Monday, April 6, 2009

Kiliti


Kung bakit ba naman pagkasakay na pagkasakay ko ng FX papuntang trabaho, tsaka ko pa naramdaman ‘tong kiliting ito.

May mga nararamdaman kasi tayo sa sarili o katawan natin na minsan walang pinipiling lugar o oras. Di bale sana kung lahat ng mga iyun eh pwedeng gawin sa publikong lugar.

Kahit mag-isa lang namang gagawin, siyempre meron ding bagay na dapat eh pribado naman ng konti para walang sabit. Hindi naman kakain sana ng mahabang oras kung lumagay ako ng konti sa dilim. Haaay wrong timing talaga.

Pero di ko talaga kayang gawin sa pampublikong sasakyan. Ayokong pagpiyestahan ng mga mata at utak ng mga kasakay ko.

Alam ko kung ano ang tatakbo sa isip nila eh. Pag-ikut ikutin man nila kung bakit ko iyun ginawa at kung anong espiritu ang nag-udyok sa akin para gawin yun, sa bandang huli…tatagos pa rin ang mga nila na parang nanunuos.

Ang kulang na lang sa mga tingin nila eh sabihing ang baboy ko naman!

Bakit nga ba hindi ko naramdaman ito kanina nung naliligo ako?


Pasimple kong hinimas ng hinlalaki at hintuturo ang puno kung nasaan man ang ugat, buto o bunga ng pakiramdam kong iyun. Hindi ko na kasi napigilan.

Nang maramdaman kong malapit nang lumabas, kung bakit naman dumaan ang mata ko sa mata ng katabi ko? Hanggang sa tuluyan ko nang ialis ang aking kamay duon! Alam ko rin namang hindi iyun lalabas ng hindi ako gagawa ng ingay. Ayokong basagin ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

Hindi talaga pu-pwede. Wala rin nga pala akong dalang panyong pamunas. Titiisin ko na lang muna.

Halos patalon ako nang bumaba sa sasakyan. Hindi na ko naghanap ng dilim, ng isang sulok o nagtago sa likod ng poste. Ang kiliti nang tumagal, sumasakit na!

Hinimas ko ang puno ng aking ilong na parang parang may itinutulak. Mga limang hagod, sabay singhot na parang dumahak ng plema! One click!

Nasa dulo na ng dila ko yung kanin na naiwan at parang naipit sa ilong ko.

®

30 comments:

poging (ilo)CANO said...

waaaa...

anong kulay ng plema ang lumabas? berde ba? .....pagberde, masustansiya yan parang gulay...manamisnamis ang lasa...bagong pitas ba..hahaha..lolz...

yak! kadiri!

♥ K.i.i.k.a.Y ♥ said...

waaah..yucky naman!!!
as in kader der hehehehe.....

Kosa said...

lols... kadiri naman yung komento ni Pogi... naimagine ko pa naman talaga..

hehe.. mahilig ka talaga sa medyo double-meaning na mga bagay bagay pareko.. taena..sabi ko nga sayu madumi akong mag-isip eh..pero parang nasasanay na ako sa estilo ng pagsasalarawan mo ng mga bagay bagay..hehe

pero astig..lols

gillboard said...

akala ko naman naiihi ka... hahaha..

abe mulong caracas said...

PGING ILOCANO....waaah di mo binasang mabuti. sabi ko parang dumahak lang pero di naman naman talaga dumahaw eh

KIIKAY...yakididakdak ba!? nyahaha

KOSA...wala namang dobol meaning eh nasa huli lang talaga ang punchline di ba?

GILLBOARD...o kitams si parekoy nanghula hehe!

darkhorse said...

virus yan ddre! - vitamin C...lol nagulat ako sa simula eh....tc

2ngaw said...

Aysus!!!Di nman kasi ilong ang pinangkakain ng kanin eh lolzz

abe mulong caracas said...

DARKHORSE...juice lang ba katapat?

LORDCM...di naman sa ilong dumaan dre eh. sa bibig din kaso yung parang nasamid na papasok sa parang likod ng ilong!

eMPi said...

wow! milk... hahahahaha!

2ngaw said...

papaliwanag pa eh!!! lolzz

@marco..
Hehehe :D milk!!!

eMPi said...

sayang kung niluwa mo yon... milk condensada pa naman yon... lolz PEACE!!!

Anonymous said...

'Kala ko nahahatsing ka lang o nauubo.. Mas kadiri pala. lolz

Pag nararamdaman mo nang sisipunin ka, try mong uminom ng 2 Vit C a day tska 1tab Alaxan or Tylenol, para mapigilan yung virus..Subok na 'to. Mahirap magkasipon, sakit sa ulo, naku grabe..

For the sake of posting ba 'to o may kiliti talaga jan sa ilong mo?...Wahahaha!

Cheers Mulong!

Gumamela said...

ewwwwwww! lol!


makikitawa nlng sa knla!


hv a nice day!

Rome said...

pare wala bang kasamang ulam kanin lang ba? LoL!
ang hirap noon nangyari na din sa kin yun medyo nakakailang at iba ang pakiramdam....

tsariba said...

gurabe naman.. ang gross hehe
ekele ko e ano, parang yung mga fhm jokes lang ah, mga kwento sa likod ng bus lolz, may kanin kanin pa rar

A-Z-3-L said...

wish ko lang pwede pang isama sa sinangag ung kanin na un para mas malasa.. tsaka para mamantika na.. di na sasabit.. tuloy-tuloy! hahahaha!

lintek kase.. bakit pagkalunok mo ng kanin eh nagpatiwarik ka! ayun tuloy sumabit sa ilong!

ahahahaha!

Unknown said...

pwede naman lunukin. hehe

karakas said...

MARCO and LORD...nyahaha naging gatas na! kadirs!

DYLAN...nahahatsing na nga kasi nga makati na sa ilong pag may kanin sa loob di ba tapos di matanggal.

BHING...sige tawa lang!

Amorgatory said...

sarap yan sana may baon kang asin at suka hahahah! lol

Joel said...

dude! your so kaka.. kakatawa..
mabuti naman at napigilan mo, congrats!

The Pope said...

Habang sinisimulan kong basahin, I was thinking na naiihi ka, iyong pala hindi naman. Moral lesson, tapusin muna ang story hehehehe. mahusay ang elements of your writings kaibigang Mulong.

A blessed Holy Week.

punky said...

waaaaaahhh!!! hahahaha!!!

Anonymous said...

akala ko kung ano na pero mas grabe pa pala..haha! pero buti nailabas mo din dahil mas mahirap tiisin yan! :D

Amorgatory said...

tagay pa ung isang bote nang rh!!waotowajt!lol

dencios said...

hahahahaha. da bes ka mulong! :D

Lizeth said...

haha.singhutin daw ba yun kanin?!?

yAnaH said...

amf! akala ko najejebs ka.. pambihira,...
tsk tsk tsk

kumustasa na mulong?
hindi na tayo nag aabot sa ym ah.. ahihihihi

manilenya said...

naalala ko tuloy yung mga plemang madalas na pilit kong tinatago kapag nakasasakay ako sa dyip papasok ng skul pero madalas ding nag uumalpas kapag di na kaya ng lalamunan ko... bigla ko namiss ang tagal ko na rin palang hindi inuubo lol!

Anonymous said...

Hahahahaha. Cool. You're very cool.

bioniclugaw said...

kala ko naman sa pototoy mo yung system error. haha.

gggwwwaarrrkk!!!

eewwee. kadiri. haha.