Thursday, March 18, 2010

Eksena at Musikang Karaoke

Nagaganap ang eksena sa isang mumurahing videoke bar. Yun bang ilaw eh hindi mo malaman kung madilim na maituturing o maliwanag kasi kulay dilaw. Halos makita ka rin sa labas dahil may bahagi ng lugar na kung hindi sawali, pinagtabi-tabing buho.

Kaya ang siste, umaalingawngaw sa paligid ang bumibirit na mga manginginom kasabay sa liwanag ng buwan.

Dumating ang mga lalaking parang nabigyan ng rest day mula sa maghahapong pagta-trabaho. Sinusulit ang oras sa ngalan ng ilang boteng beer.

Bagamat pihadong naka ilang bilog o kwatro kantos na sila bago pumunta sa lugar, nais lang nilang tapusin ang paghaharap sa pamamagitan ng ilang kanta.

Kung titignan mo sila pwera sa serbesa at mikropono, baka mapagkamalan mo pa silang mga katipunerong sa ilang sandali lang eh maghihiwa sa pulso para pag-isahin ang kanilang dugo…oo blood compact!


At nagsimula na ngang tumapang at dumaloy sa kanilang mga dugo ang nainom. Skyline Pigeon ano pa ba? Kahit hindi tama ang lyrics basta katunog at lasing na, justifiable naman mabalahura ang classic ni Elton John paminsan minsan.

Nagsimula na ring umaali-aligid ang ilang babae na pwedeng makiupo at makiinom kung tatawagin. Mga hindi kagandahan pero pwede na para sa kalidad ng lugar.

Papayag ba naman ang kainuman ni Elton John na hindi magpasikat? Pero tila mas magiliw at masayahin ito kung nakainom...bumanat ng Touch By Touch.

Akalain mo, isang manginginom na nagre-relax ng bigat ng katawan eh kumakanta ng Touch By Touch? Wala namang masama kung tutuusin, matatawa ka nga lang makita siya habang sinasabayan pa ng sayaw matanda na yung mga braso at katawan lang ang gumagalaw.

Palibhasay nagpapatipo, kinuha ng isang babae ang mikropono sabay ehem. ‘Yun ang isa sa hindi ko maintindihan, bakit kailangang itapat ang mike kapag eehem? Pasakalye lang siguro sa magandang boses.

Siya pala ang Jessa Zaragoza ng videoke bar na ‘yun. Iba ang pagmo-modulate ng boses, hagod Jessa talaga pati galaw ng kamay. “Bakit ka pa nakita? Bakit pa nakilala…?” palakpakan naman ang mga kupal.

Eto na. May dumating na isa pang grupo na mas lasing sa mga naunang manganganta. Nung nagsimula silang kumanta ayaw nang pawalan ang mike na tila kinakainis naman ng ibang umiinom.

Buti na lang at hindi na umabot sa puntong may kumanta ng My Way at baka magkapatayan…bumaba na ko ng sasakyan.
Oo nasa pampasahero akong van pauwi ng Bulacan.

Lakas maka bad trip ng kasakay ko. Pinagtugtog ng malakas ang MP3 ng cellphone niya tapos walang headset. At oo ulit, mga ganuong klase ng mga kanta ang naririnig namin ala una ng madaling araw. Kainis!


naks®

7 comments:

Jepoy said...

Saan ka galing baket ka ala una ng madaling araw umuwi?! LOL

Chingoy said...

nakisali ka sana para jamming na to!

p0kw4ng said...

naiimagine ko ang setting ng wento,hihihi!

kainis yung ganyang katabi...di ka makatulog sa ingay!

Random Student said...

aba at di natutulog ang balita di ba ano ginagawa mo sa bahay aliwan ng mic?

ahmer said...

naks naman ang social life! active. hehe

A-Z-E-L said...

inuumaga!!!

walang kupas ka talaga kuya!

Solo said...

Naiimagine ko na.Ayan na oh, ayan pa ung iba. Amina't patugtugin ang akin para jamming haha

Solo
Travel and Living
Job Hunter