Wednesday, February 24, 2010

Gusto Mo Bang Yumaman?

Hindi pa naman ako sumusuko pero hindi na ang pagtaya sa Lotto ang nakikita kong number 1 na paraan para yumaman. Sa isang banda, tumataya pa rin naman kasi ako sa lotto kapag naisipan ko.

Iyun nga lang, maliban sa lotto, naghanap ako ng iba pang paraan…sabihin na nating hindi na kailangang tumaya. Matalas na pagtingin sa paligid lang ang puhunan.

Pakiramdam ko kasi, kukubain na ‘ko sa pagta-trabaho eh hindi pa ko yayaman o makapagpapatayo man lang ng sariling bahay.

Eto ang unang paraan…alam mo ba yung butanding? Whale shark ang English ditto. Madalas daw itong makikita sa Sorsogon. Mabait nga daw ang butanding at pwede ngang hipuin kapag nakasabay mo sa ilalim ng dagat.


Iyun nga lang, hindi daw lahat ng tao mabait sa kanila.

Kaya ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources magbibigay daw ng P100 thousand sa sino mang magbibigay ng impormasyon tungkol sa kumakatay ng butanding.

Aba P100 din yun! Isipin mo kung maka 10 kang tip sa BFAR edi may isang milyon ka na.

Kung madalas ka namang mapunta sa matataong lugar, talasan ang mata at subukang hanapin ang lalaking nasa larawan.

Bakit nga ba hindi eh limang milyon piso ang patong sa ulo niya. Hindi ko alam kung anong kaso ang kinasasangkutan niya pero pihadong hindi pipitsugin. Ikaw ba naman ang patungan ng limang milyon di ba?

Halos araw-araw kong nakikita sa bahagi ng NLEX ang wanted poster na iyan ni Bong Panlilio. Pagbaba ko naman sa Malolos, siyempre todo lingap ako malay mo makasalubong ko siya.

Eto ang pinaka-malaking pera kung saka-sakali. Hantingin natin ang mga Abu Sayyaf na sangkot sa Sipadan Hostages.

Kahit ba iilan na lang sila dahil napatay na raw ang iba, worth it pa ring hagilapin sila. Aba eh US dollars yata ang nakataya kapag Abu Sayyaf at Sipadan Hostages ang pinag-uusapan.

Tumataginting na $5 million ang reward sa mga lider nila. Abe eh kung magkataon na may makita ko kahit isa lang sa kanila, pwede na siguro akong magpahinga sa kakaisip kung paano yumaman.

Ah alam ko na, pagod lang siguro kaya kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko at pati paghahanap ng mga kriminal eh napag tripan ko.

Kakapagod din kasi yung sobra sa kayod pero di makatikim ng ginhawa.


naks®

13 comments:

Jepoy said...

Haist! Gusto ko rin makatikim ng konting ginhawa.

Sana makapag bigay ako ng tip kung nasaan ang natitira pang abusayaf or kung saan nag tatago ang kumakatay ng butanding...

Masimulan na nga ang journey na ito...

an_indecent_mind said...

ayos yan! magandang simulain.. ipagpatuloy mo... balato ha? hehe!

m u l o n g said...

JEPOY...kahit maduduming ilog lang ang nakikita ko sa amin at mga biya lang ang nahuhuli ng mga mangingisda, pipilitin kong maghanap ng butanding...pag kinatay nila yari sila.

AN INDECENT MIND...teka lang depende ha. baka mamaya sa butanding lang ako magtagumpay tapos babalato ka pa hehe

MarcoPaolo said...

ako rin... gusto ko magkaroon ng sarili bahay... hmmm... :D

Lord CM said...

Hehehe :D Para bang kadyot ka ng kadyot eh di mo maabot ang rurok ng kaligayahan lolzz lalim! :D

Balato pre kapag nakuha mo na ung mga reward ah!

Chingoy said...

pang lotto ako heheheh... btw, binawian ng pera yung isang nanalo sa lotto?

YanaH said...

kelangan pala dito eh matalas ang mga mata mo para sa mga wanted na tao..

hindi ako naniniwala sa lotto..kaya hindi ako tumataya..

p0kw4ng said...

makapag simula na nga ding maghanap ng butanding...

magalaga na lang kaya ako ng butanding at ipapatay ko sa kapitbahay namin tapos isusumbong ko sya...pwede kaya yun? hihihi

hayop kakahawa yang napag iisip mo mulong!

kayedee said...

hasus, gdluck nmn s paghhnap s knla! hahhah..

Hadassah said...

pwedeng mag-sign up sa abu sayaff hunting squad? kelangan ko ring yumaman.;) pwede akong intel, at nasa mindanao ako. ;)

Kosa said...

hahaha.
i-career na yan bilang sideline at wag kalimutan ang aking Balato!!!

hehehe.

Solo said...

Naku! Gutom nga lang yan noh. Pero cge hanap nrin ako ng mga Abu Sayyaf leaders haha. ;D


Solo
Travel and Living
Job Hunter

April said...

Ay kuya, na-miss kita! Eeeiii..Msta n? Oo nga pala, parang nagugustuhan ko nrin ang idea mong yan ah. Ma-try nga hehe. ;D

April
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run