Friday, May 22, 2009

Bagong Timpla

Kung nananawa ka na sa pag-inum ng Red Horse, Colt 45, San Miguel na tunay o kaya San Mig Lights, eh sumubok ka ng ibang inumin na swak sa budget. Sige meron akong ire-rekomenda.

Ito ang tinatawag na GSM-Grapes






Mga dapat gawin:

- Ilagay ang GSM Blue long neck sa pitsel at haluan ng tatlo hanggang apat ng basong tubig.

- Lagay ng isang litro pack ng Tang grape juice. Kung hindi ka tumatangkilik ng Tang at mas gusto mo eh ibang produkto, nasa iyo na yan. Hindi ko hawak ang budget mo.

- Haluin at tikman batay sa inyong panlasa kung matapang o swabe na sa panlasa

- Kung mayaman ka, serve it on the rocks.

- Pero kung jologs ka at inumang kanto lang paghaharapan ang natimpla ng GSM-Grapes, lagyan ng yelo at ipaikot ang baso. Sabayan din ng masayang kwento!

Isang maligayang barikan na. Samahan nyo naman ng pulutan kahit Chippy lang o kaya Sea-rena, yung mamisong fish crackers!

Kinabukasan….



naks®



25 comments:

Dhianz said...

ahhh ok... 'un lang =)

RJ said...

Kinabukasan... ang sakit ng ulo! Parang mabibiyak sa sakit! Whew!

Teka, dapat Eight o'Clock ang inilagay niyong kapartner ng GSM Blue para pareho silang San Miguel product. o",) Magkano ang bayad nila sa ad na ito? U

Rhodey said...

wow... tomahan na ito hehe, sama ako diyan, kampay.... hehehe..

eMPi said...

inuman na!!!!

The Pope said...

Kabilin bilinin ni Lola huwag daw tumikim ng serbeza... hahahaha

Pero puede ang GSM Blue kasi hindi ito serbeza... hahahaha

Masigla na naman ang buhay sa Barangay Ginebra.

Hermogenes said...

tagay pa parekoy... ahehehe

gillboard said...

sarap naman!!! yan na lang gimik ko ngayong weekend.. inom gsm at tang.. hehe

EngrMoks said...

maitry nga tol...
nasanay na kasi ko sa GSM blue at iced tea...pero mukhang kakaiba ito..
pero papagaling muna ko kasi bawal pa sa akin uminom...
saka na lang muna

Hari ng sablay said...

kinabukasan isusumpa mo ng uminon,lols pero pag ok na nman ang pkiramdam tnaghali pala tumatagay na.

Trainer Y said...

natry ko na ang GSm+pomelo and GSM+ orange.. okay naman sila.... sarap ng HO kinabukasan hahahaha..
kapag nagkaron ako gn time at nakahanp ng kalaklakan... ittry ko yang GSM+grape juice...
ng mahatulan hehehehe

Kosa said...

kinabukasan, kapag sumakit ang ulo mo, hilo-hilo pa, sundutan mo ulit para mawala..lols

pero parekoy, masmaganda kase kung wala ng halong ilang basong tubig... yelo nalang oks na yun!

masubukan nga yan sa susunod.

abe mulong caracas said...

DHIANS...tinikman mo ba?

RJ...yun lang, kaniya kaniyang tama yan eh. sabi ko na nga ba brand conscious ka eh hehehe. ayaw mo ng tang ha!

RHODEY...paikutin na ang baso nyahaha!

THE POPE...tama walang serbesang puti kaya wala munang bilin ang lola ngayon

abe mulong caracas said...

MARCO...tagay mo parekoy! mamulutan ka ng sipol hehe

GILLBOARD...wow mukang may follower ang gsm blue at mukang may iba kang alam na flavor ha!

MOKONG...ako naman yung combo mo ang susubukan ko, GSM Blue at Iced Tea!

HARI NG SABLAY...talagang ganuon lang pag sumusuka sasabihin mo ayoko na. pag nahimasmasan na, sige tagay pa!

Anonymous said...

Ah.. Nasubukan ko na rin sa lemon iced tea yan.. ok din naman. Ang di komakakalimutan imbento ko eh sprite, vodka at cool aid strawberry juice.. Mahina nga lang ang katawan ko sa vodka, mabilis mag react..

abe mulong caracas said...

YANAH...mukang manginginom si Yanah ha, share ka naman ng ibang timpla mo, yung may halong kape lols

KOSA...iba naman ang trip ni Kosa, ang gusto eh puro ha. wow manginginom to hehehe

A-Z-3-L said...

ayun.. lasing ka na naman!!! kaya naman pala eh! inspired by GSM BLue ka...

patagay nga...

blacksoul said...

emperador at Grapes lagi akong nawawasak noon try mo

bomzz said...

Halos lahat ng nagsabi Sakit ng Ulo eh sakit naman talaga kahit anong alak eh diba?

Ka mulong Nasubukan mo na ba ang BORACAY? inumin di yun di yong Beach! lolzz...

Anonymous said...

KINABUKASAN... HINDI KA MAKAKAPSOK SA TRABAHO. HEHE. :) HELLO KUYA.

punky said...

patimpla naman!

2ngaw said...

Gin Tubig lang, dami pang kelangan eh lolz

Amorgatory said...

hahah ayus to ah, salamat sa tip ha,at may pang toma nnmana kow buhahahah!!sarap yan if may ketchup pare lols

mulong said...

DYLAN...wow sosyal pang vodka pala. pero teka ano ibig sabihin nung mahina katawan mo sa vodka at mabilis mag-react...ano yung reaction? nyahaha!

AZEL...tagay mo parekoy!

BLACKSOUL...di ko ma imagine yung lasa nung timpla mo hehe. Tamblado kasi ako sa empe eh!

BOMZZ...boracay street sa malolos lang ang na subukan ko eh...yung beach at drinks hindi pa!

mulong said...

JOSHMARIE...tama ka dyan. buti na lang panggabi ako kaya nakakaiwas sa absent!

PUNKY...sige dre, ilabas na ang ingredients hehehe

LORDCM...yun lang gin-tubig aka gin-bulag tapos pulutan sipol, ang yosi naman hope na maiksi. namputcha, inumin ng walang wala yan hehehe

AMOR...talagang para sa iyo ang post na ito hehehe, pero teka ano yun bakit may ketchup?

Anonymous said...

Para kong flat tire.. Yung likod ko humihinga. hahaha! Basta mahina katawan ko sa mga malakas ang alcohol volume.. Minsan naman, sampung beses kong tatanungin ang pangalan mo..