to world economic crisis hehe

MARCO...pag part time yata pare di pwede manalo ng 50K. Small size din daw ang ibibigay!

PUSANG-GALA...hindi lang kaluluwa pati na lakas, kahihiyan, kapal ng mukha at iba pa!

=supergulaman= said...

inde ko ata kaya ito....ahahaha...

50K...mhhhh...pag-isipan ko....

cge game payag na ako....ahahaha.. :D

PaJAY said...

anong testing kaya yan?....didilaan ba isa isa ang condom upang malaman ang flavor at mahiwalay sa ibat ibang flavor?..o i tetest kung malakas ang pitik pag hinila sabay bitaw habang ginagamit?...hahaha...

mag apply ka nga muna siguro pareng mulong at ng malaman namin ang totoo...lolz...

Dhianz said...

ang reply koh has nothin' to do w/ ur current post.. and reply koh eh 'ung sa post moh na "Tatagal Ka Ba?" ditoh koh na pinost kc nga diz is ur recent one para nde masayang ang effort koh at mabasa moh... lolz... haha.. naaliw akoh sa post mong yon... naaliw akoh sa mga ganong post... and natawa akoh kc feeling koh ganyan atah akoh minsan mag post... isang mahabang mahabang paragraph lang... hehe... at etoh like ganitoh... puro dot dot dot... tapos tuloy tuloy lang... wehehe... naaaliw akoh sa mga ganyang post kaya binasa koh tlgah... yeah matiyaga akoh... lolz... kaso nga lang 'un mejo kakaduling.. kc pati 'ung color na ginamit moh eh... and abahhh...bihira 'un... ang mag-post si kuya Mulong na nde x-rated.... hehehe... hmmnnnzzz.... yeah 'un lang... humiritz lang.... hanggang sa muli... nde koh na gano binasa ang recent post moh... nde makaagaw atensyon koh eh... lolz... ingatz kuya Mulong.. and btw belated happy birthday... yeah so belated... sabi nga nilah.. better late than never... ingatz... Godbless! -di

JoShMaRie said...

unfair naman... parang hindi pwede sa mga babae yan. hahahaha.

dencios said...

maka apply nga diyan at para may pang ekstra income haha

Axel said...

@Joshmarie >> pwede mo naman itry din eh... hehehe...

Ayos yan ah, teka kanino mo ba itetest yan??

Rome said...

langya pre mukhang mahirap yang trabaho na yan ah! ilang oras ba?


salamat sa iyong info ayaw ngang magkoment nung blog ko.. ayus na ngayon..

Marlon said...

Nyahaha, may ganyan ba talagang trabaho? hehehe napanood ko kasi minsan sa natgeo (Oo geek ako) na testing ng ganyan eh pinupuno ng tubig hanggang sa pumutok. hehehe


Oo nga pala, iyong ID process ko asap kasi nag reformat ako, install ko pa ulit Photoshop ko eh,

abe mulong caracas said...

SUPERGULAMAN...sabi ko sa iyo eh, kapag 50K na ang usapan pwede namang deadmahin ang hiya eh ano?

PAJAY...ang hirap naman ng testing na gagawin mo. pero mali, susubukan daw kung pwedeng gawing chewing gum yung condom.

DHIANS...sige lang, parang naimpluwensyahen kita kasi angdi-diretso din ang comment mo!

abe mulong caracas said...

JOSHMARIE...anong di pwede? open din ang trabaho sa babae.

DENCIOS...parekoy welcome back...sige apply lang basta pwede pagkakitaan

AXEL...di ko rin alam kung paano at kanino ite-test eh!

abe mulong caracas said...

ROME...hindi mahirap, may limit naman yan kung ilang putok nyahaha!

MARLON...mahina klase ang ganuong testing. ngayon kasi hindi lang ang tibay ng condom ang susubukin kundi pati yung tuhod ng susubok hehehe!

Dylan Dimaubusan said...

Nail daw that dream job?!?!?!

Anu daw?!

Okay na ko.. 24hrs duty ako ngayon kaya di ko na siguro kailangan ng part time, lalong lalo na to! Isa pa certified single eh, lolz

Ako? Ende ako tatagal dito. Naliwanagan ako sa details ni CM. Ahahaha..

abe mulong caracas said...

DYLAN...wow 24 hours duty? meaning ba working girl ka na ngayon? hindi na sumusubok sa mga trabahong nakakatakot? lols!

The Gasoline Dude said...

Nyahaha ampucha! 500 Condom Testers? Anong gagawin? Isusuot sa sarili mong etits 'yung mga condom? Anlaki ng sweldo eh! *LOLz*

A-Z-E-L said...

kuya ABE, matanong ko, panglalake lang ba ung adds? wala bang hiring para sa pambabaeng condom? (meron na nun as far as i know.)

nagtatanong lang ako kuya ha... wala akong balak mag-apply... lolz.

napansin ko kase.. it's unfair! (ba't male lang? :(

A-Z-E-L said...

kuya, pahabol pa... now ko lang kase nakita ung site ng DUREX. may female pala... ano un may condom din na isusuot ang babae? o talagang pagtetestingan lng sya ng lalakeng nakacondom?

teka, bat interested ako masyado??? ahekssss!

Axel said...

hehehe, eto ba yung sa Durex???
Kung eto nga yun alam ko para sa may mga asawa lang toh eh...

dotep said...

mayat maya kailangan matigas si totoy..

mahirap yan..

dapat sa umaga lang ang pasok para matigas pa!