Sunday, February 7, 2010

Rated PG...Ulit

Di ko alam kung paano ba ito tatawagin. Una kasi itong nangyari pero ngayon ko lang ikukuwento kaya Part 1 na naging Part 2.

Pwede rin namang Part 2 na dapat sana eh Part 1 kasi nga unang nangyari.

Gulo parang bul*^%&!!!

Basta ganun iyun. Nangyari nung November 2004 nung ni-release ang passport ko. Dahil madali lang naman pag releasing, hindi ako nagtiis ng gutom sa pila at sa halip eh nakakain pa ng mas maaga.

Nung mga oras na yun, ayokong aminin na wala akong pera. Ang paniniwala ko, may lahi lang talaga akong rabbit kaya kalahating order lang ginisang baguio beans lang ang ulam ko.

(Pero ngayon inaamin ko nang wala akong pera nuon…hanggang ngayon!)

Sa isang karinderyang turo-turo ako kumain sa may labas ng DFA. May nakasabay akong isang babae na galing din ng DFA.

Nakita ko ang ulam niya, tinolang manok. Tulad pagkakataon ng kare-kare, may natirang isang pakpak at dalawang pirasong sayote sa mangkok niya.

Alam kong tapos na siyang kumain dahil ubos na ang kanin niya. Di rin naman siya umorder pa ng karagdagan.

Tinitigan ko ang natirang tinola sabay baling sa mata niya ang nangungusap kong mata.

Hindi pumasok sa isip ko na tanungin ang pangalan niya. Walang kaabog-abog, sinabi ko sa kaniya…

“Miss tapos ka na? Akin na lang tong natira mo ha!” Sabay ngiti.

PG talaga!

naks®

19 comments:

Jag said...

Ibinigay b nya? lol! adik! tlgang hiningi mo? jijiji...fiction jijiji...

Kosa said...

hahaha.
hindi naman masama ang paghingi ahh..lols
ang tanung eh pumayag ba sya?
ayus na ayus!
kungsakali,
kumibo man o hindi,
silence means Yes.
apiiiir!

Jepoy said...

Ahahaha Natawa ako kalahating Order na nga lang at Baguio Beans pa ahahaa. At ang pinaka level up eh ung hiningi mo yung natirang ulam ni Ate.

Panalo ang kwentong 'to!

God Bless!

m u l o n g said...

JAG...ibinigay naman sacho hehehe, mabait naman eh

KOSA...buti na lang parekoy di ako napahiya...sayang naman di ba?

JEPOY...pakapalan lang yan ng mukha jepoy hahaha

kayedee said...

=)ntwa nmn aq dun
pero ok lng un atlist ngpaalam u =)

bngay b nya?=)

Lord CM said...

Alam ko part 3 nito parekoy, ibinato sayo ung mangkok! lolzz

DRAKE said...

Hahahah! Natawa ako dun! PGng PG ang dating!

Paano na lang kung may Hepa si Ate eh di may Hepa ka na rin ngayon!

Basta natawa ako!

Ingat

Mokong™ said...

Kung sagot ng MTRCB ang monitoring ng mga blogs... patay ka parekoy wag ka papakita kay Laguardia...hehehe

Jam said...

palagay ko lang paborito mo tlga ang mga tira hahha..TC

ahmer said...

Advabce Happy Birthday! Treat naman dyan !

RICO DE BUCO said...

hahahaa..grbeee....

parehas na taung PG..akala ko nga parental guidance un pla patay gutom..pulubi na din ako ngaun hahaha..yumaman na sana ako

♥superjaid♥ said...

is this true?waaahh..adik ka kuya..hehehe

p0kw4ng said...

ok lang na hingin mo yun...sayang naman kasi db? daming walang kumakain tapos magtatapon lang sya ng ganon..buti na lang ikaw ang nakatabi nya...may nagawa kang mabuti sa madah eyrt! ahahahaha!

lakasan lang talaga ng loob no?hihihi

KESO said...

hahahah, natawa ako dun ah.
hanep kuya, saludo ako sayo. hahaha,

Somnolent Dyarista said...

kuyA!
hataw ah? basta makahigop walang pasubali ah?
hehehe

m u l o n g said...

KAYEDEE...yun ang mahalaga dun diba? mahirap kung kinuha ko lang yung tira nya ng walang pasubali di ba?

LORDCM....ibig sabihin nun pare, napuno na sa akin yung may ari ng pagkain

DRAKE...wag naman sana. pero matagal na yun eh, kung meron man nalaman ko na sana

MOKONG...hahaha bakit hindi ba pangbata ang contect engr?

m u l o n g said...

JAM...hindi naman pare, pag inabutan lang ng gutom at walang pambili hahaha

AHMER...waaaah natandaan pa ang kaarawan nyahaha

RICO DE BUKO...bigyan natin ng bagong ibig sabihin ang PG...palaging gutom? pulubing gutom? lols

SUPERJAID...totoong totoo!

m said...

POKWANG...panalo talaga ang comment mo tsong...oo nga naman, ilang milyong pinoy ang nagugutom at magtitira lang sila? tsayang naman!

KESO...i salute you back hehehe

SOMNOLENT DYARISTA...oo eh kailangan ang walang pasubaling pagpapaalam eh!

an_indecent_mind said...

nyahahaha! hanggaleng talaga tol.. akalain mo yun, may PG part 2 pa pala?? hehehe!

at this time, mas malakas ang loob, walang paligoy-ligoy at walang pasubali.. hehe!

daig ng gutom ang matapang! LOL