Wednesday, March 10, 2010

San Na Si San?

Nakilala ko si San bilang isang batang palaboy. Bagamat madalas ay madungis, nakakatuwang bata si San.

Sa murang edad, may katangian si San na aalamin mo kung bakit siya pulubi. Hindi mo kasi siya makikitaan na tila ba nalulungkot o nasisiraan ng loob sa klase ng buhay meron siya.

Inalam ko kung anung buhay nga ba meron sa likod ng batang palaboy?

Hinanap din pala niya ang kaniyang mga magulang. Nagtagumay naman siya at nabago ang kaniyang buhay.

Nakita niya ang kaniyang ama at kapatid. Mayaman pala ang pamilyang kaniyang pinagmulan. Kung baga, panibagong mundo ang ginalawan niya nang makita niya ang kaniyang pamilya.

Pero talaga sigurong may kakambal na trahedya sa kaniyang buhay. Nasunugan sila at kasamang tinupok ng apoy ang kaniyang ama at kapatid.

Sa isang iglap, nabagong muli ang kaniyang buhay at bumalik sa pagiging palaboy. At mas masaklap…ulilang palaboy.

Kung saan saan na lang siya natutulog. Minsan, kung saan na lang abutin ng gabi.

Hindi lang pala ako ang natuwa kay San. Kung sinu-sino pala ang umampon sa kaniya. Hindi siya itinuring na iba.

Bagamat mahirap na pamilya lang din ang kumukupkop sa kaniya, binihisan, pinaliguan at pinakain si San ng mga taong naging pamilya na din niya.

Ang huling alam ko, nakulong si San matapos mapagbintangang magnanakaw.

Sabi ng ilang napagtanungan ko, may isang lalaki daw na naghahanap sa bata pero hindi lang talaga sila nag-aabot sa isang pagkakataon.

Ang hula ko nga, mayaman si San at baka may naiwang mana ang kaniyang ama para sa kaniya.

Sa kamasaang palad…ilang araw ko na ring hindi nakikita si San sa hindi ko malamang dahilan.

Bigla na lang kasing pinutol sa ere ng TV5 ang pagpapalabas ng "The Wanderings of San Mao" kahit wala pang tuldok ang kwento ng buhay niya.

Kaya panawagan sa pamunuan ng TV5, sana tapusin niyo muna yung kwento ng buhay niya, sige na!


naks®

14 comments:

karen anne said...

nasubukan ko manood nun sa tv5, batang tatlong hibla ang buhok,hehe.

Jag said...

hindi ako makarelate jijiji pero isusumbong kita sa amo mo nanonood k pla sa tv5 joke! jijiji

an_indecent_mind said...

gusto ko din yan si san mao!!! hehe!

abe mulong caracas said...

KAREN ANNE...siya na nga ang tinutukoy ko. tatlong hibla lang ang buhok ni san mao.

JAG...ok lang yan parekoy, nanunuod nga ako ng showtime eh hehehe

AN INDICENT MIND...maganda nga sana talaga kasi tinanggal na nila eh. pangit yung pumalit. si Ippo na lang ang susubaybayan ko.

Kosa said...

awwww. talaga naman oh!
nakakadala!

haaaays.
yan ang medyo hindi ko gusto sa mga serye-serye.... medyo nabibitin. Bukod pa dun eh madalas, sa kalagitnaan ng magandang kwento ay bigla nalang itong mawawala..

Lord CM said...

pasensya naman, at wala akong tv5 :(

Chingoy said...

lagi kong nakikita ang trailer nito sa TV 5. parang nakakalungkot ang kwento...

m u l o n g said...

KOSA...hindi ito tungkol sa serye serte, si san mao ay isang cartoon chinese character nyahaha

LORDCM...anong meron diyan? ANC? PINOYTV? naks yaman!

CHINGOY...yap nakakalungkot nga at lalong nakakalungkot nga that the show was already axed!

Dhianz said...

haller kuya mulong... kalah ko kung sino na si San...wehe... nde akoh kapampangan ah kc never akoh nawawalan nang H... wehe... eh silah minsang walang H... haha... natawa akoh kc alam moh bah meaning nang walang H... haha... example walang H! kah... nyahaha... joke lang un... nde related reply koh sa post mo... haha... laterz Godbless!

YanaH said...

*asar*

tatz na tatzx na ko sa story kala ko trulalu tsk...
langya ka mulong! amf hahahaha
hindi ko kilala si san dahil hindi ako makatv5..

Random Student said...

baka naman lilipat ka na ng shake TV?

April said...

Hayzzz, muntik na akong maiyak. Ang anak ko lang kasi at asawa ang nanonood ng mga cartoon sa tv5. Pero i admit, maganda ang mga palabas doon. ;D

April
Stories from a Teenage Mom
Mom on the Run

hArTLeSsChiq said...

sana may TV kami para makarelate ako sa post mu..haha :P

memae said...

nakakaiyak nga yan .. parang 22o talaga sana sana talaga ibalik yan .. dahil isa yan sa pinaka magandang carton na napanood ko . like it so much