Wednesday, February 3, 2010

Rated PG

Sa kainan ng mga taxi driver sa isang sulok ng Timog Avenue ako naghahapunan kapag weekend. Sarado kasi ang canteen sa trabaho. Isa pa, subok ko na ang nilagang baka nila.


Imagine this, mainit na sabaw at maliban sa laman na hindi maganit o matigas, may kaunting taba na lumulutang-lutang. Ang sarap isawsaw sa toyo with kalamansi and sili kapartner ng umuusok na kanin!

Pero nung Sabado, nagdalawang isip ako sa nilaga…nakita ko kasi yung kare-kareng pisngi at tuwalya ng baka.

Naka-kondisyon na sana akong yung kare-kare ang iuulam ko. Iyun nga lang, nakita ko si Driver-A sa lamesa na hirap na hirap sa paghiwa sa tuwalya gamit ang kutsara. Walang knife sa karinderia!

Edi ayun balik ako sa nilaga.

Wala na akong maupuan. Si Driver-A lang ang nag-iisa sa lamesa nya. Bagamat may mga di pa naliligpit na pinggan, dun na lang din ako pumwesto. Siguro kaaalis lang ni Driver-B kaya ganun.

Nakita ko yung natirang ulam ni Driver-B, kare-kare at pisngi ng baka na siyang pinakapaborito sa putahing iyun kasi malagkit lagkit at mas malinamnam.

Binagalan ko ang subo. Nakita ko kasi si Driver-A, malapit nang matapos sa pagkain niya.

Eto na, mag isa na lang ako sa lamesa. Tumatakbo na sa isip ko nung oras na ‘yun kung paano ko makakahiwa sa inabutan kong kare-kare sa lamesa nang hindi ako makikita ng tindera kasi alam nga niya na nilaga lang ang inorder ko.

May bumili. Tumapat kay Aling Tindera. Success ang unang attempt. Yummy tangina!

Habang tinitignan ko, mas lalong nang-aakit, ubusin ko na daw siya maging ang bagoong na saktong sakto ang timpla. Di maalat pero may kaunting tamis.

Timing lang ulit ‘yan at nangyari naman!

Iyun nga lang, nung hinihiwa ko na ulit yung parte ng pisngi, pumunta sa lamesa ko ‘yung isang serbidora at niligpit yung ibang pinggan. Lintek hindi ko malaman kung lulubog ako.

Kaso nanduon na eh, katigasan na ‘yun. Pinanindigan ko na lang na nilagang baka at kare-kare ang ulam ko. Ang pumasok na lang sa isip ko, huwag sana akong sakitan ng batok sa cholesterol na pumasok katawan ko.

Habang naglalakad papalayo, nuon ko na hindi napigilang tumawa at mahiya sa sarili…Yaaak PG…patay gutom nyahaha.


naks®

20 comments:

Jepoy said...

Ang sarap ng picture ng karekare mapuntahan nga yan!

karen anne said...

haha, PG! nakakagutom naman yan..

SLY said...

bigla akong ginutom sa kare-kareng binida mo bro, at ramdam ko rin ang mainit na sabaw ng nilagang baka. takam!

glentot said...

Hala ka mamaya may TB yung last na kumain hehehehe

Chingoy said...

san yan??? lapit lang yan haus...

an_indecent_mind said...

nyahaha!

at least napagbigyan mo ang tawag ng bituka mo tsong!

pacheck-up ka agad! hahaha!

Jam said...

Hahaha..ibang trip mo ah! pano kung may virus pala ung si Driver B e d yari ka nyahahaha. Napadaan lang po at naaliw sa post mong to..san mkasilip ka rin sa blog ko..TC and Adv. happy Valentines.

DRAKE said...

tama isa ka ngang CERTIFIED PG!hehehe

malay mo may gayuma pala yun!hehe

Ingat

A-Z-E-L said...

tsk! di na nakatiis eh...

nice experience kuya...

♥superjaid♥ said...

hahaha mukha ngang masarap yung kare kare..

オテモヤン said...

オナニー
逆援助
SEX
フェラチオ
ソープ
逆援助
出張ホスト
手コキ
おっぱい
フェラチオ
中出し
セックス
デリヘル
包茎
逆援
性欲

p0kw4ng said...

naglaway ako sa kare kare...ayan o tulo pa hanggang ngayon! ramdam ko yung sarap tapos yung nilagang baka...iheytchu! (arte mode)

papaano nga ba kung may sakit yung kumain dati...hayaan mo na minsan lang naman,hihihi

I am Xprosaic said...

Syet kare-kare! paborito ko yan! jejejejejejeje

Dhon said...

WOW.. bilagang baka at kare kare... YUM!

abe mulong caracas said...

JEPOY...allin ang pupuntahan mo? yung picture? hahaha

KAREN ANN...kakagutom lalo na pag lagi kang gutom nyahaha...peace!

ganda mo naman

SLY...wala bang kare kare o nilagang camel dyan bro?

GLENTOT...di naman siguro niya yuin sinubo at niluwa. mukha namang buo yung karne eh!

pero ok lang kung may TV, makabili ng DVD hehehe

CHINGGOY....sa tapat ng forest grill

abe mulong caracas said...

AN INDECENT MIND...yun ang mahalaga hahaha, napagbigyan ang bituka. malakas ang immune system ko hehehe

JAM...di naman lagi yan dre, kapag nasa tawag lang ng sikmura at kawalan ng kahihiyan lols!

DRAKE...certified talaga ha. may iba kayang nakagawa nun?

AZEL...charge to experience na lang ano.

abe mulong caracas said...

SUPERJAID...maliban dun sa picture na ninakaw ko sa internet, yung natikman ko eh masarap talaga

HAPON...sacho, tomadachi, wakaranai!

POKWANG...minsan lang naman yun eh

ikaw naman lagi ka namang naglalaway eh hahaha! peace!

XPROSAIC...yakang yaka mong magpaluto ng isang timbang kare kare, kaw pa! naks!

DHON...picture lang yung nakita mo dre hehehe!

Dhon said...

I can just imagine! ;) YUM YUM

Kosa said...

hahaha
yun pala ang PG?
hahaha.. masarap nga ang kare-kare!
yun nga lang, sana hindi matigas.lolz

日月神教-任我行 said...

AV,無碼,a片免費看,自拍貼圖,伊莉,微風論壇,成人聊天室,成人電影,成人文學,成人貼圖區,成人網站,一葉情貼圖片區,色情漫畫,言情小說,情色論壇,臺灣情色網,色情影片,色情,成人影城,080視訊聊天室,a片,A漫,h漫,麗的色遊戲,同志色教館,AV女優,SEX,咆哮小老鼠,85cc免費影片,正妹牆,ut聊天室,豆豆聊天室,聊天室,情色小說,aio,成人,微風成人,做愛,成人貼圖,18成人,嘟嘟成人網,aio交友愛情館,情色文學,色情小說,色情網站,情色,A片下載,嘟嘟情人色網,成人影片,成人圖片,成人文章,成人小說,成人漫畫,視訊聊天室,a片,線上遊戲,色情遊戲,日本a片,性愛